Chapter 31

35 2 0
                                    

A lot of things happened in High School, like literally. Iyong sinasabi nilang best part of your life is in high school, it's true. Although there are some mishaps are friendship faced, but I'm grateful that we saved it. Even though, we were in the breaking point.

"Alaina!" Kons snapped in front of me with his raised eyebrows at me.

"What?" I innocently asked.

"You've been spacing out since earlier. I am asking, what do you think about my offer and deal?"

"Huh? Anong deal?" lutang kong tanong. Napapikit siya nang mariin at tila ba nagpipigil ng galit.

Napalabi ako at nahihiyang ngumiti rito. "Sorry na. May iniisip lang ako," sabi ko sabay peace sign.

"Much important than this?" sabay latag niya ng ilang papel sa kaniyang desk.

Sinilip ko naman iyon at tungkol iyon sa magiging pre-nup namin at agreement bago kami ikasal. I mean, this is just a marriage of convinience.

"May naalala lang akong noong high school," sagot ko rito at kinuha ang papel.

"That is?"

"My crush."

Ahh, so that means we have to live in the same house, fine--WITH ME?! Live in the same house?! With Kons?!

Gulat ko siyang tinignan pero parang namumula ang buong mukha niya at tumikhim pa ito bago luwagan ang neck tie niya.

"May sakit ka ba? Bakit namumula?" nag-aalalang tanong ko rito at walang tanong-tanong ay dumukwang ako upang hawakan ang kaniyang noo.

Hindi naman mainit. Hmm... ba't siya namumula?

"Hindi ka naman mainit... bakit--" Doon ko lang napansin kung gaano ako kalapit sa kaniya at siya nakatitig nang diretso sa akin.

Binawi ko ang kamay ko't bumalik sa kinauupuan ko. Awkward akong tumawa at kunwaring binasa ang papel na hawak ko pero ipinantapal ko lang iyon sa mukha ko.

Ang clumsy mo talaga, Alaina!

Tumikhim siya bago magsalita. "As I was saying. This is my offer and our agreement while we are still married. The inheritance that I will get from my grandparents will only takes place when I'm married for 7 years, but that's only half. When we produce a child, 25% of the inheritance will be given to me and the other remaining will automatically be given to our child."

"Sandali, bakit parang dehado ako rito," sabi ko sa kaniya. "Anong makukuha ko rito? Saka hindi mo sinabing kailangan kong magbuntis. Tinanong mo na ba kung gusto ko magka-anak?"

"You don't want to?"

"Gusto!"

"Then what's the problem?"

"Syempre gusto ko sa taong mahal ko! Kung for seven years lang, kaya kong i-sacrifice ang 7 years ng buhay ko para lang masalba ang kumpanya na itinayo nila Lolo. At saka, malaki na rin naman ang 50% ah!"

Tinignan ko siya at mariin lamang siya nakatingin sa akin.

"Ang sa akin lang, magiging kawawa ang bata dahil maghihiwalay rin naman tayo after--"

"Sino naman nagsabi sa'yo na maghihiwalay tayo?" matigas niyang tanong. He crossed his arms over his chest and leaned back.

"Huh? Hindi ba ganoon ang napag-usapan natin?"

"Marriage in our family is sacred, Alaina. We don't do divorce, annulment, or any separation."

"Sa akin din naman! But I can't spend the rest of my life..." in a relationship, more a marriage, loveless marriage, one-sided.

Mistakes of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon