Chapter XIII

757 33 3
                                    


Nilapitan ko ni Kuya Ley at niyakap, hindi ko naisip na gagawin niya iyon matapos nang nalaman niya tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Ang inaasahan kong mangyari na pandidirihan niya ako ay hindi naganap. Bagkus ay siya pa ang natakot na maaari ko siyang iwanan kung hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko sa kanya.

"Susubukan ko kuya, hindi ako lalayo." Pumatak ang luha ko. Nanginig ang buong katawan ko. Sa oras na iyon kahit hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko sa kanya ay ayos lang. Sobra-sobra na ang pagtanggap niya sa akin.

"Hindi mo ako iiwan ha?" muli niyang tanong na animoy naninigurado na walang magbabago sa pakikitungo ko sa kanya.

Tumango na lamang ako tanda ng pag-sangayon ko sa kanya. Para bang wala na akong karapatang tumutol. Tinanggap niya ako kung ano ako, at naniwala na walang magbabago sa pakikitungo niya sa akin.

"Oh! Tama na ang drama niyong dalawa. Matulog na tayo," pabirong sabi ni Kuya Pat.

Lumipas ang ilang araw. Walang nagbago kay Kuya Ley, ganoong pa rin siya. Malambing, maalalahanin at maalaga. Ramdam na ramdam mo ang pagiging kuya niya gaya ng dati. Ngunit ang pangako ko sa kanya na walang magbabago ay unti-unting nawawala sa isipan ko. 

Unti-unti akong nakakaramdam ng pagkailang. Mahal ko si Kuya Ley pero mas mahal ko ang sarili ko. Alam kong hindi mawawala ang nararamdaman niya sa akin kung mananatiling ganito siya kabait sa akin at kung ganito pa rin ako kalapit sa kanya.

Unti-unti kong nilalayo ang sarili ko sa kanya. Nagsimula sa pagtangging sumabay sa pagkain dahil sa ginagawang assignment kahit wala naman, sa pag-iwas sa pananatili sa kwarto namin at paglayo sa mga dating lugar na madalas naming puntahan dati ni Kuya Ley. 

Alam ko kasi na kung sa alam niyang lugar ako pupunta ay makikita niya lamang ako. Sa wari ko, mas mainam na iyon. Kung uunti-untiin ko iyon ay hindi na ito mapapansin ni Kuya Ley hanggang sa masanay na ito na wala siya.

Sinubukan kong makipagkaibigan sa iba. Isa sa mga nakilala ko si Kuya Fitz. Nakatira siya sa ibang dorm. Kasama siya sa k'warto ng ka-blockmate ko na si Micko. Nakilala ko siya nang minsang nanghiram ako ng notes sa classmate ko. Siya muna ang nag-estima sa akin habang wala pa si Micko. Hindi ko ba alam kung bakit nalilinya sa ms matatanda palagi ang napapalapit sa akin.

Nagkasundo kami ni Kuya Fitz dahil mahilig kami sa iisang bagay; Manga. Hindi siya 'yung tipo ng Otaku na mahilig sa mga sikat pero binabasa rin naman niya ang Weekly Shonen Jump; One Piece, Bleach at Naruto. Mahilig siyang mag-analyze kahit ang mga loophole sa manga ay napapansin niya. Kaya manghang-mangha ako sa kanya sa tuwing magku-k'wento siya.

Dumalas ang pagbisita ko sa dorm nila. Pakiramdam ko, nakakita ako ng mga bagong tao na makakasama. Mga taong walang posibiladad na masaktan ako, walang kumplikasyon. Ang pagtingin ko kay Kuya Fitz ay parang kuya lang talaga. Hindi tulad ng nararamdaman ko kay Kuya Ley. Halos araw-araw, matapos kong tapusin ang mga responsibilidad ko sa eskwela ay pupunta ako kila kuya Fitz. Lingid sa aking kaalaman ay napapansin na pala ni kuya Ley ang utni-unti kong paglayo sa kanila.

Isang araw ay naabutan niya akong katatapos lamang maggawa ng assignment. Huwebes noon at nagmamadali ako dahil may bago na namang episode ang weekly Jump. Mas masarap kasing magbasa kapag may kasama kang parehong nae-excite sa story at pagkatapos ay mag-uusap kayo kung ano ang susunod na mangyayari. Paalis na sana ako nang magsalita si kuya Ley.

"Aalis ka na naman, wala ka man lang paalam?"

"Ah Kuya, kasi pupunta ako sa kaklase ko."

"Kila Micko? Gusto mo ba sumama ako?" paramdam niya na para bang gustong sumama.

"Hindi na kuya, malapit lang naman. Kaya ko nang mag-isa," alinlangan kong sagot. Ayaw ko siyang sumama lalo na at ginagawa ko ito upang lumayo sa kanya.

Initsigan (BL Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon