Chapter Four

5 2 0
                                    

A/N: Eto lang yung naisip ko lumulutang kasi pati puso ko kay Matteo Do. Nanunuod kasi ako ng My Love From The Star. Kinikilig akow. 2nd day niya na at hindi ko napanuod kahapon. Kaya susulitin ko to. Tenchuu!

____________

HAZEL'S POV

Pagdating ko sa bahay nag shower na ko at humiga sa bed ko. At pumikit upang matulog. Pero dafuq lang. Hindi ako makatulog. Naaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina.

How soft it is. Hanggang ngayon damang dama ko pa rin. Napahawak ako sa labi ko. Take two nga, hindi kasi ako prepared kanina. Hindi ako na-inform.
WAAAAAAAH! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Baliw na yata ako. Hindi pwede!
Aaaaargh! Nakakaasar! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Oo nga't type na type ko siya pero hindi parin niya dapat ginawa yun!
Wala na! Wala na! Niyurakan niya ang pinaka iingatan ko.
Humanda ka sakin Kenzo Perez! You're so dead!

**FLASHBACK

"Hey dyosa, andyan na ba si Kenzo baby?" tanong ko kay Leona.

"Yes. There oh. Ang aga aga naka busangot nanaman. Lapitan mo there dyosa. Hindi tinablan ng charisma ko at nasigawan pa ko. Try mo yung sayo baka tumalab." tapos tinuro niya si Kenzo na naka-upo sa gilid at sinisigawan yung assistant niya.

Ang pogi pa rin niya kahit nagagalit.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Tinignan niya lang ako ng masama.

"Hi Kenzo." I said, smiling widely with matching beautiful eyes pa.

"ANO?!" bigla niyang bulyaw sa akin.

"Tayo daw partner sa photoshoot."

"Ikaw na naman?!" aba't siya pa ang nag rereklamo? Ang swerte nga niya at ako na ang lumalapit sa kanya. Sa ganda kong 'to.

"So naaalala mo pa pala ako. I'm not introducing myself yet. I'm Hazel." tapos nilahad ko yung kamay ko.

Bigla naman siyang tumayo.

"Sir yung phone niyo po, kanina pa po niya kayo hinahanap at gustong kausapin." sabi nung assistant niya.

"AH SH*T! How many times do I have to tell you to turn off that stupid damn phone! TELL THAT WOMAN TO STOP CALLING AND BUGGING ME. TELL HER TO GET LOST!" sigaw niya dun sa assistant niya na aligaga na kinuha yung phone para sagutin at nagmadaling umalis.

Kung makasigaw akala mo nasa kabilang bundok yung kausap.
Hinarap niya ko tapos ngumiti ako. Pero tinignan niya ko ng masama at umalis na.

Mainit ang ulo niya habang nag pi-pictorial kami hanggang sa natapos ito. Hindi tuloy ako makaporma.

Habang nag liligpit kami, maya maya may sumusugod na babae.

"Ma'am bawal po kayo dito." awat sa kanya nung guard pero nagpupumilit siyang pumasok.

"NO! Let me in. Kenzo! Hey, let go off me!! Take your hands off me! I want to see Kenzo. Don't hide him." sigaw nung babae habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya nung guard.

Nakita niya si Kenzo at walang nakapigil sa kanya nung lumapit ito.

"Babe! Let's talk about this. You can't broke up with me like that." sabi nung girl kay Kenzo habang pilit niyang hinahawakan ang kamay nito.

"I told you it's over. I don't love you. May girlfriend na ko." pa-cool lang na sabi nito at parang wala lang ang nangyayari.

Eh may girlfriend na siya? Sabagay sa pogi niyang yan. Playboy siguro.

"No! You don't have any girlfriend. I know you still love me. Please babe don't do this to me." umiiyak na siya ngayon habang nagmamakaawa.

"May girlfriend na ko and I love her. Now leave!"

"Hindi ako naniniwala! Sinasabi mo lang yan para layuan kita. Maniniwala lang ako kung ipapakita mo siya sakin. Please come back to me. I can change if that's what you want."

They're making a scene. Nakakaawa yung babae. Kung hindi na siya mahal nung tao, lumayo na siya. Wag niyang ipilit ang sarili niya at mas masasaktan lang siya sa ginagawa niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi siya maghahanap ng iba.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Kenzo at akbayan.

"O-oy! A-ano ba?!" pagpupumiglas ko.

"She's my girlfriend."

Girlfriend lang pala e. Wait! Teka! Ano daw?

"WHAAAAAT?" I said. "Paki-ulit nga lang. Nabingi yata ako e."

"Stop that. Sumakay ka na lang kundi lagot ka sakin." bulong niya.

Is he threatening me? Saka anong girl? Kelan niya pa ko naging girlfriend. Samantalang kanina iritang irita siya sakin. Anong pinagsasasabi nito!

"You're lying! Tell me it's not true. Nanghahatak ka nalang ng babae at sasabihin mo na kayo. Now prove it." medyo humahagulgol na siya.

Ang pathetic. Kung ako sakanya mag momove on na ko. At maghahanap na lang ako ng taong mas deserving nang pagmamahal k--

O//O

Naramdaman ko na lang bigla ang isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko. And I saw Kenzo kissing me. I saw him with my eyes open.

HE'S KISSING ME! Waaaaaaaaaaaah! Hindi ito totoo!

Napapikit ako.

Naramdaman ko na lumayo na ang labi niya sa akin. At inakbayan ako.
"Satisfied?" naka smirk na sabi niya sa girl.

"NOOOO! You'll regret this! BOTH OF YOU!" at tumakbo palabas yung babae.
After I recover to my senses. Hinarap ko siya then slapped him.

"HOW DARE YOU TO STOLE MY... MY... first kiss?!" singhal ko sa kanya at the top of my lungs.

Ngumiti siya na mas lalo kong kinainis. Nakuha niya pang ngumiti pag katapos ng ginawa niya. Winasak niya yung pangarap ko na ang first kiss ko ay para lang sa taong pakakasalan ko. Gusto ko yun gawin sa romantic place habang naka-upo kami sa white sand beach at pinapanuod namin ang sunset. Hindi sa ganito at lalong hindi sa kanya!

"That was your first?" pinipigilan niyang tumawa at parang nang-iinsulto pa.

"YES THAT WAS MY FIRST! Kiss is sacred para lang yun sa taong mahal ko. Pero nilapastangan mo ang pangarap kong yun. Wala na! WALA NAAA!" tapos maiyak-iyak pa ko.

OA na kung OA pero dafuq lang naniniwala talaga ako na ang halik ay para lang sa taong mahal mo. Sagrado ito para sa akin. Madami akong pangarap para sa first kiss ko. Na sa isang iglap ay ninakaw ng lalaking ito.

"Etong sayoo!" ambang sasapakin ko pa sana siya, when he suddenly gave a peck on my lips. Natulala ako saglit.

Nung naka-recover ako bigla siyang nag salita, "I like it babe." then he winked at me at nagmadaling lumabas ng studio room.

"WAAAAAAAAAAAAH KENZOOO!" he even stole my second. Wala na siyang tinira!!

**End of Flashback

Humanda ka sakin Kenzo. You'll pay for this! Kailangan kong gumanti. Kung halikan ko kaya ulit siya? Yung mas matagal kaya para sulit? Erase! Erase! Ano na 'tong naiisip ko!

"Waaaaaaaah!" sumigaw ako habang nakatakip ng unan ang mukha ko.
Kahit gano pa siya gwapo at talagang makalaglag panty, and kahit ang lambot lambot pa ng lips niya. Galit ako! Galit ba ko. Bakit ako galit?

"WAAAAAAAH!" baliw nga talaga yata ako.

A/N: Eto ang bunga ng panunuod ko. Pagpasensiyahan na. Salamat.

Torn Between Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon