Drop 3

1 0 0
                                    

Chapter Three



Rocher

May nabasa ako sa isang aklat na nakita ko sa dump site. Ang 'yong desisyon ang magtatakda ng iyong kapalaran. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Wala namang mawawala sa akin siguro? Hindi ko na alam.

Kahapon na yata yung isa sa mga pinaka nakakatakot na karanasan ko sa buong buhay ko. Inalok ako ni Mayor ng isang trabaho, sandali lang naman daw 'to. Maging isang star witness daw ako. Haharap ako sa mga reporter na mga nag ba-balita at isasalaysay yung mga nakita ko noong gabi na 'yon. Pero iba raw ang sasabihin ko. Binigyan nila ako ng papel, nakasulat doon yung mga bagay na sasabihin ko.

Nakita ko po si Mayor atsaka yung isang lalaki, naglalakad po sila sa pangalawang eskinita, malapit sa dump site. Kumuha po ng isang dos por dos yung kasama niyang lalaki at ibabambo po sa kanya. Sinigawan ko po siya kasi alam ko pong mali yung ginagawa niya, doon na po siya nagulat. Napansin po agad ni Mayor yon at naka ilag siya. Nung muli po siyang hahampasin si Mayor, bigla po siya bumunot ng baril, pinag tanggol po niya yung sarili niya, at doon na nga po niya aksidenteng nabaril. Pauwi na po ako noong mga araw na 'yon dahil kagagaling ko lang po sa dumpsite dahil po may binalikan ako...

"Ayan yung mga sasabihin mo. Naiintindihan mo ba? 'pag kami ay nilaglag mo, buong compound niyo susunugin namin. Subukan mo lang magka mali, idadamay namin buong lugar ninyo."

Hindi lang ako ang maa-apektuhan kung sakali man. Hindi man kaya ng konsensya ko, pero wala na akong magagawa. Kagabi, pinakawalan din nila ako pagkatapos akong turuan ng mga gagawin ko. Sila na raw ang bahala sa lahat, basta mag star witness na lang daw ako.

"Hoy, may mga tao sa labas, hinahanap ka! May mga pulis pa! Tapos may mga may kamera. Ano bang ginagawa mo? Anong katarantaduhan 'yan?! Lintek!"

Piningot pa ako ni Nanay.
Umalis din siya at ako na raw ang bahala sa buhay ko. Hindi niya raw ako dadalawin sa kulungan. Ito na. Kailangan ko na mag salita para sa kaligtasan ng bawat isa sa amin.

Lumabas ako ng bahay at bumungad nga sa isang lugar malapit sa bahay namin ang mga reporter. May ilang mga pulis na nag babantay sa lugar. Noong nakita ako ng mga kapitbahay namin, agad nila akong itinuro sa kanila. Dali-dali naman akong pinuntahan ng mga reporter. Nagtanong tungkol sa mga nangyari noong gabi na 'yon. Isinalaysay ko rin yung mga sinabi sa akin ni Mayor kahapon. Kasunod naman noon ay ang mga pulis. Nag bato sila ng mga katanungan at sinagot ko naman nang maayos, nang naaayon sa napag usapan.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin ang mga ito. Unang beses kong lalabas sa telebisyon, bilang isang star witness pa. Niloko ko ang lahat. Subalit kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga inosenteng tao rito sa aming lugar.

"Wow, sikat ka na Rocher! Mapapanood ka na sa tv! Iba ka na talaga, hindi na kita abot."

Pagka alis na pagka alis ng mga reporter, pumunta agad siya sa amin para kumustahin ako. Nagtatampo pa nga siya dahil hindi ko raw sinabi sa kanya yung mga nakita ko. Kung alam mo lang, Chris.

"Grabe, nakakahiya nga. Pasensya ka na talaga dahil hindi ko sinabi sa inyo. Masyado kasing delikado yung mga nakita ko, baka madamay pa kayo. "

"Oo, naiintindihan ko na. Ako nga dapat magpa salamat sa'yo kasi naisip mo pa 'yon. Edi ikaw na may isip!"

"Siraulo."

"Pero Rocher, hindi ka ba natatakot? Baka ipabaril ka na lang din diyan. Bakit kasi pinili mong magpakita sa harap ng kamera? Pwede naman pa lang hindi. "

Takot na takot ako, Chris. Wala na akong magagawa, nangyari na ang mga dapat mangyari.

"'Di bale Rocher, kaming mga tiga Malakay ang bahala sa'yo. Hindi na makakalabas ng buhay yung babaril sayo kung sakali man. Nakikita niya ba 'to? Baka iuntog ko yan sa braso ko!"

Batak na batak na braso kakabuhat sa palengke at paghahanap ng makakain sa araw-araw.

Umalis na rin si Chris dahil magbabantay pa siya ng mga kapatid niya. Hindi na kami pumunta sa dumpsite dahil delikado pa raw, sabi sakin ng mga pulis. Mas maganda raw na huwag muna akong lumabas ng bahay namin para hindi ako mamukaan ng mga tao.

"Rocher! May nagpapaabot nito sayoo!"

Bag. Isang bag na may kabigatan nang kaunti ang hawak ni Kaloy. Agad akong nagpasalamat sa kanya at dinala na ang bag na 'yon sa loob.

Agad naman nasagot ang katanungan ko nang buksan ko ang gamit na ito. Naglalaman ang bag na ito nang maraming pera. Puro libo. May nakalagay din isang papel na may sulat dito. Agad ko itong binasa.


Maraming salamat sa 'yong kooperasyon. Dahil diyan, ito ang P50,000. Alam mo naman siguro ang ginagawa sa mga taong maingay 'diba? Pinatatahimik. Tandaan mo, nakasalalay dito ang buhay niyong lahat.
                                                        -M.M.<3


Wala naman talaga akong balak na may pagsabihan pang iba. Ibabaon ko 'yan sa akin hanggang sa huling hininga ko.

Agad kong tinago ang bag na naglalaman ng pera. Nakokonsensya ako sa ginawa ko pero wala akong pagpipilian. Balak kong bigyan si Chris ng ilang halaga para makakain sila nang masarap.

Ihiniwalay ko na ang limang libong piso sa bag at itinabi. Bumili muna ako ng lechong manok at bigas sa tindahan, suot-suot ang cap para hindi ako mamukhaan ng iba. Dumiretso ako sa bahay nila Chris, bitbit ang mga dala ko. Agad ko 'tong binigay kay Chris. Ayaw pa nga niyang tanggapin at nahihiya raw siya.

"Hindi tayo mabubusog sa hiya na 'yan. Minsan lang 'to, sulitin mo na!"

Nagtataka pa nga sila kung saan ako nakakuha ng pambili nito pero sinabi ko na naka jackpot lang ako. Inabot ko pa sa kanya yung sampung libo. Gulat na gulat siya sa pera na ibinigay ko sa kanya. Sinabihan ko siya na huwag magulo. Halatang nanghihingi ng eksplanasyon yung mata niya pero nginitian ko na lang siya at kinindatan.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nanggaling 'yan sa pagsisinungaling ko. Dito na ako sa kanila pinakain nang kanyang magulang. Pinag salu-saluhan namin ang aming munting pagkain. Galak na galak ang mga mata ng kanyang mga magulang. Nag aagawan pa sa manok ang kanyang mga kapatid. Excited na excited dahil ngayon pa lang daw sila makakakain nang ganito. Sana pa nga raw araw-araw may ganito. Napa tawa na lang sila.

"Kung gusto niyong araw-araw makakain nang ganito, mag aral kayo nang mabuti. Pag naka graduate kayo at nakahanap nang trabaho, sigurado, mas masarap pa rito ang kakainin ninyo."

Sana ganyan din ang pag iisip ng Nanay ko. Siguro, yung pera na nakuha ko ay gagamitin ko na lang sa pag aaral. Susubukan kong pagkasyahin.

Pero

Mukhang hanggang pangarap ko na nga lang talaga na makapag aral ako. 'pag bukas ko ng pinto ng bahay, nakita ko si Nanay na hawak yung bag na naglalaman ng pera ko. Binibilang pa niya yung laman nito.

"Ang dami nito ah? Saan mo 'to ninakaw?"

Magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Nagpaka hirap ako na palakihin ka kaya sa akin na 'to. Kulang pa 'to sa pagpapalaki ko sayo. Pag nahuli ka ng pulis, hindi ko na kasalanan 'yan. Nakaw ka nang nakaw. O sayo na 'tong dalawang libo, para hindi ka umiyak."

Wow, binigyan pa ako. Wala na akong magagawa, nakuha na niya. Ipangsusugal na naman niya ulit yan. Agad na siyang umalis muli sa bahay namin. Doon na siguro siya matutulog sa sugalan. Pinulot ko na yung dalawang libo na ibinato niya sa akin at pumunta sa higaan ko.

Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakabaliw. Natanggalan na naman ako ng karapatan na mag aral. Hindi na ako sumabat sa nanay ko dahil wala rin namang patutunguhan yung pag u-usap namin. Pagdating talaga sa pera, nagiging alisto siya.

Saan kaya ako dadalhin ng tadhana na ito? Bahala na. Wala naman nang mawawala sa akin. Kung sakali mang ipatumba ako, atleast nakakain na ako ng lechong manok na hindi galing sa pagpag.

Countless Drops of Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon