Chapter Four: BLACK MAIL ni BEBANG

10 0 0
                                    


Marceline:


Eto na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko! Hu! Sumailalim na rin ang PUBLIC ENEMY ko sa aking mga kamay. WALA NA SIYANG MAGAGAWA kundi sundin ang aking mga pinag-uutos. WOHAHAHAHAHA!


Utos?


Hehe.


Una, tutor ko na si VINCE.


Pangalawa, ginawa ko na siyang pesteng Genie in a BAYGON bottle.


Haha. Sa kanya ko pinagawa yung madugong financial report sa bid book namin. Hindi man 'yun kasali sa usapan, WALA SIYANG MAGAGAWA. Pinagpili ko siya... sundin niya yung pinaguutos ko o ibroadcast kong tutor ko siya? Haha. Syempre ayaw ng kumag na yun na i-broadcast ko kasi malaking scandal 'yun lalo na't alam ng buong unibersidad na siya ang pinakaestupidong lalake na nanlalait sa akin. Isa pa, kapag may lumalapit sa akin na hindi mayaman, pinagsasabihan nila agad na mukhang pera. Ang saklap no? JUDGMENTAL KASI MGA CHAKANG ESTUDYANTE DITO. MAYAMAN KAMI E! (Pero sa totoo lang, wala akong hawak na malaking datung... Naka-freeze lahat sa bangko kasi nadiskubre ni mama na SHOPAHOLIC akong tao.)

AYUN. Back to Vince Unggoy tayo mga anthropoid...


Pwahaha! Mapagod kung mapagod si Vince. Basta ako, sasamantalahin ko na 'to. It's REVENGE time. HEHE. EVIL LAUGH PA MORE! WOHAHAHA!


>>>Patungkol nga pala sa tutorial services niya...

Masungit siya magturo! Pero epektib naman. Kasi... kapag hindi na yan nag-alburoto, deretso tulog at tulo laway na ako sa mesa habang nananaginip na nagsosolb.


Nung isang gabi habang ginagawa niya yung mga financial statement sa laptop ko, nagbigay din siya ng mga worksheets sa SOLID MENSURATION na sasagutan ko para FAIR daw. Tinuruan niya ako nung una saka nagsolb kami ng tatlo pagkatapos iniwan na ako sa ere.


Hmp! Sabi niya, para raw masagutan ko ng tama yung mga problem solving... Palawakin ko raw imahinasyon ko at i-analyze yung hinihinging tanong...pinalawak ko nga imahinasyon ko pero nasobrahan ata... Waaaaah! NAKAKA-CRACK NG BALOT PENOY NA UTAK!

...

...

...

Sumunod na araw SA LIBRARY...


WAAH! ANBELIBABOL! Nasa library ako??? D nga. Nakaka-culture shock naman dito. Lahat ng mga nerds at nagne-nerdan nakatambay dito at busy gumagawa ng mga Ass. Wag na ngang Ass! Homework na lang.

Pagkaupo ko, nagbuntong hininga ako at chineck ko 'yung message sa phone.


Boots: O ano, nanjan ka na lib?

(Si Vince yan. Pinangalan ko lang naman siya sa kasamang unggoy ni Dora sa Dora the Explorer. Hehe.)


Me: Oo!

Boots: E di magbasa ka na!


Me: Akala ko ba tuturuan mo ako. Di ba sabi mo punta ka rin dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EASY LUNGS, Oh! Puso The Lovestory of Engr. Four Eye and Engr. GoldwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon