6: System

51 9 0
                                    

"Kasamahan ka nila hindi ba? Hindi ka man lang ba nag-alala sa mga buhay nila?" Tanong ni Akillian kay Sufiah.

Tila natauhan namang bigla si Sufiah. Iniisip niyang mga character lamang sa isang nobela ang mga nakikita niyang naglalaban, ngunit naalala niyang totoong nasasaktan sila, may damdamin at mga tunay na tao silang may mga buhay din.

Napawi ang ngiti sa mga labi ni Sufiah at napalitan ng pagkabahala ang mga mata. Hanggang sa makaamoy siya ng dugo at nakita ang kamay na hiwalay na sa katawan.

Ito ang unang pagkakataong nakakita siya ng ganitong eksena. Mga assassin man sila, may mga buhay rin at nasasaktan. Kung may gusto man siyang sisihin kung bakit sila nagiging ganito, mas sinisisi niya ang mga writer na gumawa sa mga karakter na ito bilang assassin na isa sa mga mamamatay sa kwento.

Sa kwento na sinulat ni Casmin, wala itong pinapatay. Ang mga assassin kahit ang mga extra karakter ay nagbabagong buhay sa huli dahil hindi gusto ni Casmin na may mga tauhan sa kwentong isinulat niya ang mamamatay.

"Walang mamamatay pero paano kung hindi ito the last saintess? Paano kung marami ang mamamatay sa lugar na ito?"

Naalala niyang maraming twist sa kwento ng kapatid. May pagkakataon na inaakala ni Sufiah na namatay ang bida or ang kaibigan ba ng bida pero may plot twist pala.

Biglang napatayo si Sufiah at napapikit na lamang makitang natamaan ng palaso si Queency.

"Binibini!" Tawag ni Raiden at sinalo ang dalaga.

"Bakit mo ako iniligtas?" Tanong pa nito.

"Anong iniligtas? Nadulas ako. Bakit naman ako magpapakamatay para sa ibang tao? Ang sakit sakit kaya ng likod ko." Ito ang nasa isip ni Queency ngunit wala na siyang lakas para magsalita. Dumilim na ang kanyang paningin at nawalan ng malay.

Alam ni Sufiah na ito ang nasa isip ni Queency dahil nabasa na niya ito sa nobela.

May bahagi ng kwento na matatamaan na sana si Raiden ng palaso ngunit nadulas si Queency at siyang natamaan. Inaakala nina Raiden iniharang ni Queency ang katawan para iligtas si Raiden ngunit ang totoo, nadulas lang talaga ang dalaga. Dahil sa pagsalo ni Queency sa palaso, gagawin ni Raiden ang lahat para maprotektahan ang dalaga.

Kung si Queency handang ialay ang buhay para sa kanya ang isang babaeng kasama naman nila nanonood lamang sa kanila. May katabi pang assassin.

Lalo tuloy hindi nagustuhan ni Meadows si Sufiah lalo na nang makitang hindi man lang ito nag-alala para sa kanila.

"Mamili kayo. Buhay ng babaeng iyan o buhay ng babaeng ito?" Tanong ni Akillian habang nakatutok ang espada sa leeg ni Sufiah.

Sa pagkakataong ito, nakatakip na si Sufiah sa kanyang mga mata. Pilit na inaalis sa isip ang mga nakitang hindi kanais-nais.

"1+1 is equals 2. 2+2 equals 4. 4+4 equals..." Sambit ni Sufiah sa nanginginig na boses. Nagpa-plus siya para maibaling ang atensyon. Ngunit naalala pa rin niya ang anumang nakitang hindi kaaya-aya lalo na ang dugong tumilamsik sa lupa at bumalot sa espadang hawak ng mga protektor.

Pinilit niyang pakalmahin ang kumakabog na puso na halos kumawala na sa kanyang dibdib. Halos bumigay na rin ang kanina pa palang nanginginig na mga tuhod.

Ngunit nang marinig ang sinabi ni Akillian, inalis niya ang mga palad na nakatakip sa kanyang mga mata at tiningnan si Akillian.

"Pinapapili mo sila? Halata namang hindi nila ako gusto, gagawin mo pa akong collateral? Mali ka ng naisip na paraan. Hindi naman ako mahalaga sa kanila e. Kahit pa siguro patayin mo ako sa harapan nila. Baka papalakpak pa sila."

Hero, Please Go AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon