Third Person's POV
"Honey?" Madaling araw ng gabi ng bumangon si Carlo sa higaan nila ng asawa niya. Dumeretso siya sa kitchen at doon nakita ang asawa.
"Oh, aga mo ngayon, Carlo?"
"Georgia, hawak ni Gabby ang libro tungkol sa Alvelio Twins—"
"Ano?!?" Medyo napalakas na pagkakasabi ni Georgia kaya tinakpan ni Carlo ang bibig nito.
"Marinig ka ng anak mo, Georgia."
"Ngunit paano?" Inignora ang sinabi ng asawa, nag-aalala ang magasawa dahil nasa kamay na ng anak nila ang librong matagal nilang tinapon at kinalimutan. Isang librong mag-uugnay sa dalawang prinsesang pilit pinaglalayo ng hari at reyna.
"May isang matanda daw ang nagbigay sa kaniya ng libro."
"H-Hindi kaya.. hindi k-kaya si Apipa ang—"
Parehas silang naggulat ng may isang matanda ang lumitaw sa kanilang tabi. Siya si Apipa ang nagbigay ng libro kay Gabby Saint.
"Roella.. Abino." Marahang sabi ni Apipa sa magasawa. "O mas kilalang Georgia at Carlo."
"Apipa?" Lumapit si Georgia sa matanda ng may nagtatanong ng ngiti. "Bakit? Bakit mo ibinigay sa anak ko ang libro?"
"Correction, my dear. Hindi mo siya anak!" Kikay na sabi ng matanda kay Georgia. Kita ang pagtataka sa mata ng mag-asawa dahil sa asal ni Apipa. "At isa pa.. Nasa wastong gulang na si Prinsesa Elaxia Azerea at Prinsesa Eretria Azerea. Hindi sa lahat ng pagkakataon kay tatakbuhan nila ang problema, Roella."
"Apipa.."
"Dinala ko sa mundong ito ang kanang kamay ni Haring Eresion, siya ang magsasanay sa kambal.."
"Apipa, m-marami pang oras.. H-Huwag muna ngayon." Pagmamakaawa ni Georgia sa matanda pero umiling lang ang matanda, hindi na napigilan ni Georgia ang luha sa mata.
Alam niyang pagdating sa pag-eensayo ay mahigpit ang kanang kamay ni Eresion, ito ang pinakabihasa sa pakikipaglaban.
"Wala nang oras, Roella. Pagsapit ng ika-unang araw ng taong 2023, bubukas ang lagusan ng Zenupe.. Pamumunuan iyon ni Erolmo. Kukuhanin niya ang kambal.. iyon ang magiging dahilan para pamunuan niya ang mundong Earth, Roella."
"Pero b-bakit?"
"Inalay ni Erolmo ang kaniyang kaluluwa sa hari ng mga demonyo, Roella. Para matupad ng hari ng mga demonyo ang hiling ni Erolmo na pamunuan ang mundong Earth, kailangan nito ng dalawang batang magkamukha at makapangyarihan."
*****
Gabby's POV
Katatapos ko lang maligo at magsuklay ng buhok. Since wala akong blower, naupo muna ako sa tapat ng study table ko para magpatuyo ng buhok. Sabi kase ni mama sa akin noon pag natulog daw ng basa ang buhok mababaliw pagkagising. Hindi ko alam kung totoo iyon pero nakasanayan ko din.
Sa tapat ng stude table ko ay ang librong binigay ng matanda. Tulak ng kursyudad, binuklat ko ang libro noon, makaluma nga ang disenyo at more on fantasy fonts, pero hindi pa rin ako naniniwalang hango iyon sa tunay na buhay. Sabi pa ng matanda ay galing sa ibang mundo.
Nagsimula akong magbasa, di kalaunan ay naging weird ang pakiramdam ko, para akonh dinala sa pangyayaring nasa libro pero hindi ako makita ng mga tao dito.
Ang mga tao ay nakasuot ng hindi pangkaraniwang damit, mga damit na mahahaba.
Patuloy sila sa pagtakbo kung saan. Dala ng kursyudad, sinundan ko ang mga tao. Pumasok sila sa isang malaking haligi na kunh titingnan ay isang palasyo. Halos magulat pa ako ng nagawa kong makalipad at mapanood ang nangyayari sa open field ng kaharian.
YOU ARE READING
Azerea Twins
FanfictionAng inaakala ni Gabby at Gail na isang normal na buhay kasama ang kaniyang inakalang pamilya ay nauwi sa mala-adventures na buhay.. Isa palang prinsisa mula sa kabilang mundo ang kambal. Sa istoryang ito.. Matutuklasan natin kung paano maglakbay abg...