Hinanap ko yung sinasabi nyang sakayan ng tricycle dito.
Medyo naligaw pako kase di ko alam kung saan liliko pero kamalas malasan bumuhos yung biglaang ulan!!
Malas!!
Sinusumpa kita khaiver!! Akala ko normal ka na!!! Sugo ka talaga ng demonyo!
Dali dali akong tumakbo dahil wala naman akong sisilungan. Saka wala nakong time sumilong, kailangan ko ng makauwi.
Basa na din naman ako kaya hinayaan ko na, binilisan ko nalang mag hanap at nang maka dating ako sa sinasabi nyang sakayan ay basang basa nako. Kailangan pa namin mag hintay ng ibang pasahero kase kung ako lang ay lintek singkwenta pamasahe, arkilado kase pag ganon.
Pag may kasabay sampu lang.
Kaya no choice ako.
"Kuya bayad po" saad ko at inabot yung bayad ko bago ako bumaba.
Hays.
Namewang ako at tiningnan ang malaking gate sa harap ko. Sa wakas, I'm here!
Ang hassle!
Umaambon ambon nalang at bwist na bwisit ako kay khaiver.
Pumasok nako sa loob at nilakad ang papunta sa pinto ng mansyon.
Pagod na pagod ako at ginaw na ginaw na.
Para akong basang sisiw.
Di ko maiwasang maawa sa sarili ko, bat ba kailangang ganto maging sitwasyon ko?
Pag dating ko sa pinto naandon si khaiver. Naka sandal sya sa gilid ng pinto at parang may hinihintay.
Nang makita nya'ko ay may gulat sa ekspresyon nya.
Tiningnan nya'ko mula ulo hanggang paa
Oo khaiver, ganyan hitsura ko kase pinabayaan moko don imbis na isama nalang!
"Bat ngayon ka lang--"
"Pagod ako. Wag ka na munang mang bwsit ngayon" walang gana kong sabi
Pakiramdam ko ay may tampo ako sakanya kahit dapat ay di ko naman nararamdaman yon, dapat nga ay mag pasalamat pako sakanya dahil hinahayaan nya'kong tumira dito.
Pero di ko maiwasan, andon din naman sya. Bat di nya pako sinama? Nang aasar lang ba sya? Sinasadya nya yon eh.
"Anong oras na, where did you go? Bat ngayon ka---"
"Kase iniwan moko don!" Inis na bulyaw ko na para bang may karapatan akong magalit. Kumunot ang noo nya, sa unang pag kakataon ay may nakita akong guilt sa mata nya. Napa iwas ako ng tingin. "Mag papahinga nako."
Di ko namalayan pero may papatulo ng luha sa mata ko, ano ba to? Haha, hindi luha to, ulan lang to. Bat naman ako iiyak. Dapat nga ay mag pasalamat pako diba??
"Look phoebe i have something to--"
Sa pangatlong pag kakataon ay pinutol ko ang sasabihin nya "ok lang, dapat nga ay mag pasalamat pako sayo. Pinatitira moko dito." Tiningnan ko sya sa mata at ngumiti ng malungkot "salamat. Mag papahinga nako." Saad ko at umalis na.
Hindi ko sya nilingon at dumeretsyo na sa kwartong binigay nya sakin.
Naligo ako at nag bihis, habang naka higa ay nag babasa ako ng mga pwedeng ipa recite bukas.
Nang maka ramdam ako ng gutom ay doon ko lang naalala na kailangan ko nga palang bumaba.
Nag aalangan pako pero wala akong magagawa.
"Shh phoebe don't panic. Bababa ka lang naman, malay mo tulog na" pag kausap ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Madilim na ang hallway pero may naaaninag pakong ilaw sa may hagdan.