Chapter 1

55 2 1
                                        

Unang araw ng eskwela ko ngayon, sobrang saya ko kase sa isang sikat at magandang eskwelahan ako makakapag-kolehiyo sa kursong medisina. Salamat sa stepfather ko na sobrang bait sa amin ni mama. Unlike sa teleserye, palaging masam ang stepfather.

"Gab, bumaba ka na diyan, kakain na. Ihahatid ka pa ng tito Carlo mo!" Ayon at narinig ko na ang matinis na boses ng nanay ko, sanay naman na ako sa boses niyan kada umaga. Mas nasanay ako kesa sa ingay ng manok sa bakuran namin.

Pagkatapos kong magsukay ay kinuha ko na ang bag ko na nasa ibabaw ng kama at agad na bumaba para kumain kasama ang mama at ang stepfather ko.

Nakahanda na ang aming almusal. May itlog na may kamatis, may tuyo at noodles din. Perfect combination for breakfast.

"Magandang umaga, maganda kong ina." Lumapit ako kay mama tsaka siya hinalikan sa noo. Lumapit  naman ako kay tito Carlo at binati rin ito.

"Handa ka na ba sa bago mong paaralan, Gabby?"

"Opo, medyo kinakabahan ako ngayon. First time kong makakapasok sa ganon kasikat at kalaking paaralan." Naramdaman ko ang palad ng nanay ko sa pisnge ko.

"Galingan mo, dra. Sanchez! fighting!" Sabay sabay kaming nagtawanan. Walang umaga ang hindi nakangiti sa aming tatlo, basta pagmagkakasama kami palagi kaming masaya.

Wala na akong hihilingin pa kundi ang kasiyahan ng dalawang tao sa buhay ko.

•••••

La Capilla International School.

Nakikita ko lang dati sa tv ang paaralang ito, active sila sa mga sports, halos lahat din ng student ay magagaling, naalala ko last year nabalita sa tv iyong student na isa na member ng cheer leading squad nanalo sa ibang bansa, representing the LCIS and the Philippines. Kahit hindi ako nag-aral dito simula highschool naging proud pa rin ako.

Sabi pa nga ng kaibigan ko na si Violet kamukha ko daw ung leader ng cheer leading sa TV. Hindi ko rin naman maikakaila na may pagkakahawig nga kami.

Maglalakad pa lang sana ako papasok ng campus ng tumunog anv cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot.

"Bestieeee!!!" Bungad ng kaibigan kong si Violet o kung tawagin ko ay Ube. Maingay siya, maganda at masiyahin. Ang kaso lang iba kami ng school na pag-aaralan. Sya ay sa semi-private na school sa lugar nila sa Cragarcia.

"Ube, kamusta?"

"Ayos naman ang school dito, ayos din ang students. Magandang ang learning system. Pero syempre.. iba pa rin ang school na papasukan ng bestie ko.. Ano kamusta?"

"Wala pa, hindi pa simula ng class namin. Sa ngayon papasok pa lang ako sa campus, kaso tumawag ka.."

"Marami bang pogi dyan?" Napangiti ako sa sinabi niya. Palagi namang ganito ang kaibigan ko, kahit uhaw sa gwapo eh matalino naman.

"Puro ka gwapo, ube."

"Dito kase sakto lang, wala akong makita na pwedeng maging crush." Bigla kong naimagine ang mukha niyang nakapout habang sinasabi iyon.

"Hay nako, Ube. Mag-aral ka ng mabuti.. Alam ko namang matalino ka pero wag ka papalinlang ng dahil sa mukha lang, sige na, kailangan ko ng ibaba."

"Okay, bestie ko. Balitaan mo ako ha? Babye!"

Nakakamiss din kasama ang kaibigan ko. Simula noonh vacation ng after ng graduation ko ng senior high hindi na kami nagkita ni Violet puro tawag at text na lang kami.

Hinanap ko ang classroom ko, sa ika-unang building sa taas iyon. Andami kong nakitang magagandang babae, mga bitin ang damit mga nakasuot ng skirt na hindi pa umaabot sa tuhod. Kung ako siguro magsusuot niyan ay hindi bagay tsaka isa pa papagalitan ako ni mama.

Pumasok ako sa classroom, natigil ang maingay na tawanan at kwentuhan ng dahil doon, nahihiya akong ngumiti at bumati sa kanila.

"Magandang umaga.." Wala pa ang teacher kaya siguro maingay pa sila. May lumapit sa aking isang babae, sobrang ganda niya. Kita ang hugis ng katawan dahil sa bitin na damit niya. Maikli ang kaniyang buhok, kulay pinkish ang kaniyang labi. Light make up lang pero sobrang ganda niya.

"Hello! Ako si Sabine Maeve, you can call me Sab. Ikaw? Ano name mo?" Tanong niya, ang ganda din ng kaniyanv boses, mala-anghel siya kung gumalaw dahil inanyayahan niya akong umupo katabi ng upuan niya.

"Ako si Gabby Saint, Gab for short."

"Ang cute hahaha Sab and Gab. Anways, ang ganda mo naman.. Akala ko ikaw yung famous vlogger na si Veatrice Gail, siya yung main leader o captain ng cheerleader."

"Ha?" Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi niya. "H-Hindi ako iyon.. Mas maganda siya sa akin, malaki rin ang pinagkaiba namin."

"Kung tutuusin, pag pinaglapit kayo mukha kayong kambal."

"Ohhmyygodd?? Veatrice Gail?" Napatingin ako sa biglang sumigaw, I think he's a gay.

"A-Ah.. sorry, h-hindi ako iyon. Gabby ang pangalan ko." Nakita ko ang disappointment sa mata niya.

"Weh? Baka niloloko mo lang ako ha? Kamukhang kamukha mo si Veatrice Gail Hermoso.. What's your full name?"

"Gabby Saint Sanchez ang name ko."

"I thought you and Gail were twins." Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"But anyways, I'm Franco but you can call me Frankie."

"Nice to meet you, Frankie."

"Nice to meet you too, Gabby."

And my first day of college become more special because of Sab and Frankie. Sila ang unang taong naging mabuti sa akin dito sa paaralan, kasama ko sila sa canteen, sa ibang gawain.

•••••

"Kamusta ang unang pasok, anak?" Bungad ni mama ng makapasok ako ng bahay, malapad ang ngiti kong sumalubong sa kaniya at binigyan siya ng yakap.

"Orientation and Introduce yourself lang ang first day, ma. Bukas ang official class namin." Pumasok kami pareho sa kusina, naka-upo si tito Carlo sa upuan kaharap ng aming maliit na lamesa.

"Wala bang umaaway sayo?" Tanong ni mama, umupo ako sa harap ni tito Carlo tsaka uminom ng tubig.

"Ma, matatanda na kami. College na kami tapos may away pa rin?"

"Hindi naman maiiwasan iyon anak, lalo na at maganda ka." Napanguso ako sa sinabi ni mama.

"Anyways ma, i have a friends na. Their name is Frankie and Sabine. Try ko sila i-invite dito soon."

"Masaya kami sayo, anak."

Hindi ito mangyayari ng wala ang dalawang taong nagtiwala at naniwala sa akin una pa lamang. Sana kung alam lang ni papa ang sitwasyon namin ngayon ay magsisi siya sa pang-iiwan niya sa amin ng mga panahong siya lang ang pwede naming hawakan, pero mas pinili niyang sirain ang loob namin ni mama.

I'm Gabby Saint Sanchez at magiging isang pediatric surgeon ako.

Azerea TwinsWhere stories live. Discover now