"When was the last time you have thought of that person?"Saglit na kumukurap ang mga mata niyang nagtutubig. Bukas sara ang kanyang labi, animo'y hindi alam kung magsasabi ba siya o hindi.
"Miss Velasquez?" Tawag ko sa kanya. Hindi mapakali ang mga kamay nitong naglilikot sa ibabaw ng kanyang kandungan.
"Miss Velasquez?" Ulit ko.
Parang may pumitik sa kanya at medyo nanlalaki ang matang napatingin siya sa akin. Nakita ko ang pag-aalalang namuo sa kanyang mga mata.
I softly smiled, signalling her it's fine. "You can take your time. Just remember that you are safe here."
"S-sorry... I zoned out." Huminga siya ng malalim, kinakabahan
I nodded. "It's fine, calm yourself first. Take a long deep breath-"
Her lips pouted.
She's distracted and her patience seems to be running out.
"May oras pa po ba ako?"
Napatingin naman ako sa aking orasan sa gilid ng office table ko. "We still have remaining 10 minutes of our session. Don't think about the ti-"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi. "What?! Bat ang tagal ng oras?! Di pa ba tapos—"
"Cut!"
Napakamot ako sa aking kilay nang marinig ko sa buong silid ang sigaw ng direktor sa pang-walong beses na.
"Anong cut?! Direk! I still have a TV show to attend after this!" Naiiratang reklamo niya. Umiikot pa ang mga mata nito at kitang-kita ko ang haba ng false eyelashes na nakadikit sa mata niya.
"Uulitin ko, Julia. Kung gusto mong matapos ito agad, habaan mo ang pasensya mo." Diin sa boses na sabi ng Direktor.
Pinatunog niya ang kanyang dila sa inis. "I told you these type of commecials is not my thing! And what? Are you serious? Ina-advertise niyo lang naman dito 'yong mga furnitures, tapos bakit ba may pa-therapy sessions sa script? Ano namang connect no'n? Kaya ba nito dalhin mga sama ng loob ko? My God!"
Itinagilid ko ang aking ulo para 'di ipahalatang natatawa ako.
Hindi pinansin ng direktor ang sinabi niya na halatang sanay na sa ugali nito at lumapit siya sa monitor para panoorin ang mga recorded tapes. Nagsipuntahan naman ang ibang staffs at nag-uusap.
Habang si Julia naman sa aking harapan ay inaalog-alog ang inuupuan dahil sa lambot no'n. Inirapan niya ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko 'yon pinansin at tinitigan lang siya.
Tumigil siya at sinamaan ako ng tingin. "Stop staring, will you?"
I shrugged my shoulders at her.
Nang tumigil na siya ay tinawag nito ang manager niya para ipaabot ang phone sa kanya. Nagswi-swipe pataas ang kanyang daliri sa screen no'n at maya-maya'y nakangisi na ang kurba sa kanyang labi.
Napagdesisyunan ko ng tumayo nang tawagin niya ang pangalan ko. May halong nakakaloko sa mukha nito.
Kinunotan ko siya ng noo. "What?"
"Uuwi ka na?"
Hindi ko siya sinagot at hinubad ang puting roba ko.
Umakto siyang nag-iisip naman. "Oh, I see," aniya na parang nabasa na niya ang sagot sa itsura ko. "Anyways, I'm sorry about what I've acted earlier shooting."
BINABASA MO ANG
Mending Her Broken Wings (Arcelia Series #1)
Romance[ARCELIA SERIES 1] *warning slow update ! Cleo Lifvana Alvarez is a sunshine who dearly loves her mother and is willing to defend anybody who dares to disrespect her. Despite the cruel treatment she received from her mother. Nasa hiling na niyang ma...