A/N: Pasensiya na sa walang kwentang update. Madami ring typo. Paki correct na lang yung iba mahirap mag edit eh. Bawi nalang. Hehe Salamaaaat!
__________SAMANTHA'S POV
Thank God it's Saturday!
9am na ko bumangon since wala namang pasok. Mag-isa lang ako sa condo. My dad bought this as a gift after my 17th birthday. Saka para mas malapit na din daw sa school. Every Sunday umuuwi ako sa house namin. Lalo na bukas may business meeting kami.
Nag-punta na ko ng CR at nag shower. Nagpunta na rin akong kitchen para magluto ng bacon and egg saka toasted bread. Sorry, hindi kasi ako marunong magluto at puro fried lang ang alam ko. Minsan pumupunta dito sila Mommy and Scarlette para dalhan ako ng maayos na pagkain. And thrice a week, nagpupunta rin yung helper namin para linisin yung condo ko dahil wala na kong time para maglinis sa sobrang dami ng works.
Habang kumakain ako may biglang nag doorbell.
Pagbukas ko si Hazel. Ang aga niyang mambulabog ha. Pinapasok ko siya sa loob saka ko tinuloy yung pagkain ko.
"Hi bes. Dalian mong mag breakfast saka mag bihis ka na kasi may photoshoot tayo." sabi niya habang nasa living room at nanunuod ng tv.
Napalapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Pass muna ko. I'm not in the mood."
"Eeeeh. Sumama ka na. Sabi ni Leona partner daw kami ni Kenzo. Once in a blue moon lang yun kung mangyari kaya pumayag ka na." tapos nag puppy eyes pa siya.
"Sige na nga. Magpapa cute ka lang naman kay Kenzo eh." sabi ko saka ko sinundot sundot yung tagiliran niya.
"Ahihi. Syempre naman. Ang pogi kaya niya. Ilang beses na kong nagpapapansin dun eh. Hindi man lang tinablan ng charms ko." ang harot talaga ng bestfriend ko. Kinikilig sa co-model namin na si Kenzo. Na gwapo nga nuknukan naman ng suplado. At lagi siyang tinatarayan. Daig pa babae kung makapag-mood swings. Bipolar pa yata.
Oo nga pala model kami ni Hazel ng Bench Magazine. Part time namin yun para hindi ma-bore at extra income rin pang shopping. Pati si Jason ay model din ng Bench kaya lang busy sa Student Council at kay Chesca kaya wala na siyang time.
After kong kumain nagbihis na ko at lumabas. Nag blouse and mini skirt lang ako saka doll shoes. And after nag gora na kami sa studio. Hinatid kami ng driver ni Hazel dahil wala namang marunong mag drive saming dalawa.
Pagpasok namin ng building sinalubong na agad kami ni Leona. Ang baklang photographer. Friend namin siya."Hi Goddess!" tapos nag beso siya sakin nung makita niya kami "Oh hi Dyosa!" sabi naman niya kay Hazel.
Sige pagtawanan niyo yung tawag samin ni Leona. Nakakahiya lang. Siya yung nag-insist na itawag yan samin. Yun daw ang call sign namin sa isa't isa. Hindi na kami nagreklamo dahil ipipilit rin naman niya.
"Hey dyosa, andyan na ba si Kenzo baby?" tanong ni Hazel kay Leona.
"Yes. There oh. Ang aga aga naka busangot nanaman. Lapitan mo there dyosa. Hindi tinablan ng charisma ko at nasigawan pa ko. Try mo yung sayo baka tumalab." tapos tinuro niya si Kenzo na naka-upo sa gilid at sinisigawan yung assistant niya at parang pinagsakluban ng langit at lupa yung itsura. Kagwapo gwapo eh. Hindi man lang marunong ngumiti.
Nag grin si Hazel at nilapitan si Kenzo. Umupo siya sa tabi nito. Nakita kong tumingin ito ng masama sa kanya.
Uh-oh I can smell trouble.
"Come here goddess." tawag sa akin ni Leona kaya lumapit ako sa kanya.
"What's the theme for this photoshoot goddess?" tanong ko sa kanya. Minsan lang kasi kami dito kapag urgent lang o kaya trip or bored lang. In this case ay para sa love life 'daw' ni Hazel.

BINABASA MO ANG
Torn Between Two Hearts
Teen Fictionwritten by: jennyannne Please support. Thankyou.