Chapter 26

30 0 0
                                    

Last day na ng exam, kahapon ay wala ni-isang kumausap sa akin kahit sina Kendall at Penelope. Even some of my classmates, so baka nalaman na nilang nag-back out ako.

Nasa bahay pa ako papasok pa lang nang mag-vibrate at tumunog ang phone ko. Our class group chat.

Sefeira: @everyone Go to our classroom after the exam. I have an announcement. Thank you.

Hetty: Pres, pwede po bang hindi pumunta? Pinapapunta kasi akong hospital after eh.

Sefeira: It'll only take 5 minutes or less, @Hetty

And Hetty just heart react on her message. Kahit na chat lang iyon, ramdam ko ang coldness at kaseryosohan niya. Kaagad akong nakaramdam ng panlalamig at kaba.

"Just calm down, Alaina. Kasalanan mo rin naman," I muttered to myself before sighing and picking up my bag to go to school.

I really want to do the singing competition pero alam kong may masasabi na naman ang mga magulang ko kaya kusa na akong nag-back out. I'm scared, not for my life but for the things that they could do.

Kahit papaano ay kilala pa rin ang De los Reyes sa business world, that's why we pulled a Konstantinos Calelis to partnered up and arrange a marriage, so as Genovese, kaya't may posibilidad na gamitin nila ang connection nila just to force me to study harder than I am currently giving them.

I'm afraid that they have to use their connection to hurt other people. Mas mabuti nang sa akin manggaling dahil sa paraan na iyon, hindi mas masakit.

"Aalis ka na ba? Sabi ng papa mo, umuwi ka raw nang maaga dahil may pupuntahan kayo mamayang gabi," sabi sa akin ni Manang.

"Sinabi po ba kung saan?" I asked. Pero umiling lang siya kaya naman nginitian ko na lang siya at tinanguan.

"Sige po. Alis na po ako," paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ka ha."



Pagdating ko sa examination room ay kita ko na nakaupo si Kendall at nakikipagdaldalan kay Penelope. Si Lux naman ay nagre-review at si Freya ay kausap ang iba naming kaklase. Hindi ko pa nakikita si Sef, baka wala pa or nasa Student Council room.

Once they sensed my presence, tila may dumaang anghel dahil bigla silang natahimik. Pero nabagsak din iyon nang biglang dumating si Dylan, galing kabilang classroom at sumigaw.

"Johnny Bravo! Peram notes!" sigaw nito. Kaagad siyang napatikom nang mapansin kung gaano katahimik ang room at bumaling ang tingin niya sa akin.

Tipid niya akong nginitian at pumasok upang lapitan si Johnny.

Pasimple akong huminga nang malalim bago naglakad papunta sa upuan ko. Ngunit bago pa man din ako makaupo, kita ko kung paano tignan ni Kendall si Penelope, na tila ba may laman ang mga mata nito.

Tumayo siya at pumunta sa sarili niyang upuan. Nilapag ko ang bag ko sa sahig at dumukwang sa desk ko.

Ang bigat-bigat ng loob ko. Ang sakit ng puso ko, tila ba may isang kurot na hindi mo mapangalanan, basta mabigat lang siya. Mas lalo pang bumigat ang paghinga ko kaya naman nag-angat muna ako ng ulo at chineck ang wristwatch ko.

Meron pa namang 10 minutes bago mag-start ang exam kaya naman tumayo ako para mag-CR.

Mabilis ang lakad ko dahil na rin sa kahihiyan na nararamdaman ko at pagka-disappoint sa sarili. I disappointed those people around me, but I am disappointed to myself more than anybody else.

Kaagad akong pumasok sa pinakadulong cubicle at hindi ko pa man din nasasara ang pinto ay kaagad na nagsi-unahan tumulo ang mga luha galing sa aking mata. I covered my mouth with my hands so no sob can come out.

Mistakes of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon