Spoken Poetry (2)

15 0 0
                                    

Magka-ibigan

Anim na buwan, dalawang linggo, apat na araw, at walong oras simula nung nawala ka.
Akala mo ba nakalimutan na kita dahil hindi na kita kinamusta? Pero ang katotohanan pala ay miss na kita.
Na miss ko ang mga araw na tayo ay magkasama.
Yung mga first time na sayo ko lang nagawa at yung unang halik na pinagsaluhan nating dalawa.
Hindi lang yan yung ala-ala na aking natatandaan dahil nung nawala ka, akala ko ikaw ang may sala. Ako pala ang dahilan kung bakit tayo nasira at tinalikuran ang isa't-isa.
Akala ko ay naiintindihan na kita pero hindi pala. Ako ang dahilan kung bakit ka nawala.
Ngayon ako ay mag-isa at pilit na kinakalimutan ka pero ang hirap pala.
Natatakot kong sabihin sayo ulit na mahal parin kita pero nakalimutan kong may dahilan ako para iwanan ka.
Nakalimutan kong ako ang unang bumitaw sa ating dalawa dahil hindi ko na kaya.
Alam ko na ang dahilan kung bakit.
Alam kong maliit yung utak ko pero hindi ako tanga dahil alam kong may mahal ka ng iba.
Ang tanga ko, nagka-ibigan pala tayo sa panahong ikaw ay nasasaktan kaya inaliw kita at nahulog ka sakin pero hindi pala pang matagalan dahil unti-unting nagunaw at nawala yung akala mong pagmamahalan na nauwi sa pagkalabuan kaya ako ang nag desisyon na ika'y iwan kahit akoy nasasaktan.
Masakit, pero humugot ako ng lakas ng loob na sabihin sayo na bibitawan na kita.
Maraming rason pero hindi ko maisalita dahil sarado ang aking utak sa mga pangyayaring pinagsisihan kong ikaw ay pumayag at sinabi mong hindi mo talaga ako totoong mahal.
Mabuti nalang siguro yon dahil mas lalala pa ang sitwasyon kaya ako'y sumang-ayon kahit labag sa akin ang iyong desisyon.
Hindi ko malilimutan yong araw na sinabi mo sa'kin na kaya mong magpakamatay para sa taong mahal mo.
Para sa "taong" mahal mo. Ayaw kong umasa dahil alam kong hindi ako yung nauna. Pangalawa lang ako at taong ginawa para maging mapabuti kang balikan ulit siya.

Bat ba ang hirap kong makalimot?
Sana mauntog yung ulo ko at magkaroon ng selective amnesia at kung makakapili man ako kung ano ang aking ibubura, syempre, ayaw ko ng mag alinlangan pang burahin lahat yung mga ala alang kasama ka. Pero wala na akong hinahawakang sama ng loob dahil sabi nga nila, time heals all wounds.
Pero sana masaya ka dahil ako, kaya ko na maging masaya kahit wala ka na.

Masaya pala ako sa kung ano nakuha mo ngayon, akala ko nga kayo na nung unang minahal mo pero thank God hindi nangyari iyon. Sinabihan mo pa akong ipagdasal ko siya. Ginawa ko yun at sorry kasi hindi ka talaga niya mahal, ikaw lang yung umasa. Pareho tayong umasa at pareho tayong umaasa. Umasa ka na mamahalin ka niya at umasa akong mamahalin mo ako. Pero sa nakaraan nalang kita maigunita dahil masaya na akong hindi na kita naiisip pa.

Pero sa totoo, proud ako sa mga narating mo sa buhay. Nasa malayo akong sinusuportahan at tinatanaw ka.
Hindi man naging tayo hanggang sa huli pero alam kong alam mo na minahal kita. Hindi bilang isang magka-ibigan kundi isang magkaibigang lubos na ating iniingatan at inaalagaan.

BENPIRESSS

Poems and RandomsWhere stories live. Discover now