"Cleo."
Hindi ko nilingon ang nagtawag sa likuran ko.
"Hoy!" Tawag ulit niya.
Kumunot ang noo ko bilang inis.
Sinipa nito ang likod ng upuan ko para kunin ang aking atensyon.
"Hoy, pahiram ng lapis!" Sumipa ulit siya ng isang beses.
Nilingon ko ang teacher na nagchecheck sa kanyang table ng mga papel. Hindi niya kami napapansin at naririnig dahil maingay ang mga kaklase ko. Tapos na kasi 'yong iba sa pinapasagutan ni ma'am.
Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang may bumulong sa tainga ko.
"Pahiram ng lapis."
Pigil ang inis kong iniusog palayo ang upuan ko at nilingon siya. "Wala."
"Ano ba 'yan!" Napahampas siya sa aking upuan sa irita, dahilang nahulog ang panulat kong lapis sa sahig.
Pinulot ko 'yon at nagpatuloy ako sa pagsagot. Hanggang sa matapos ako at pumuntang harap para ipasa ang aking papel.
Nang makabalik ako sa aking upuan ay napatingin ako sa kaklase kong babaeng maputi. Kinakagat-kagat ang ballpen habang nakadekwatro ang isang paa.
Ano bang lasa niyan at ang hilig niyang kagatin 'yang ballpen niya?
Pati ako napatingin sa ballpen ko at nacucurious ding gawin.
Natigil ako nang naagaw ng aking atensyon ang mga kaklase kong mga babaeng grupo-grupo na nagtatawanan. May iba sa kanila brina-braid nila ang buhok ng isa, 'yong isa naman sa kanila kinakagat-kagat ang kuko. Meron pa 'yong isa na punong-puno ng loom bands na nasa pulsuhan niya.
Gusto ko sana makisama sa kanila kaso nahihiya ako.
"Mga anak, ligpitin niyo na 'yang mga gamit niyo. Wala na kayong next class. Dismissal na, may meeting kami sa faculty ngayon."
Narinig ko ang tugon na kasiyahan ng aking mga kaklase, lalo na ro'n ang mga lalaki.
Parang nawala naman ang bigat sa likod ko dahil sa narinig. Makakauwi na kasi ako. 'Di naman ako makalaro rito, eh wala akong mga kaibigan.
Pagkalabas ko ng room bitbit ang bagpack ko ay bigla kong naalala na late nanaman akong susunduin ni mommy. Kaya awtomatikong napasimangot ako.
"Hoy, Brian! Itapon mo 'tong basura! Tatakas ka pa, ah!" Sigaw ni Michelle.
"Hindi, ah! Pupunta lang iihi sa CR, eh!"
"Pupuntang iihi ng CR pero dala-dala na 'yong bag! Tapon mo 'to, bilis! Tapos itong ID ko bigay mo sa room ng Grade 5, hiram ka ng dustpan."
Bumalik ulit akong loob ng room namin at kinuha ang eraser ng blackboard. Binura ko ang mga nakasulat do'n para naman hindi ako mainip.
"Sa Thursday ka pa cleaners, ah? Ba't ka nagbubura riyan?" Napatigil si Michelle sa ginagawa.
Nilingon ko siya. "Wala pa akong sundo. Wala naman akong gagawin."
Tinanguan naman ako nito at kalaunan ay napakamot sa tuktok ng ulo. May naalala yata.
"Bwisit naman 'tong si Francis! Umuwi agad, eh cleaners 'yon! Apakabwiset!" Reklamo niya.
"Buti nalang mabait ka. Patulong na ngang pa-arrange ng mga upuan, Cleo. Magmomop pa pala ako, ponyeta naman! Isa pang bwisit 'yang mga Tuesday cleaners, sinabihan silang mag-mop ni ma'am pero 'di naman ginawa! Braid ng braid ng buhok pero puro naman kuto!" Patuloy na reklamo niya.
BINABASA MO ANG
Mending Her Broken Wings (Arcelia Series #1)
Romance[ARCELIA SERIES 1] *warning slow update ! Cleo Lifvana Alvarez is a sunshine who dearly loves her mother and is willing to defend anybody who dares to disrespect her. Despite the cruel treatment she received from her mother. Nasa hiling na niyang ma...