Chapter Two SERGEANT BEBANG

12 1 0
                                    


Marceline:


Saan ka pa nakakita ng Sargeant at Arms na SIYA lang ang gumagawa ng BID BOOK para sa org nila? WALA! Pero sa kundisyon ko ngayon....Putakte! WORLD RECORD PRESIDENTE NAMEN... ako ang pinagagawa niya ng buong libro. Jusme.


Pumunta kasi lahat ng opiser sa isang conference sa Manila at ako lang ang naiwan dito! Sasama rin sana ako dun kaso eksklusibo lang daw yun para sa mga Third Year to Fifth Year. ANG SAKIT SA BANGS! Suppose to be kasi na fourth year na ako pero ang laki kong ungas sa acads. Hanggang ngayon sophie level pa rin ako. MAYGAD!

Nakakainis. Engineering pa kasi sinabi ni daddy na kunin kong course. Yan tuloy, hindi ako makaLEVEL UP sa acads. I NEED REINFORCEMENTS bilang sergeant. HWAHA. Nag-ingles ang gaga.


By the way, I'm Bebang. AY HINDE! Hindi yun! I'm Marceline Pillar. Kaya ko lang naman nasabing Bebang kanina dahil yun ang EPIDEMIC NAME ko na pinauso ng four-eyed na si VINCE UNGGOY! Siya lang naman ang NO. 1 PUBLIC ENEMY ko.


Ang sarap niyang tirisin ever! Bagay ko raw yung pangalan na yun dahil BULLS EYE NA BULLS EYE mukha ko kapag tinabe kay Bebang panget. TSE! For your information, MAS MAGANDA AKO!

Bwiset na Vince yan. Naging kaklase ko pa at KAUPO! Kaya nga kapag lecture na ganyan, nae-EXPIRE ako. Hindi siya nakakaINSPIRE! Ansarap niyang sapakin sa mukha! Kapag nasa good mood ang tao, ipapaalala niya sa akin yung nangyari noong high school. Babanggitin niya lang yung salitang "TAGOS" pagkatapos mag-iingay na ang buong klase saka pipikunin ako. Lang ya na VINCE yan talaga! Siya ang may pakana ng lahat ng to e! Kung pwede lang sana akong mamBUTTERFLY KICK ng hayop sa publiko, matagal ko nang naipatilapon sa outerspace tong pa-cute na unggoy.


Pero... kahit ganitong panget ako...


Kahit... ganitong panget TALAGA ako...


Nakakahalimaw din talaga e! TAGOS yung mga panlalait ng tao.

TUDAMAKS!


Nakakaasar naman kasi... mayaman naman kami. Bakit hindi pa ako magpa-surgery?! Kung hawak ko lang ATM Card ko pati ang mga ginto't dyamante ni mama, magsasangla ako at gagamitin ko 'yung pera pang-BELO. ATAT NA AKONG GUMANDA! SAWA NA AKONG PANGET! Psh.


GAYUNPAMAN, sabi ni daddy Ramil, SMART IS THE NEW SEXY. Hmp! Smart naman ako e, yun nga lang... hindi tumalab pagka-smart ko sa Engineering. Gusto ko na sana magSHIFT pero hindi pumayag si daddy.


Ang hirap din kapag mismong magulang mo pumili ng kurso mo. Marami nang sinakripisyo si daddy sa akin para pagtuunan ng pansin ang acads. Bumili siya ng mga reviewers at mga kumpletong libro na kelangan ko. Binilhan niya pa ako ng laptop na may mga naka-install nang Engineering softwares tulad ng AUTOCAD, REVIT, ETABS, STAADPro, SKETCH-UP, at TEKLA BIM. Grabe, todo suporta sa aming magkapatid si daddy. NO RETREAT, NO SURRENDER NA TO TALAGA. Nakakaawa rin kasi kapag binalewala ang lahat.


Kahit na ba mayaman kami, alam din namin kung gaano kahalaga ang bawat salapi. Galing din kami sa pamilya ng mga mahihirap at saka lang naman yumaman sina mama at papa dahil nagpursigi sila talaga. At ako naman... WAAAH! Asa ka pa. NI DERIVATIVE NGA MAN LANG NG COSINE X DI KO PA ALAM! Kung kasing utak ko rin ang kapatid kong si RAVEN... baka nakagraduate na ko ngayon. Nakakahiya na nga.... Inunahan pa ako ng kumag na 'yun. Third year na nga siya e. Dapat high school pa lang. Galing noh? Prodigy e.


AY TAKTE! Ang daldal ko, ang dami ko pang gagawin! Hindi na ako makarebru kakatype at kaka-verify ng mga receipt para sa financial report sa bidbook.

Sigeeee! Tik tak tak tak tak tik tik tak tak tak tak!

***

EASY LUNGS, Oh! Puso The Lovestory of Engr. Four Eye and Engr. GoldwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon