MISSION5.-Harina

193 12 12
                                    

COMVO

------------------------------

Kathryn's POV

Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa din nagpaparamdam si Maki, tapos si JD busy din daw dahil inaayos niya 'yung sa mom niya na kakauwi lang daw ng pinas.

Napaupo nalang ako dito sa flooring ng kwarto ko atyaka ko nasapo ang noo ko. pfft bat ko ba sinasama sa isip ko si JD? eh unggoy 'yun. nakakabwusit. hayy.

Bigla nalang akong nagulat ng biglang niluwa ng pintuan ng kwarto ko sila EJ na pawisan.

"Pupunta daw sa probinsiya si Maki ah?" Probinsiya? anong trip ni Mak mak? pft.

"Bakasyon ata-Aray!" sabi ni Kiray ng bigla siyang binatukan ni EJ

Napailing nalang ako sakanila atyaka ko tinanong kung bakit pupuntang probinsiya si Maki. Sabi nila Julia,Sofia at Aria ay naghihingalo na daw ang lola ni Maki kaya dadalawin niya na daw muna.

"Susunod ako sakanya." sabi ko habang inaayos ko ang bag ko na pang eskwelahan.

"When?" Tanong ni Sofia habang nakikigulo sa bag ko.

Umiling nalang ako, dahil hindi ko alam kung kailan, pero ang alam ko susunod ako sakanya. dadamayan ko ang bestfriend ko.

Habang Hinahalungkat nila ang bag ko, bigla namang nahulog 'yung notebook na kulay Yellow lang atyaka may tatak na MC.

Nakita ko naman na nabuka 'yung notebook na dahilan na makita namin ang first page ng Notebook.

Dahil sa pakielamero at pakielamera ang mga katabi ko ngayon, kinuha nila 'yon atyaka binuklat.

"MAKI'S DIARY!!" sigaw ni Kiray habang binubuklat 'yung notebook ni Maki. argh! mga pakielamera talaga!

"Dear Diary. sawang sawa na ako, pero mahal ko pa din siya, sa lunes..sasabihi-" bigla kong hinigit 'yung notebook na hawak ni Julia atyaka ko iyon nilagay sa bag ko. tss. pakielamera talaga kahit kailan.

"Aiishh! time na namin 'yun para lokohin si maki eh!" sabi pa nila habang pangisi ngisi pa. pft.

"Ansama niyo talaga kay Maki! hayyy!" sabi ko atyaka ko sila pinagbabatukan. nakakaasar. wala na ba silang puso? pati 'yung nananahimik na diary ni Maki, papakielamanan nila.

Inayos ko na 'yung mga gamit ko atyaka ko nilagay sa bag ko 'yung notebook ni Maki. mahirap na baka gumala nanaman 'yung mga kamay ng mga katabi ko ngayon sa bag ko at kunin ang notebook ni Maki.

Habang nagla-laptop at nakiki-wifi ang mga kaibigan ko dito sa kwarto ko. biglang tumunog ang cellphone ko kaya bigla akong napatayo at kinuha ko agad 'yun, baka si Maki 'to! miss ko na 'yung bestfriend ko eh!

*bzzzzt*

(From JD_Unggoy: Susunduin kita mamaya, mag bihis ka. may pinadala akong damit diyan.)

Pft anong trip neto? ngayon gagawin niya akong slave na parang lahat ng gusto niya gagawin ko?, NEVER-*Dingdong*

Bumaba na ako, dahil walang magbubukas ng pinto. day off si manang.

Binuksan ko ang pinto atyaka bumungad sakin ang pagmumuka ni Katsumi habang naka suot pa ng fake mustache. pft.

"PIZZA DELIVER-ESTE DRESS DELIVERY!" sabi pa neto habang pinipilit mag salita na parang nasa 30+ ang boses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSION: Marry me (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon