Chapter 4

42 1 0
                                    

Iris Kate Solas

"Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa riyan?" Tanong ni Gayle pagkapasok ko pa lang sa room nila. Nakahiga ito sa kama habang nag ce-cellphone. Ka-chat nanaman siguro iyong mga bebe boys niya.

Napa-buntong hininga ako at tumabi na sakaniya. May dalawang bed dito sa room nina Mama Tes. Tig-isa sila ni Gayle.

Spacious naman ang mga bed dito, kasya dalawang tao.

"May nakita kasi akong evil spirit sa labas." Mapait na sambit ko nang maalala ko nanaman ang sinabi ng babaeng iyon.

Sayang, hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Hindi ko siya mapapa-barang.

"Hala?!" Maeskandalosang sabi niya. Napa-balikwas pa ito sa kama. Binatukan ko nga.

"Shh! Ano ka ba! baka magising si Mama Tes." Suway ko dito. Napatingin naman ako sa side ni Mama Tes, naka-talikod ito saamin.

"Ay te, sa lakas ng hilik niya malabong marinig pa tayo niyan." Napatawa kami ng mahina dahil sa sinabi niya.

"So, ano nga? Anong evil spirit? jino-joke time mo lang ata ako eh." Pang-chichismis pa nito.

Napa-buntong hininga ako at kinuwento sakaniya lahat ng nangyari simula sa dinner party kanina.

Pagkatapos kong magkwento ay nagpa-balik balik ang tingin niya sa damit at buhok ko.

"Bakit kasi ganyan suot mo?" Nagtatakang tanong niya. Napakunot noo naman ako.

"Anong masama sa suot ko?"

"Seryoso Iris Kate? Ganyan na ganyan iyong costume sa mga horror movies e. Idagdag mo pa yang nakalugay na buhok mo! Talikod ka nga te, dali!"

Sinamaan ko ito ng tingin at tumalikod na rin sakaniya kahit labag sa loob ko.

"Ay te, nakakatakot nga!" Impit na sigaw niya. Sa sobrang inis ko ay inabot ko iyong unan at hinampas sa pag-mumukha niya.

"Bwesit ka talaga Gayle!" Maluha-luha pa ang mga mata nito katatawa. Inuuto lang pala ako ng gaga.

"Isang tawa pa Gayle. Isusumbong ko talaga lahat ng kagagahan mo kay Mama Tes." Pagbabanta ko dito, bigla naman itong namutla at nag-peace sign.

"Ito naman parang di mabiro. Sige na, matulog na tayo may pasok ka pa bukas. Sleep well sis." Nanlalambing na sabi niya, humalik pa ito sa pisngi ko bago humiga at pumikit na.

Napairap ako dito.

Pag binablackmail lang talaga ito mabilis kausap.

----

"YAYA!!!!" Napa-upo ako sa pagkakahiga nang marinig ang matinis na boses na iyon.

huh?

Automatikong napalingon ako sa katabi ko at sa kabilang gilid ng kama. Wala na roon si Mama Tes. Si Gayle naman ay gaya ko rin na kagigising lang, mukhang nagising din siya dahil sa sigaw na na di ko malaman kung saan nanggaling.

"What was that?" Takang tanong ko habang kinusot kusot ang mata. Gayle was about to speak when a voice from the intercom envelopes the whole room.

"YAYA!!"

"All of you, come to the living right now! Or else I'll tell Jacob to fire you all!"

Ewan ko kung ano ang sumapi saamin ni Gayle at parang daig pa namin si flash kung gumalaw para lang mabilis na makapunta sa living room.

Pagkarating namin doon ay naka linya na ang mga kasambahay kaya naki-linya na rin kami ni Gayle roon.

Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga kasambahay sa pwesto ko.

My Step-brother's Fiancé (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon