2nd Arc- Chapter XXIX

639 34 6
                                    

A/N

POV ni Harley ito, so you may notice na medyo mag-iiba ang tone ng narration. After kasi niya mahusgahan ng mga readers for being indecisive, manipulative, an asshole, and immature, siguro deserve naman niya na marinig ang side niya. Kung ano ang umiikot sa isip niya. Anyway, Enjoy! 

How long has it been? Four years? Hindi ko na nabilang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

How long has it been? Four years? Hindi ko na nabilang. Four years feel like 10 years kapag ang dami mong iniisip, kapag naghihintay ka. I thought for a while, mawawawala din ang nararamdaman ko, that it's just a phase, but days passed by and I just miss him more. Ano nga bang nangyari? I dreamt of having beautiful and passionate nights with him, but the dreams remained a dream; almost a nightmare.

"Harley, bakit hindi mo suot ang graduation ring mo?" tanong ng isa sa akin habang iniinom ang isang baso ng margarita.

"Gave it to someone for safe keeping,"napangiti ako. Inaalala ang bawat nangyari noong araw na iyon. Sariwa pa sa aking alaala ang lahat na para bang kahapon lamang. Mainit pa rin ang mga luha ni Tan-tan na pumatak sa aking dibdib. Pati na ang tamis ng halik at ang higpit ng kanyang mga hawak na ayaw akong bitawan. Kumusta na nga ba siya? Ang tagal na rin simula nang mangyari ang mga bagay na iyon. Nitong mga nakaraang uwi niya, hindi na siya nagparamdam. Hindi na sana ako naghangad pa. Heto nga ako ngayon sa isang reunion.

"Girlfriend mo ýan ano?"muling pagsundot ng tanong niya

"Chong, shut up!" iniwan ko na lamang siya. Bakit ba palagi na lamang akong inuusisa sa mga bagay na wala naman akong maik'wento.

Sa gitna ng usok at ingay ng pamilyar na lugar, nananatiling blanko ang lahat. Puno ng tao ngunit wala ang hinahanap ko. Puntahan ko ba siya? Kailan ba nagbago ang lahat. Isang araw na lang- ang limang mensahe kada sa isang araw ay naging isa, at ang kada araw na mensahe ay naging kada lingo, kada buwan, hanggang tumamlay at natuyot na parang bulaklak sa taglagas. Naghuhudyat na papasok na ang malamig na klima, nanunuot sa iyong buto. Masakit pero wala akong magawa.

Hindi naman mahirap intindihin ang bawat sitwasyon. Alam ko namang may pangarap ang bunso ko at kailangan niya ng oras para doon. Pero gaano ba kahirap ang kumustahin ako? Ganoon ba ko kabilis makalimutan? Ganoong na lang ba ako sa paningin niya, naubos na ba ang amor niya sa akin? Napagod na ba siya na ipaglaban kung ano ang meron kami? Malungkot sa ibang bansa, but whenever maiisip ko na may naghihintay sa akin pagbalik, kinakaya ko. After noong araw na magtapat kami sa pamilya niya, para bang nawalan ng silbi ang lahat. Bakit ba kailangan ko pa siyang pilitin na umamin? Sana nakontento na lang ako.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Initsigan (BL Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon