Pangalawang araw sa LCIS. Maaga pa lang ay pumasok na ako kase sabi ni Sab at Frankie ay itotour daw nila ako sa buong LCIS, 10am pa ang simula ng class pero nandito na ako ng 7am. Medyo marami rami na rin ang tao sa classroom, mga nakayuko sila sa libro at nag-aaral. Ganito talaga sa Medicine, halos walang time na sa mga bagay na walang koneksyon sa medisina. Ako kase nakapag-advance reading na ako bago pa ang pasukan. Sa loob ng dalawang buwan na vacation ay tutok ako sa makapal na libro ng medisina at luckily natapos kong basahin iyon bago magenrollan.
"Handa ka na ba?" Napatingin ako kay Sab ng tanungin niya ako.
"Malaki ba talaga ang LCIS?"
"Oo, lilibutin natin simula primary." Hindi ko maiwasang magulat, sigurado kaseng aabutin iyon ng hours bago kami matapos. Primary, secondary at colleges. Alam kong malaki ang bawat building nito.
"Seryoso ka ba talaga, Sab?" Hindi ko alam kung may pag-aalinlangan sa akin.
"Grabe si girl Sab, beh. Baka hindi niyo kayanin ang one day para lang malibot ang buong LCIS." Si Frankie
"Joke lang, ano ba kayo!"
Nagsimula kaming lumibot sa college, sabi ni Sabine sa susunod na lang daw kami lilibot sa ibang level para naman ma-familiarize ko ang LCIS. Pumunta kami sa kaunahang building ng college. Ang educ building, kunti pa lang ang tao dahil siguro hindi pa oras ng klase nila.
"Dito Educ building—Actually may friend ako dito!" Lumingon lingon siya sa paligid ng bigla siyang sumigaw. "Zeus!" Kumaway kaway pa siya doon sa lalaking maangas na naglalakad papunta sa amin.
Nang makalapit ang tinawag ni Sab na Zeus ay pinakilala niya kami. "Zeus, this is my pretty bestfriend Gabby Saint Sanchez, same course, medicine. And Gab this is Zeus Wensley my lazy friend here in Educ building."
"Nice to meet you, Zeus."
"Yeah." Walang ganang sagot niya. Naisip ko kung paano ba naging kaibigan ni Sab itong si Zeus? Cold personality, poker-faced at parang walang pake sa mundo.
"Bakla, di mo man lang ba ako ipapakilala kay papa Zeus?" Masungit siyang nilingon ni Sab.
"Wag na beh, landi mo eh!" Humarap siya kay Zeus na parang nabobore na sa nangyayari sa paligid. "Sige na nga, umalis ka na!"
Pinagpatuloy namin ang paglilibot. Tiningnan ko pa sa likuran ko si Zeus pero nahuli ko siyang nakatingin sa akin, seryoso ang mukha niya habang nakikipagtitigan, isang naiilang na ngiti ang ginanti ko tsaka sumabay ng lakad sa dalawa.
Marami rami na ang nalibot namin at di ko akalaingsa bawat building course ay may kaibigan si Sab karamihan ay lalaki at gays.
Patungo na kami ngayon sa Archi Building. Pumasok kami doon at nakita ko kung paano magtinginan ang mga student ng Archi building, may ibang pagkakita sa akin ay bubulong sa katabi niyang kaibigan.
May masama ba sa mukha ko?
Kinapa ko ang sarili kong mukha kung madumi ba pero wala naman.
"Oh no.." Narinig kong usal ni Frankie sa tabi ko. "Sab, this is all your fault!"
" What?" Mataray na sabi ni Sab kay Frankie.
"Look, all archi students are looking at Gab! You know what I mean, ano ba!"
"It's fine, bakla. She's safe here, no. I got Gab, anyways."
Is it because of Dwayne? Nakita ko siya sa may itaas na building na nakadungaw habang seryosong nakatingin sa akin, i don't know pero bigla akong kinabahan sa mga tingin niya.
YOU ARE READING
Azerea Twins
FanficAng inaakala ni Gabby at Gail na isang normal na buhay kasama ang kaniyang inakalang pamilya ay nauwi sa mala-adventures na buhay.. Isa palang prinsisa mula sa kabilang mundo ang kambal. Sa istoryang ito.. Matutuklasan natin kung paano maglakbay abg...