Chapter 2

10 2 0
                                    

"Please write down the written assignment from the blackboard in your diary notebook and pass it to me. Take note, ha, no diary is automatically marked as absent."


"Teacher, anong araw po sa next week ipapass 'yong assignment?" Taas kamay ni Rhea.


"Next week Tuesday, anak. Diba po TTH ang klase niyo sa akin?"


"Opo, cher. Thank you po."


"Hala, puta, naiwan ko 'yong diary notebook ko."


Napatingin ako sa kaliwang likuran ko kung nasaan ang kaklase kong lalaki na bumubulong sa sarili nito.


"Luh, tanga. Naiwan mo?" Tanong ni Kev na katabi nitong nakarinig sa sinabi ni Ian.


Nagpatunong ng dila si Ian. "Oo nga, tanga. Ulit-ulit!" Agresibong nagkakamot sa ulo nitong sabi.


Natawa naman si Kev sa naging reaksyon niya.


"Teacher, may nakaiwan ng diary notebook niya!"


Hinugot ko ang snowpick eraser ko sa aking pen pouch para burahin ang namali kong spelling na naisulat.


"Sino ang nakaiwan ng diary notebook niya? Kindly raise your hand?"


"Ako nakaiwan, cher." Taas kamay ni Michelle.


"Uh-huh," tango ni Teacher at naghihintay kung sino pa ang mga nakaiwan.


"Hoy, Ian, taas mo kamay mo." Siko ni Kev sa kanyang katabi.


"Cleo? Cleo, anak? Nasa'n si Cleo?"


Napaangat ako ng tingin ng banggitin ni Teacher ang aking pangalan.


"Teacher, dito po!" Itinaas ko ang aking kamay.


"Ah, okay. Are you done na anak? Amin na para macheck ko na." Tawag niya sa akin.


"Yes po."


"Grabe naman si Teacher! Porke' maliit lang si Cleo, kunware 'di niyo pa nakita!" Biro ni Brian.


Natawa naman si Teacher Mitch. "Ikaw Brian, ah, kahapon ka pa nang-aasar. Pati si Teacher Lourdes niloloko mo." Sagot ni Teacher at nagsitawanan naman ang mga babae kong kaklase.


Niligpit ko ang gamit ko para ipacheck na ang diary notebook ko. Naglakad ako papunta sa teacher's table kung nasaan banda si Teacher Mitch. Pagkarating ko sa harap ay nginitian niya ako.


Hinintay kong matapos si teacher na icheck ang diary ko at isinara niya 'yon nang matapos siya.


"Ang ganda naman ng clip mo, anak. Ang ganda lagi ng pinagaayos ng Mommy mo sa hair mo." Turo niya sa kulay pink na clip na nakaipit sa kaliwang side ng buhok ko.


Bahagyang may namuong kunot sa aking noo at napahawak sa clip na nasa buhok ko. "Si ate Pia po ang nagclip po nito sa buhok ko."


"Ay, may ate ka pala."


Napakamot ako sa aking pisngi. "Yaya ko po si ate Pia. I call her ate because she's years older than me po."  


"Ahh..." tumatangong tugon niya at agad ibinaling ang atensyon sa mga kaklase ko. "Psst! Shhh! Keep quiet! Ikaw Brian, ah, nangunguna ka nanaman sa kaingayan." Suway niya.


Bumalik na ako sa aking upuan at nangahalumbaba.


"Si cher Mitch ako nanaman pinansin. Si Francis nga 'tong pinakamaingay sa lahat!" Pabirong reklamo niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mending Her Broken Wings (Arcelia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon