Unusual day

266 17 0
                                    


Masisira na yata ang handle ng umbrella ko. I can’t help myself na pangigilan nalang ito dahil sa inis. First time ko na nga lang gawin ang ganito tapos ganitong situation pa. Malas ba ako ngayong araw? Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.

I stopped for a minute para lang mag-check ng readings ko ngayon. My brows furrowed sa mga lumalabas na result sa internet. It says na swerte raw ako ngayong araw and I will meet someone along the way na magdadala ng something special sa buhay ko.

What a weird horoscope reading. Ibinulsa ko nalang ulit ang cellphone ko and lumabas na ng 7-eleven. It’s too early, sarado pa ang starbucks. Kailangan kong pagtiyagaan ang nasa convenience store.

Medyo naiilang ako sa ibang mga nakakasalubong at nakakasabay ko. They’re staring too much. Like, I know I’m beautiful but no need to gawk like that. Ever since na nagsimula akong mag-work sa company na to walang araw na hindi ako nakaka-receive ng compliments at stares. Not that it’s bad…I—I just don’t like it. Wala na bang ibang Makita sa’kin ang mga tao kundi ang pretty face ko lang? It just makes me sad. All I want was for them to look at me as a woman with skills rather than a woman with pretty face.

Bakit nga ba tayo lumalayo? My problem right now is yung ulan. Bakit ba umuulan ngayong araw?

Kung hindi ko lang sana sinunod ang advice ni Ning. Bakit nga ba ako nagpa-uto sa bestfriend ko? Sana pala talaga ay hindi ko nalang iniwan ang car ko.

‘Diba si Katarina yun?’

‘Hala, ba’t sya naglalakad?’

‘Bro the goddess of Main building.’

A goddess? Really? Mukha ba akong galing Olympus? How can someone call me like that? These people with their weird minds. Mas binilisan ko nalang ang paglalakad dahil sobrang layo ko pa sa main entrance and hindi ko pa naiinom ang kape ko.

‘Grabe ang hot talaga nya.’

Dinig kong sabi ng babae sa isa nya pang kasama na nasa gilid ko lang. Anong Hot sa paglalakad habang may bitbit kang payong at isang cup ng coffee? Hindi ko talaga maintindihan ang pag-iisip ng iba. At kung pano nila nagagawang pag-usapan ang isang tao na nasa paligid nila? Seriously, How?

Nakahinto ako saglit. Hinihintay na matapos sa pagdaan ang ilang trucks ng biglang umihip ang malakas na hangin. Good thing naisangga ko agad ang payong ko, kung hindi ay nabasa na ako ng ulan.

‘Kawawa naman yung babae.’

Narinig ko ulit sa mga kasabayan ko. Kaya naman ay napatingin na rin ako sa tinitignan nila. Pagtingin ko sa tinitignan nila ay nakita ko ang isang babae na parang tinapunan ng tubig. The girl who kept on glancing at me kanina pa. I thought of asking her kanina kung gusto nya bang makisilong sa payong ko kasi kung makatingin sya ay para syang nagmamaka-awa na pasilungin ko sya.

Nagulat ako na hindi man lang sya naging hysterical sa pag-react like most of us will do kapag naka-encounter ng ganyan. Instead tinignan nya lang ang sarili tapos parang wala lang yung nangyari. She continued walking na parang wala lang yung ulan.

I was so amazed kaya naman ay sinundan ko sya. And shared my umbrella with her. Mukha rin naman kailangan nya talaga ng payong. Pareho palang kaming papasok ng work and sobrang lamig sa office. Baka sipunin at ubuhin sya. She’s so kawawa.

Nagulat sya saglit ng hindi nya na maramdaman yung ulan. Napatingin sya sa side ko and stared at me for a moment. She looked like a lost kid kaya muntik na akong matawa. And it’s not good for a stranger to laugh at someone who’s in difficult situation. So, what I did is naglakad nalang. Nakasunod naman agad sya sa’kin.

MagnetWhere stories live. Discover now