2: The Villainess

84 7 0
                                    

Nakaawang ang bibig ni Sufiah habang nakatingala sa langit. Nakikita niya ang mga supernatural beings na sa pelikula lang niya napapanood.

Nagbubuga ang mga nilalang na ito ng mga liwanag, na ikinasabog ng bawat matatamaan. Ang mga liwanag na ito ay ang tinatawag na mahika sa lugar na ito.

"Nasaan ba ako? Anong lugar ito?" Napasinghap siya makita ang ibabang bahagi ng kinaroroonan. Napagtanto niyang nasa tuktok siya ng papabagsak na gusali.

Nanghina ang kanyang tuhod at napaupo sa sobrang gulat.

"I'm just dreaming right?"

This scene in front of her, ay ang eksena sa dramang pinanood niya. Nilait pa niya ang direktor dahil sa ang mga ahas sa nasabing drama ay nakakalipad. Tapos may heroine na siyang pinakamakapangyarihan ngunit pabigat lang naman. Wala namang naitutulong ang malakas nitong kapangyarihan.

"Ito ba iyong the last princess na pinanood ko? Kapareho ng set up e. O ba kaya nasa virtual game ako?" Napatingin siya sa mga kamay.

Pansin niyang lumiit ito kumpara dati ngunit mas makinis ang kanyang kutis ngayon at mukhang lumiwanag ang kanyang balat.

Wssst.

Wsst.

"Sino bang sitsit ng sitsit na yan?" Lumingon-lingon siya at hinanap ang pinagmula ng ingay.

Napansin niyang may lumilim sa kanya.

"Sssh!"

"Ano yon?" She thought. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo sa gawi ng tunog. Nabato siya sa kinatatayuan at tumigil bigla ang kanyang paghinga makita ang higanteng ahas na nakalutang sa hangin at nakadungaw sa kanya.

Hindi na niya alam kung gaano kahaba ang katawan nito ngunit magkakasya ang sampung katao sa bibig nito.

"Ang ahas na ito, kapareho sa ahas na napanood ko. Ito yung ahas na pinuna ko a."

Makintab at singtigas ng bakal ang kaliskis ng ahas. Kulay pula ang malalaki nitong mga mata na nakatingin ngayon kay Sufiah.

Ibinuka ng higanteng ahas ang bibig at akmang tuklawin si Sufiah.

"Mama!" Sigaw ng dalaga, sabay karipas ng takbo. Kaya lang muling umalog ang gusali na ikinadulas niya at ikinadausdos pababa.

Agad siyang naghanap ng makakapitan hanggang sa mapahawak siya sa nakausling bitak na pader.

Mula sa kanyang kinaroroonan, nakikita niya sa ibaba ang buong paligid. Nasa tuktok siya ng isang patumbang gusali. Sa ibaba ay ang mga sira ng mga kabahayan at mga taong nakahandusay na hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga ito o patay na.

Wala siyang nakikitang mga kotse o mga sasakyang katulad sa mundong kanyang pinanggalingan ngunit sigurado siyang nasa syudad siya.

Muling tumabingi ang gusali at nakabitin na siya ngayon sa ere habang nakahawak sa nakausling bitak ng pader.

"Tulong!" Napalingon siya sa sumigaw. At natanaw niya ang napakagandang dalaga na nasa kuko ng isang blue scaled dragon.

Biglang may naalala si Sufiah.

"Ito yung ililigtas si Faira ng hero at ma-love at first sight ang dalawa sa isa't-isa."

Sa fanfic isinulat ni Casmin, tatangayin ng blue dragon ang heroine, ngunit aatakehin nina Vills at Skywill ang dragon kaya mabibitawan ng dragon ang bidang babae at sasaluin naman ng dragon. Habang magkayakap ang dalawang protagonists, magkatitigan sila at mahuhulog sa isa't-isa.

Napailing si Sufiah maisip ang isinulat ng kapatid niya. Sa original version ng drama, hindi tinangay ng dragon ang heroine na si Faira, malaglag ito sa gumuguhong gusali at magsisigaw, saka sasaluin ng real hero na si Nievill. Ang fanfic ay hango mula sa dalawang nobela ni Seior na "the last protector", at "you're my miracle" at sa isang dramang pinanood nila na "the last princess."

Hero, Please Go AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon