2nd Arc- Chapter XXXVII

406 29 6
                                    


"Gago ka ba?" Nanginginig ako sa galit at kinuwelyuhan ko siya. Kung hindi lang siguro ako nakapagpigil noon ay sinuntok ko na siya. Napakaraming tumatakbo sa isipan ko noon. Bakit nga ba pinagkatiwalaan ko siya nang husto gayong sandali pa lamang kaming nagkakakilala. Hindi ko namalayan na tahimik lamang siya pero mapagmanipula. Umarte lamang siyang nakikinig sa mga hinaing ko dahil may inaasahan siyang kapalit.

Kung gagawin ko ang sinasabi niya ay para na rin akong nag-cheat kay Tan-tan. Kung hindi naman ay malalagay sa alanganin ang trabaho at pangarap ni Tan-tan. Saan naman ako lulugar?

"What are you waiting for?" tanong niya sa akin.

"Tinratro kita nang maayos. When everyone ignored you, ako lang ang nag-reach out sa'yo and this is how you'll repay me? You are out of your fvcking mind," tinulak ko siya nang malakas at napahiga siya sa kanyang kama.

"Naiinggit ako sa kanya. The way you look at him, how you care for him, how he has an unbridled access sa lahat ng parte ng katawan mo," inayos niya ang nalukot niyang damit dahil sa pagkagigil ko sa kanya.

"Because he earned it, we earned it. Wala kang idea sa pinagdaanan naming dalawa. How he was so patient with me when I was unsure of myself, how he remained patient when I was broken. He gave me all the time I needed to heal,"

"Kaya ko rin namang gawin iyon. Bakit ba kasi, hindi na lang ako,"

"Alin ang maging patient? Look at what you are doing right now. You are forcing me to do things na hindi ako kumportable. You will never be Tan-tan,"

"Yes. I will never be him. Siya na nakilala ka at tanggap ang sexual orientation niya. Kasi wala akong ganoon. Kaya naging ganito ako. Hanggang ngayon nagtatago ako. Nang nakita ko kung paano mo ako w-in-elcome noong first day mo dito, inisip ko na baka p'wede. Baka may pag-asa ako, baka ito na time ko. Pero as days passed by, nalaman ko na never palang mangyayari iyon kasi you have Tan-tan. Pero I don't care, kahit sexual relationship lang, kuntento na ako,"

Nagkaroon ako ng pagkakataon na pakalmahin ang sarili ko at mag-isip ng maayos. Ayaw kong mapahamak si Tan-tan dahil sa pagkapabaya naming dalawa. Ayaw ko rin namang isangkalan ang katawan ko. Bahala na.

"Lock the door," utos ko. Tumayo siya at tumalikod sa akin upang i-lock ang pintuan. Habang nakatalikod siya ay dinukot ko ang phone ko, pinindot ko ang camera icon at nag-record. Inilapag ko rin iyon sa may side table na katabi ng aking kama. Saktong pagbalik niya ay naiayos ko na lahat. "You want this dick of mine?"

"Yes kuya," sagot niya na puno ng pagnanasa.

"Say it properly. Beg for it,"

" I want you inside me, kuya. I want you to fuck me,"

Pagkatapos noon ay madiin ko siyang hinalikan. Diring-diri ako sa sarili ko at sa kanya nnag naramdaman kong tumama ang mga labi ko sa kanya. Nang matapos ang madiin kong halik na iyon ay dinura ko ang mga laway niya. Sabay pinunasan ng manggas ang bibig ko. Kinuha ko rin ang phone ko na patuloy pa rin sa pagre-record.

"I-send mo sa HR, ise-send ko rin ito. Sabay-sabay tayong bumagsak. Tingnan natin kung kanino mas malaki ang damage. Kung sa amin dalawa lang paninindigan ko si Tan-tan kapag nagkanda-leche leche ang sitwasyon. Ikaw? Meron ka bang ibang kakapitan?" base kasi sa k'wento niya ay wala sa paligid niya ang tumatanggap sa kanya. Ayaw ko sanang gawin iyon pero kailangan kong protektahan si Tan-tan.

Kumapit siya sa braso ko habang banaag ko sa mukha niya ang takot. Tama ako, walang nakakatanggap sa kanya. Naawa tuloy ako sa kanya.

"Kuya please don't . I-dedelete ko na ang video, i-delete mo na rin 'yan,"

Initsigan (BL Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon