"Omg, ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito" selene lean on her chair and rise her arms. Nag iinat.We just finished eating and up until now i can't forget ariel. Sya ba iyong kasama ng lintik na ashford noon?
Mag ano ba sila?? Mag jowa?
Napa ungos ako habang umiinom ng tubig dahil sa naisip. Bagay sila. Sa utak ko ay may munting boses na sumingit. Tama, bagay nga sila dahil parehas na parang anghel ang mukha, si ariel ay hindi ko sigurado kung maganda ang ugali pero ang lintik na lalaking yon ay hindi nababagay tawaging anghel.
Pero bagay nga sila.
Muntik ko pa masapak ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ko ba kailangan isipin yon, ano naman kung mag kasintahan sila? Malas nalang ni ariel dahil ugaling demonyo pa naging boyfriend nya.
Pero ano tong nararamdaman ko? Parang disappointed ako masyado sa naisip kong yon? Siguro disappointed ako dahil yon pa ang shota ng magandang ariel na yon?? Siguro yun nga lang yon. Nothing more, nothing less.
"Tara na, lumalalim na ang gabi" pag aaya ni west. Napa tingin ako sakanya dahil himala atang hindi kumalat ang nangyari sakin kagabi, dahil mukhang di alam nina selene na pinalayas ako. Nag iwas ako ng tingin nang ngumiti sya ng mahinhin. Parang pinapahayag na magiging ok ang lahat.
Napanguso nalang ako at sumunod sakanila palabas, habang nag uusap usap sila ay nasa hulihan ako. As usual, ang iingay nila. Si Elara lang ang tahimik at nakikitawa. Ako ang nasa huli at may munting ngiti sa labi habang pinag mamasdan sila.
"Broken ka kase kaya wag mo'ko idamay" kantyaw ni selene kay west. "Deserve mo yan, panget ka kase"
"Kesa naman sayo, tigang WHAHAHAHAH."
"Hoy bastos! Wala lang kase akong time!" Depensa ni selene.
"Sus, wala lang napatol sayo eh. Pa rich tita rich tita ka pa dyan, Wala lang kaseng nag kakagusto sayo! WHAGAHAH" mas marahas na ganti ni West. At ayun na nga, hindi na sila natapos hanggang maka rating kami sa terminal ng FX.
"Ano phoebe?? Sa bahay ka nalang kaya mag sleep? Gabi na din oh" wika ni selene na himihikab na. Andito sila para ihatid ako, alam ko namang may sasakyang dala si selene at nasa hospital yon, at si Elara ay susunduin ng driver nila habang itong si west, ewan ko dito, mag lakad na sya pauwi.
"Hindi na, ok nako dito. Uuwi na din ako. Mag babasa pako ng mga lessons sa monday, mag hapon akong mag aaral bukas" palusot ko kahit na di ko alam kung makaka pasok nga ba ako sa bahay. O baka pag balik ko don ay nasa labas na mga gamit ko.
Si west ay hindi kumbinsado sa sinabi ko pero wala syang nagawa ng tapikin ko ang balikat nya at bumulong "hayaan mo nako west. Problema ko to." Tumango nalang sya at malungkot ang mata habang naka nguso na umalis kasama si selene at elara. Sa hospital na daw sila didiretsyo, doon na daw susunduin si Elara at ihahatid nalang ni Selene si West. Ayaw kong mag pa Hatid nung inalok nila ako kanina bago umalis ng resto. Ayaw kong malaman nila, pag aalalahanin ko pa si selene, alam kong hirap na hirap nadin sila dahil sa acads.
Sumakay ako sa FX at nag isip ng sasabihin ko pag naka dating nako sa bahay. Mapapa layas kaya ako??
Habang nag hihintay ng pasahero ay naka tulog ako, nagising na lamang nung umaandar na ang fx, salamat nalang at di pako lampas.
Pumara ako at nag lakad na papunta sa bahay. 10 pm na at may trabaho pa nga pala ako ng 6-6 bukas. Buti nalang di alam nina selene ang schedule ng trabaho ko, kundi, di ako lusot kanina. 50 pesos lang ang oras ko dito, sa linggo lang ako may kitang malaki laki dahil sabado ay pahinga ko, doon ko binubuhos minsan lahat ng tulog ko. Buong sabado akong natutulog.