Chocolates and Yakult

226 13 4
                                    






Sigh.

Mahigpit akong napahawak sa aking tumbler. Pinahid ko yung nangingilid na namang luha sa mga mata ko. This is so stupid. I'm so stupid.

Lahat ng na assign sa'king trabaho kanina ay ang daming mali. Kinailangan pang mapagalitan ni Seungmin dahil sa'kin. Okay lang sana na ako yung makatanggap ng mga salita pero yung madadamay yung taong walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako ay nakaka-konsensya talaga.

I'm really disappointed ngayon sa sarili ko. Sabi ko pa naman na babawi ako ngayong araw tapos hindi ko naman pala magagawa.

"Winter?"

Napaayos ako ng upo at tinignan ang bagong pasok na si Aeri.

"What are you doing here? Di pa break time?" she questioned habang lumalapit sa'kin.

"A—ano kasi pi-pinagpahinga muna ako ni Ma'am Eugene." sagot ko. Bawal naman kasi talagang tumambay dito sa pantry lalo na kapag hindi pa break time. Pero dahil nga sa performance ko kanina sinabihan muna ako ni Ma'am Eugene na mag-take ng break ng maaga at ng makapagpahinga ako.

Nailang ako ng tignan ng mabuti ni Aeri ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Are you okay? You looked stress?"

Napalunok ako bago tumango.

"Are you sure?" tuluyan ng syang umupo sa tabi ko. "Dahil ba sa work ngayon?"

Napayuko na ako at natahimik.

Masyado bang halata sa itsura ko ngayon? Yes, I'm really stressed. I think mas lumala ang stress ko sa work dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ko.

"It's okay Winter. Lahat naman nagkakamali eh."

"Pero kung paulit-ulit sya hindi na yun tama." kontra ko sa sinabi nya. Ngumiti sya at inilapag ang tumbler na hawak sa side nya.

"That's what they always say right? Kapag paulit-ulit tayong nagkakamali sa ginagawa natin may mali na sa'tin." patuloy parin syang nakangiti habang nakatitig sa'kin. "Mistakes are always part of our work Winter. Hindi naman natin laging mapi-perfect ang ginagawa natin. Everyday iba't-ibang papers ang natatangap natin, hindi naman pare-pareho ang gusto ng mga clients natin,diba? Syempre magkakamali talaga tayo at some point." pagpapatuloy nya pa.

"Pero hindi naman rason na porke't iba't-iba ang natatangap natin eh pwede na tayong magkamali. Kasi, diba pareho lang din naman ang process ng lahat nagkakaiba lang sa specifications ang bawat isa. Tsaka pa tinuturo naman na lahat nila." nakayukong sabi ko.

"Winter iba-iba tayo ng level of understanding. Hindi naman lahat mabilis pumick-up. Kahit nga yung mga tumagal na rito nagkakamali parin naman diba?"

Bumuntong hininga ulit ako. "Pero hindi katulad ko na halos lahat nalang ng ginagawa may mali."

She also sighed at nagulat nalang ako ng bigla nya akong inakbayan.

"You're so nega talaga minsan Winter. It's okay to commit mistakes, kahit everyday pa yan wala namang masama as long as you're willing to correct it. You keep on trying and you know how to reflect, it's okay Winter."

Napangiti nalang ako. "Thank you Aeri, for your kind words." sabi ko.

Dumako bigla ang mga mata ko sa nakasabit na clock sa itaas ng water dispenser. Bigla kong narealize yung oras.

"Aeri!" kinakabahang sabi ko. "Lagpas sa 10 minutes ka ng nandito."

Bawal na bawal kasi sa'min ang umalis sa pwesto namin during working hours except nalang kung kukuha ka ng tubig o pupunta ng CR. Pwede kang tarakan ng Team leader.

MagnetWhere stories live. Discover now