Chapter 18

20 0 0
                                    

I don't know what happened but the next day after that incident, the same peopl who was guidanced that day, left the principal's office, grinning and laughing.

Parents had been called. So Mike's parents are present, Sef's aunt is present, so as Pen's mother, and Kendall's parents.

Kasama ko sa labas si Kenn, iyong kapatid ni Kendall. Nasaktuhan lang na lunch na, kaya dumiretso kami ni Freya rito sa may principal's office. Baka kasi tapos na sila.

Lux is not with us because she's currently roaming the rooms of High School Department and Senior High School Department. Dahil bukas na ang election of officers.

Ngayon din namin malalaman kung matutuloy ba si Sef sa eleksyon or pagba-back out-in siya. And what would be the punishment they have to face, suspension is the worst, since 1st offense pa lang naman. Pero grabe pa rin iyon. Or yung iba baka ma-excuse, baka hindi magkaroon ng punishment at detention lang or hours of community service.

Yes, mayroong gano'n dito, para raw magtanda ang mga student. Buti nga hindi ako nagkaroon ng gano'n kahit na nagkaroon ako ng sudden outburst sa faculty room.

"Sana naman tama maging desisyon nila at iyong naaayon talaga sa kung ano ba dapat ang tama," sabi ni Freya habang naglalakad kami patungo sa principal's office.

"Kaya nga eh. Unfair kasi kung gagamit ng koneksyon si Mike, lalo na magiging konsehal tatay niya," sagot ko rito.

Pagdating namin doon ay naabutan namin si Kenn na kasama si Wesley at isa pang lalaki na hindi pamilyar sa akin, pero nakasuot ng unipormeng may logo ng CBI, iyong College of Bernardi Institute.

He has this brown-gray-ish eyes, medium silver hair, and stood about 6'0 or 5'11 and a half. Parang sa kanta lang ni Taylor Swift na 'Style'. He got that long hair, , slicked back, although, not a white t-shirt but a white button-up polo with the logo of CBI. And has a black eye glasses.

"Sino 'yong kasama nina Kenn?"

"'Di ko rin alam," tanging sagot ko rito.

"Oh, kayo iyong mga kaibigan ni Kendall, 'di ba?" pagtatanong ni Wes sa amin na siyang tinanguan naming dalawa. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Ah titignan lang namin kung tapos na ba sila, parang halos two hours na rin nang papuntahin sila dito. Lunch na rin kasi," sagot ko.

Tinignan ko iyong lalaking ibang naka-uniform nang may halong pagtataka. Buti pinapasok siya, mahigpit din kasi ang school sa mga visitors. You can't visit unless may schedule ka or may valid reason.

Mukhang napansin niya ang pagtingin ko sa kaniya ng pagtataka kaya naman magiliw siyang naglahad ng kaniyang palad at nagpakilala.

"Oh, I'm Clifford Daniel Bernardi, friends with them. I'm not from here, obviously. I'm from the rival school."

Nagpakilala rin kaming dalawa ni Freya sa kaniya at saktong pagbaba ng kamay nito ay bumukas ang pinto ng principal office at lumabas sina Mike at ang parents niya.

Nakakatakot ang aura ng papa niya, ang dilim at authorative talaga. May intensidad sa bawat hakbang niya ng paa. pati ang mama niya, ang sopistikada.

"That's him," I heard from Wes said to Kenn and Clifford. I think they are pertaining to Mike.

Masama kasi ang titig ni Kenn dito at mukhang manunugod.

"You're really full of trouble, young man. Wait until we get home," rinig kong banta ni Mr. Salazar kay Mike.

Halos manginig ako sa takot dahil ang laki ng boses at ang lalim pa. Feeling ko nagtayuan ang lahat ng buhok sa katawan ko dahil nakaka-intimidate siya. Ramdam ko na tinapunan niya kami ng tingin ngunit hindi na siya nagsalita pa o kung ano.

Mistakes of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon