Chapter 2 na hindi pa rin pala ako nakakapagpakilala. Puro bitterness and heartbreak ang panimula ng story ko.
I'm Samantha Chase, half Pilipino and half American. Nung bata ako sa Manhattan New York kami tumira ng mom ko with my dad dahil doon ako ipinanganak. Pero nung 5 years old na ko bumalik kami sa Philippines para i-handle yung business ng family namin.
6 years old palang rin kami nung magkakilala kami ni Jason Grace. Ang bestfriend ko.
Bagong lipat kami nun sa village namin. Naglalaro ako sa harap ng bahay namin that time. May nakita akong cute na puppy at akmang hahawakan ko na sana. Pero bigla akong tinahulan at parang kakagatin pa ako. Sa takot ay umiyak na lang ako.
"Uwaaaaah! Mommy! Mommy! *huk* Moooooommmmmmy!" iyak ko at the top of my lungs.
Biglang may batang lalaki na bumugaw dun sa aso.
"Shu! Get out!" bugaw ng bata. Kaso bigla kaming hinabol. Hinigit niya ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo.
Kung saan saan kami nakarating nun. Nagtago kami sa isang sulok. Sinilip niya kung wala na ang aso na humahabol sa amin.
"Is the dog gone?" hinihingal kong tanong.
"Yes. We're safe!" tapos nagpunas siya ng pawis niya.
"UWAAAAAAAAAAAAAAAAH!" hindi ko napigilang umiyak, takot na takot ako nun. Dahil nga sa eksena na yun kaya nagkaroon ako ng phobia sa aso.
"Hey stop crying." pilit niya kong pinapatahan.
"Iyo nalang 'tong candy ko. Wag ka ng umiyak." sabi nung cute na bata sakin.
"R-really?" tapos pinunasan ko yung luha ko.
Nag-smile yung bata at inabot sakin yung candy at pinunasan niya yung natitirang luha ko.
"Yes. I can be your best friend. I'm Jason. Wanna play?"
"I'm Samantha. We're best friends now?"
"From now on I will protect you."
Simula nun naging magbestfriends na kami. Lagi kaming naglalaro. Magkapit bahay lang rin kami. Madalas pumupunta siya sa bahay para maglaro kami ng video games. Pumupunta rin ako sa kanila. Minsan nga tinuturuan niya kong magbasketball. At siya rin ang naging tagapagtanggol ko. Palagi kaming magkasama sa lahat. Namimiss ko na ang mga panahon na yun.
Mabait si Jason. Gwapo, matalino at mayaman. Black hair, pointy nose, makapal na eyelashes, brown eyes na kapag tinitigan ka niya ay para kang malulusaw sa kilig. Mestizo na mamula mula ang balat na parang nahiyang tumubo ang mga pimples sa kinis ng mukha, dinaig pa nga ako. Perfect ang curved ng pinkish lips niya, that girls are all dying to kiss including me. Ahihi. Charr!Kung tutuusin siya na ang ideal man that all girls' dream. And me? I just found myself falling since mag-first year high school kami. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Jason Grace. Pinilit kong pigilan yung nararamdan ko. But I can't. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya pero tinago ko yun dahil ayokong masira yung friendship namin.
Ngayong college na kami, everything started to change.
Konti nalang yung time namin para mag bonding since sobrang busy na sa school. I'm taking Architecture course while him is Civil Engineering.
Magkalayo na ang building namin hindi katulad nung elementary at high school na lagi kaming magkaklase.
Bihira na kaming makapag-usap. Kaya nagulat ako nung kumalat sa school na may nililigawan daw siya.
At first hindi ako naniwala. Pero nung kinausap niya ko para humingi ng tulong kung ano ang gusto ng mga babae kapag nililigawan. Confirmed. Meron nga.
Parang nahati yung puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun. Gusto kong mag walk out at umiyak na lang. Hindi ko inisip na darating sa ganito. Hindi ako prepared.Nakita ko na sobrang masaya siya. Since nga na nabanggit ko na from the very start pa lang ng story na tanga ako dahil hindi ko siya matiis, at hindi ito ginagawa ng mga normal na tao, at dahil nga sa hindi ako normal ay tinulungan ko siya. Tinuruan ko siya ng mga gusto ng isang babae.
After a few months, sinagot siya nung girl. And that girl is Chesca Kane. Actually sobrang limited lang ang alam ko tungkol sa kanya. We're on the same age and school. Accountancy ang course, and nakita ko na rin siya sa personal pero never kami nag-usap.
Maganda siya and mestiza. Para siyang model na baka kapag itinabi ako sa kanya I will just look normal. Pero I'm cute and that's what everyone tells me. Hehe
Sikat din si Chesca sa school kaya ko siya nakilala. At first wala naman talaga akong pake sa kanya but since nililigawan na siya ni Jason palagi ko na siyang napapansin. Kada nga mababanggit ng mga classmates ko yung name niya lumalakas radar ko. Sa dami ng mga babaeng nag-hahabol kay Jason kay Chesca lang siya sobrang naging seryoso. And that's what hurt the most.
Madalas rin akong kwentuhan ni Jason ng mga tungkol sa kanya tuwing magkasama kami. Naaasar na nga ako kung minsan pero pinipilit kong makinig dahil ayokong ma-offend siya kahit rinding rindi na ko. Naging supportive akong bestfriend pero deep inside nasasaktan na ako. Ang hirap ma-ipit sa isang sitwasyon. Being a friend or a lover.And now he's forcing me to meet his girlfriend. Labag man sa kalooban ko darating din sa point na magkikita rin kami dahil hindi ko sila pwedeng iwasan forever.
*poke* *poke*
Napatigil ako sa pag-iisip ko at napataas yung ulo ko mula sa pagkakadukdok nung maramdaman kong may kumulbit sa ulo ko.
"Bestie, kay aga aga natutulog ka diyan. Tara na nga lang sa cafeteria wala daw yung prof natin ngayon." sabi ni Hazel na tumabi sa akin.
And that's Hazel Levesque, my bestie. Classmates and seatmates kami at isa ko pang bestfriend. Alam niya ang lahat ng drama ko sa buhay.
"Tinatamad ako." I said saka ako dumukdok ulit.
*poke* *poke*
"Later Bestie. I'm still sleepy." I said without raising my head.
*poke* *poke*
Bigla na kong napatayo. Hindi niya talaga ko titigilan. Kesa makipag matigasan tatayo na lang ako. Mapapagod lang ako sa kulit niya.
"Okay. Let's go." tapos kumapit siya sa braso ko at inakay ako palabas ng room. Tinignan ko na lang siya ng masama.
Pagdating namin sa cafeteria, umorder kami ng foods then umupo na sa table namin.
"Spill it out." sabi niya pagka upong pagka upo palang namin.
"What?"
"I know you have a problem. Is it him AGAIN?" she said emphasizing the word 'again'.
"I don't know what to do anymore." tapos hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko.
"Alam mo, you have to face them. Hindi mo sila pwedeng iwasan habang buhay. Mas masasaktan ka lang diyan sa ginagawa mo." sabay subo ng spaghetti niya.
"How?"
"Don't excuse yourself again. He might notice that your making excuses about his invitations. Baka mag-tampo pa yun sayo at kayo pa ang magkaproblema."
"Yun na nga eh. Hindi ko sila kayang makita magkasama. Naiintindihan mo naman diba." kinagat ko na yung slice ng pizza ko. Nai-stress na naman ako.
"Of course. Masakit tanggapin yung fact na sila na. And you can't do anything about it, but to accept. You're just hurting yourself."
MOVE ON. Ang daling isipin pero ang hirap gawin. Ang sakit palang mahulog sa isang tao na hindi ka naman kayang saluhin. Na habang nahuhulog ka sa kanya, nahuhulog naman siya sa iba.
"Argh!"
"Don't stress yourself. Let's go shopping after class."
Napangiti ako sa suggestion niya. Maybe I should give myself time to relax.

BINABASA MO ANG
Torn Between Two Hearts
Teen Fictionwritten by: jennyannne Please support. Thankyou.