2nd Arc- Chapter XXX

546 29 2
                                    


Nagising ako sa mainit na sikat ng araw na lumalagos sa salamin na bintana ng silid. Dahan-dahan kong binaling ang katawan palayo sa sinag ngunit isang mahapding sakit sa ulo ang gumuhit sa aking sintido. Napabalikwas bangon tuloy ako sa sakit na iyon.

"Arrrgh!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Arrrgh!"

Mabilis ding nawala ang pansin ko sa sakit ng ulo nang makita kong hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nilinga-linga ko ang aking mga mata at tumambad doon ang litrato ni Patrick na kasama ko kagabi lamang.

Sandali kong inalala ang mga nangyari kagabi ngunit lahat ng iyon ay malabo. Para bang isang malalim na panaginip na hindi ko na maalala ang lahat ng detalye. Kahit na nga ang usapan namin ni Patrick ay hindi ko na rin matandaan. Tatayo na sana ako nang parang may ng mukha akong naalala. Kahit na ba lango ako sa espirito ng alak nang mga panahon na iyon ay tanda ko ang nakita ko at narinig nang mga huling sandali bago pa man ako mawala ng ulirat.

"Si Bunso!" muli akong napabalikwas bangon ngunit natigilan din dahil muling umatakae ang hapdi ng sakit ng ulo. Parang sa tuwing gagalaw ako ay may naalog sa utak ko kaya't sumasakit iyon. Dahan-dahan akong bumangon, hinanap ang phone ko at lumabas ng k'warto.

Sa labas ay bumungad sa akin ang pamilyar at kumportableng mga ngiti ng nanay ni Patrick. Kahit noon pa man, magiliw na siya sa aming mga barkada niya. Para na ngang ikalawang tahanan ko na ito.

"Tita Good morning! It is so great to see you once again,"sabay yakap ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tita Good morning! It is so great to see you once again,"sabay yakap ko sa kanya. Alam ko namang hindi niya papansinin ang amoy ko.

"Ikaw din. Aba, akala ko nakalimutan mo na kami ng anak ko eh," sabay kunwaring sumimangot ito.

"P'wede ba yun? Kayo pang dalawa ni Pat? Nakalipat na pala kayo?"

"Sabi ni Patpat dito na lang daw kami muna kasi napapagod daw siya mag-uwian. Tapos pag-uwi niya wala pang nag-aasikaso sa kanya kaya sumama na ako," sagot nito. "Hindi pa fully paid ito ah, rent to own lang naman ito,"

"That's good to hear, mukhang mas madalas tayong magkikita. Anyway, si Pat nga po pala?" kahit pa nahihirapan akong itago ang sakit ng ulo ko ay sinusubukan kong ngumiti habang nakikipag-usap kay tita. Gusto ko ring makompirma ang nangyari kagabi.

Initsigan (BL Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon