Chapter 4: The Charming Kingdom

112 9 5
                                    

------

(*note: ito po yung POV nung araw na hindi nakarating sina Anastasia at Alfrigg Parvati sa Patagonian Express at nalaman ng iba na pinatay ito ng mga hobgoblins at bugaboos, which are the servants of the Snow Queen.)


"Hindi maganda ang kutob ko Atlanta. Dapat nandito na silang lahat ngayon sa mga oras na ito." Paikot-ikot lamang sa malaking bulwagan si Arethusa.


"Huminahon ka kapatid. Hindi makabubuti kung anu-ano ang iniisip natin. Malay naman natin baka nalate lang sila." Sabi naman ni Arabella.


"Kung gayon, ipatawag mo sina Fairy Godmother, Mother Goose at ang iba pang mga hari at reyna." Maawtoridad na sabi ni Arethusa.


Ilang minuto pa ay dumating na ang iba, kasama ng iba pang mga fairy. "Faery Arethusa, may problema ba?" nag-aalala ang mukha ni Cinderella.


"Hindi maganda ang kutob namin, Cinderella. Malapit ng magsara ang Patagonian Express pero wala pa din sila." Mababakas ang takot at pangamba sa mukha ng prinsesa.


"What can I do? Kailangan na ba naming ipadala ang aming mga kawal?" garalgal na tanong nito at tumingin sa asawa. "Chance, sabihin mo kay Sir Alexander na ihanda ang ating mga kawal." Hinawakan naman ni Prince Chance ang kamay ng asawa.


"Hindi maaari, Cinderella. We just want to let you know na hindi maganda ang kutob namin. Pero as much as possible hindi kayo pweding makialam dito kahit na anak mo na ang pinag-uusapan. Masyadong mapanganib. We cannot risk anyone's lives." Mahabang paliwanag naman ni Faery Larissa.


"So what will we do now? Maghihintay na lang ba tayo dito?" medyo naiinis na tanong ni Cinderella.


"I'm afraid yes, darling." Mahinahong sabi ni Faery Blayze. "Nothing bad will happen to them. You need to trust your daughter. She is a brave lady." Dagdag pa nito.


Isang humahangangos na Mother Goose ang dumating sa kawalan. "Bad news." Kinakabahang nagtingininan muna silang lahat sa isa't isa. "Alfrigg and Anastasia are gone. Mukhang may alam na ang Snow Queen sa prophecy. She sent a lot of hobgoblins and bugaboos in their manor. Thank the heavens, Liliana is fine. But unfortunately, nagsara na ang Patagonian Express." Umiiling na sabi pa nito ulit.


Out of nowhere, bigla na namang sumulpot si Fairy Godmother. "The necklace I gave to your daughter when she was a baby is a key. Fortunately, nakapasok na sila sa Happily Ever After but unluckily hindi dito sa Charming Kingsom bumukas ang lagusan." Marahang sabi ni Fairy Godmother kay Cinderella. Bahagya namang nawala ang pangamba sa mukha nito.


"That's good news then. Pero hindi pa rin maganda ang nangyari sa mag-asawang sina Anastasia at Alfrigg. I know they only did their best to protect Liliana." Malungkot na napailing si Faery Arabella.


"As of now, hindi natin alam kung saang parte ng Happily Ever After sila napadpad. Let us just hope na okay lang sila at walang masamang nangyari sa kanilang anim. To be honest, kahit na alam kong may kapangyarihan sila, hindi tayo pweding magpakampante dahil sigurado akong hindi pa nila alam gamitin ang mga ito." Sabi naman ni Faery Blayze.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon