One day tinawagan niya ko para pumunta ng park. Sabi nila uso ang tanga ngayon sa pag-ibig kaya pumunta ako. Pagdating sa kanya ang hirap tumanggi.
Malayo pa lang ay nakikita ko na sila na nakaupo sa isang bench. Hindi pa nila ko nakikita. Hindi na rin ako nagtangkang lumapit. Nakikita ko palang silang masayang magkasama nasasaktan na ko. Masaya na sila ng bestfriend ko at sino ba naman ako para hadlangan pa iyon.
So after that day, I tried to avoid him but since na schoolmate and neighbors kami, I failed.
Galing ako ng library and nagkasalubong kami habang naglalakad ako sa hallway ng school. Nag smile ako sa kanya pero hinigit niya bigla yung kamay ko at hinatak ako papunta sa may gilid.
"May problema ba tayo?" sabi niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Bakit hindi ka sumipot sa usapan natin and lately parang iniiwasan mo pa ako." dagdag pa nya.
"Sorry madami kasi akong ginagawa. Saka hindi kita iniiwasan noh." pagdadahilan ko kahit totoo naman na iniiwasan ko na siya.
"Bakit mo ba kasi ako pinapapunta dun?" tanong ko pa kahit alam na alam ko naman na ang dahilan, dahil araw araw kaya niyang binabanggit sakin yun.
"Gusto kong magkakilala kayo ni Chesca."
Yeah right. Yung girlfriend niya.
"Oh. Maybe next time?" I tried to smile more brightly, pero bakit kahit anong bright ng smile ko bitterness pa rin ang lumalabas?
"Ah sige. After lunch?" hopeful niyang tanong habang naka smile.
Oh holy cheese. Ang pogi niya talaga.I tried to calm myself dahil baka mag faint ako dito ng wala sa oras. "May meeting ang org namin mamaya eh." may meeting talaga kami.
"Ah ganun ba. Sa Sunday maybe? I'll set a dinner for us. Walang pasok bukas." talaga nga naman.
Isip isip.
"Uhmm. We have a dinner with my parents' clients. You know business thingy. I'll be busier this week. Sorry talaga." I said.
Mukhang mapipilitan akong sumama sa business meeting ng parents ko kahit sobrang labag sa aking kalooban. Bakit kasi kailangan ko pang ma-meet yung girlfriend niya? Eh kilalang kilala ko naman na yun. Aishh!
"Sige na nga. Just inform me if your free." nagtatampong sabi niya.
"Yeah I will. Wag ka ng magtampo. Babawi ako sa susunod." tapos tinap ko siya sa balikat kaya ngumiti siya.
"Sige sige."
Biglang nag ring yung bell.
"Punta na ko start na ng class namin ngayon." I said.
Ngumiti siya at nag bye saka umalis.
Pumunta na rin ako sa classroom namin. Luckily wala pa yung prof namin kaya naupo ako sa chair ko at dumukdok sa desk.
Gods of Olympus! Ang hirap ng buhay. Hindi ko siya pwedeng iwasan forever. Nauubusan na ko ng excuse. Paki sampal na nga lang ako. The hard one, para magising na ko sa katangahan kong ito.

BINABASA MO ANG
Torn Between Two Hearts
Teen Fictionwritten by: jennyannne Please support. Thankyou.