Rebuilding relationship

80 6 4
                                    


Minjoo?

Si Winter lang ang tumatawag sa'kin ng ganyan. She's the one who always pronounce my name wrong. Pero cute. She had a cute way of pronouncing the names of people wrong. And now, halos na adapt na rin yan ng family and friends ko.

When I came back here sa Philippines two days ago akala ko mahihirapan ako sa bahay. Akala ko magagalit Sila sa akin, pero hindi. Hindi rin nila binabanggit ang nangyari sa'kin sa ibang bansa. Not that I want it na pag-usapan nila. I also don't want to talk about it.

It was traumatic. Sobrang pain na nga ang naranasan ko bago pa man ako makaalis ng pilipinas and I never imagined na sobra sobra pa pala ang mararanasan ko sa ibang bansa.

Kababalik ko lang matapos kong maayos yung contract and problem ko. Mabuti nalang at may connection si Mama sa isang malaking company dito sa Philippines. Napakasok ako sa company kung nasaan si Winter. Gusto kong mabalik ang dati. And if I want my life to be back, I should start kay Winter. She's my life after all.

I know ang laki ng nagawa ko sa kanyang kasalanan. It was unimaginable. Actually gusto ko naman talaga kasing sabihin sa kanya ang reason ko. Magpaliwanag kumbaga. Gusto kong ipaliwanag sa kanya bakit ko nagawa ang ginawa ko. Pero ang hirap kasi. May taong involved.

I want to start a new relationship with her. Now na nandito na rin ako sa company nya mas mapapadali sa'kin ang mag-explain and mapalapit ulit sa kanya.

"Ready ka na ba, Minjoo?" tanong sa'kin ni Mama.

"Yes ma, alis na ako."

"Tumawag pala sya kanina. Nagtanong kung okay ka na ba raw? Magkikita ba kayo?"

Tumigil ako saglit sa may pinto.

"Hindi ma. Hindi pa sa ngayon. Kailangan ko munang ayusin yung saamin ni Winter." sabi ko.

May pag-intinding ngumiti sa'kin si Mama.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaction ni Winter kapag makita nya ako. Alam kong hindi alam ng iba na may magiging bagong section head Sila. Which is ako. Palagi kaming magkikita ni Winter. I know she hated me. Siguro ni ayaw nya na nga akong makita. But I'm here to make it up to her. Hindi ko nga lang alam kung paano. Pinagmukha ko syang Tanga, worst parang basahan na basta ko nalang tinapon. I'm terrible I know. But I had my reasons.

Maaga pa talaga ako. I'm not supposed to show up this morning.

"Good morning Miss Minju, right?" tanong sa'kin ng taga HR.

"Yes, Ma'am. Hello, good morning." bati ko sabay handshake pa. Mga taga HR palang talaga ang kakilala ko tapos yung ibang section head. Yung lang din kasi ang ipinakilala sa'kin kahapon.

Ngayon ako iintroduce ng head ng HR sa buong department.

"Busy pa ngayon ang ibang department kakatapos lang kasi ng unang bell but we can introduce you sa department na naka assign sayo." nakangiting sabi nito sa'kin.

I smiled at her also. Naglakad na sya palabas ng room sumunod lang din ako sa kanya. Paakyat na kami kaya mas kinabahan ako lalo. Makikita ko na sya.

Pagkapasok namin ay wala man lang may pumansin saamin. Busy nga ang lahat. May iilang napatingin pero bumalik din agad sa kung ano ang ginagawa nila. Nagtuloy-tuloy lang yung sinusundan ko kaya ganuon na rin ang ginawa ko. Tumigil kami sa isang area.

"Everyone," pagtawag nya sa atensyon ng lahat ng nasa areang tinigilan namin.

Nilibot ko ang mga mata ko para hanapin sya. Mabilis ko rin naman syang nahanap. She's too close. Two section away from us. She's so engrossed sa ginagawa nya sa computer nya.

Mas lalo syang gumanda.

Nalungkot at natakot ako bigla. I left her without a word, an explanation. Pano ko kasi masasabi sya kanya na ang pangarap ko kailangan kong...bakit kasi sya pa...bakit kailangan maging complicated ng lahat?

"Winter!" inalis ko agad ang tingin ko sa area nila ng tawagin sya nung leader nila.

"This is Minju. Sya ang magiging bagong section head nyo." the HR introduced me.

Binigyan ako ng warm smile ng iba yung iba naman ay "welcome po sa team" yung mga sinabi.

I genuinely smiled din sa kanila.

Nagsalita ulit yung HR sa team about sa pagkapalit ko nga sa dati nilang section head which hindi ko na pinakingan. Bumalik kasi ang tingin ko kay Winter. I saw her standing in front of her leader.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat sa kanya. I don't know how to start na ayusin ang nagawa ko sa kanya without mentioning that thing. Baka kasi mas lalo syang magalit sa'kin...sa amin.

Inalis ko saglit ang tingin ko sa kanya. Umiwas lang ako saglit ng may mahagip akong tao na nakatingin din kay Winter?

Why is she looking at her?

Bumalik ang tingin ko kay Winter. Napansin kong parang pinapagalitan sya? May nangyari ba?

Nakaramdam ako na parang may tumitingin rin sa'kin so for the nth time inalis ko saglit ang tingin kay Winter. And to my surprise nahuli kong nakatingin sa'kin yung nakita kong nakatingin rin kanina kay Winter.

May curiosity sa mga tingin nya which hindi ko na pinansin ng sambitin ng HR ang name ko.

"I hope you'll be comfortable with your team and workmates."

"Of course Ma'am. Thank you for the warm welcome." Sabi ko. Kasabay nito ang pagtunog ng bell.

Mabilis na tinignan ko ulit si Winter. Yung babae kanina na nakatingin sa kanya. Bakit palapit ito kay Winter?

"Pangalawang break na. I guess pwede na kitang iwan dito. After ng 15 minute break you can start your work na."

Inalis ko na ng tuluyan ang tingin ko kay Winter. Baka kasi mapansin pa ako ng iba.

I smiled politely sa HR. Nang makaalis sya ay tinungo ko na yung cubicle ko.

It's about timing. Mamaya ako lalapit sa kanya.

Magugulat sya, I know. Baka nga takbuhan nya ako. If gawin nya man hahabulin ko sya. I need to fix things between us. I need to say sorry. I need her forgiveness.

I just need to figure it out kung paano. And I only have few hours to do that.

But what if ayaw nya? Pano kung ayaw nya ng marinig ang explanation ko? Ang makita ako?

What should I do?

Okay, I'm overthinking again.

You can do this Minju.

Kakayanin ko.

For her forgiveness.







_______________________________





hey, hey, hey here's the new update. I know, sobrang tagal pero ito na nga (≧▽≦)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MagnetWhere stories live. Discover now