Chapter 51 Maloue

68 1 0
                                    




<Third Person>

Hinila ako ni Kier sa kabila at hindi pinansin si mommy. Tahimik lang din na nakaupo si Quintos.

"Mukhang ang sarap ng mga luto mo tita, amoy pa lang masarap na." Pambobola ni Quintos.

"Masarap talaga ako magluto."

Pinag serve ako ni Ken at nakatingin lang si Lu Han sa kanya. Ano ba ang gusto ng babaeng ito?

"Anak, lagyan mo naman ang plato ni Lu Han. Ipatikim mo sa kanya ang paborito mong bicol express."

Inilapit lang ni Kier ang plato sa kanila at hindi na nagsalita.

"What do you want? Water or juice?" Marahan at mahinang tanong sa akin ni Kier.

Napatingin ako kay Quintos na nakatingin din sa aming dalawa. Ang weird ng dalawang magkapatid na ito.

"Kier, balita ko nag-aral ng business itong si Lu Han sa ibang bansa and madami siyang awards na natanggap at scholar na nakuha noong nag-aaral siya. Baka may available position sa kumpanya mo at i-hire mo siya." Panimula ni mommy.

I started to eat.

"May I know who is this man? And what he is doing here and who is she?" Rude na tanong ni Kier.

"Hay!" Hinampas ni mommy sa balikat si Kier, "huwag ka ngang rude, anak. Nakakahiya naman sa mga bisita namin. Anak sila ni kumareng Jin Han, remember 'yung kaibigan na sinasabi ko sa'yo? sakto na napadaan sila kanina dito at inaya ko na mag dinner."

Nakikinig lang ako sa kanila.

"Where's Jin Han?" Napatingin ako kay Kier, hindi ako na-informed na wala din pala siyang modo minsan. Grabe naman siya makabanggit ng pangalan.

"Your name is Quintos right? And what's your surname? Han?" Ibinaling naman ni Kier ang atensyon sa lalaki. "Quintos Han?" He murmured.

"If I'm not mistaken your surname is not Han." Prangkang sabi ni Kier.

"Kier, ano ba ang pinaglalaban mo, ah?" Tanong ni mommy habang nilalagyan ng ulam ang plato ni Lu Han.

Ngumiti lang si Quintos at confident na sumagot, "Han is not my surname and Lu Han is my half sister."

"Ang seryoso niyo naman mag-usap. Ganyan ba talaga mag-usap ang mga nasa business industry?" Awkward na tumawa si mommy.

"By the way anak, umuwi na ang mommy nila dahil may gagawin pa daw siya at itong si Quintos naman ay sinusundo ang kapatid niya."

Hindi na siya pinansin ni Kier at inasikaso ako at nahuhuli ko si Lu Han na nakatingin sa amin.

"Hmm, Kier try this juice, ako ang nag timpla sa juice na iyan kanina." Binigyan siya ni Lu Han ng isang basong juice.

"Ay oo, iyan lang ang itinulong ni Lu Han sa akin, tikman mo anak at ang sarap ng pagkaka timpla." Pagmamalaki ni mommy.

Dapat si Lu Han na lang ang naging anak niya.

"Try this shrimp." Nabigla ako nang biglang bigyan ako sa plato ni Quintos at tumingin si Kier doon ng kakaiba.

Ang sama ng tingin sa akin ni Lu Han habang nakayukom ng mahigpit ang kamao.

"Hey, don't kill me with your stare. I just give your wife a shrimp." Natatawang sabi ni Quintos.

"Bakit mo ba kasi binbigyan, kuya? Duh, may kamay naman siya." Pagpapamaldita ni Lu Han. Masyado naman siyang epal. Bakit ba sabat siya ng sabat? Masyadong nakikisawsaw.

"Yeah, my wife have a hands and she's not disabled," sabi ni Kier kay Lu Han at ang binalingan naman nito ay ang kapatid na lalaki, "so, fuck off and I will be the one to serve my wife!" Madiin na sabi ni Kier habang direktang nakatingin kay Quintos.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon