3: The Protectors

79 8 0
                                        

Matapos talunin ang higanteng ahas, hinanap muli ng paningin ni Skywill ang wirdong babae kanina. Natanaw niyang nakayakap ito sa sarili habang nanginginig ang buong katawan.

Skywill, 17 years old, ang pinakatahimik at pinakabata sa pitong protectors. Ito rin ang unang misyon niya magmula noong hirangin siyang protector ng Sumeria.

"Sky, naligtas na namin ang saintess candidate. Maaari na tayong umalis." Sabi ni Vills.

Vills, 19 years old. Isa sa pitong kilalang Mysterious Empires swords or Saintess protectors. Mga kawal sila na ang pinakamisyon ay ang protektahan at iligtas ang mga saint at saintess ng Sumeria.

Hawak na ngayon ni Raiden ang walang malay na dalaga.

Raiden, 23 years old, ang pinakamalakas sa kanilang pito, at pinakakilala sa Sumeria.

"Ano ang gagawin natin sa mga nakaligtas?" Tanong ni Nievill, 21 years old, kilalang pinakamatalino sa kanilang pito. At ang siyang hero sa the last princess fantasy drama.

Napatingin muli si Skywill kay Sufiah bago lumipad palapit sa kinaroroonan ng dalaga.

Napakagat labi naman si Sufiah. Nanginginig kasi ang katawan niya kahit di naman talaga sana siya natatakot. Bagkus ay nag-aalala siya sa ama ngunit ang puso ng katawang meron siya ngayon kanina pa hindi kumakalma sa takot. Ni hindi rin kaya ng mga tuhod niyang tumayo pa.

"Sky daw. Sky ang tawag nila sa nagligtas sa akin. Kung ganoon nasa you're my miracle ba ako o nasa the last protector?" Sambit niya sa isip habang kinakagat ang ibabang labi.

Inilahad ni Skywill ang isang palad sa nakayukong dalaga. Inangat naman ni Sufiah ang ulo mapansing may aninong lumilim sa kanya. Kusang napaatras ang kanyang katawan sa takot kahit sinasabi ng isip niyang ang gwapo ng tagapagligtas niya.

"Kalma lang body, wag kang matakot. Tumingin ka nalang sa gwapo niyang mukha para mawala ang takot mo okay?" Sambit ni Sufiah sa kanyang isip.

Nauunawaan ni Skywill ang takot ng dalaga nang lapitan niya ito, ngunit nang makitang muli ang mga mata ni Sufiah, hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman. Walang takot sa mga mata ng dalaga. Kalmado lang itong nakatingin sa kanya ngunit ang katawan, halatang hindi sanay sa mga estranghero o ba kaya sadyang takot lang sa kanya.

Napatingin si Sufiah sa nakalahad na kamay ni Skywill.

"Tutulungan ba niya ako o nanghihingi siya ng kung ano?" Tanong niya sa isip habang nakakunot ang noo maaalala kung paano pinagtitripan ni Casmin si Queenie sa the last saintess.

Inilahad noon ni Raiden ang kamay kay Queenie, kaya inaakala ni Queenie na tutulungan siya nitong makatayo, hiningi lang pala ang magic stone na hawak niya. Ang magic stone ay nakuha noon ni Queency ngunit inagaw ni Queenie kaya nagtulakan ang dalawa at sabay na napaupo. Si Queenie ang unang nilapitan ni Raiden na ikinasama ng loob ni Queency at ikinatuwa naman ni Queenie iyon pala kukunin lang ang magic stone na hawak niya.

"Ayaw kong matulad kay Queenie no." Sambit ni Sufiah sa isip. Inilibot ang paningin hanggang makakita ng bato. Nagliwanag agad ang kanyang mga mata. Dinampot ang maliit na bato sabay lagay sa nakalahad na palad ni Skywill.

Skywill: ???

"Pfft!" Napatakip naman si Nievill ng bibig para pigilan ang kanyang tawa makita ang reaksyon ng cold na kaibigan at ang inosenteng tingin ng babaeng kaharap.

Kahit si Raiden na madalang tumawa, bahagyang lumawak ang isang dulo ng labi. Hindi inaasahan na bibigyan ng bato ng babaeng ito ang kanilang bunsong kaibigan.

Nagtataka namang napatingin si Skywill sa batong nasa palad niya. Nang tingnan muli si Sufiah, nagkibit balikat ang dalaga telling him na wala na siyang maibigay pang iba. Napapisil na lamang ng noo si Skywill. Tinapon ang bato sa likurang bahagi nang makarinig sila ng ungol.

Hero, Please Go AwayMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon