PROLOGUE

225 2 0
                                    

"THAT girl from Amazon forest was the leader of the band. What a disaster!" wika ng malakas na tinig na sadyang ipinaririnig sa pinariringgan.

          Nawala ang matamis na ngiting nakapinta sa mga labi ni Hope nang marinig iyon. Matalim na hinayon niya ng tingin ang pinanggalingan ng nakakairita at pamilyar na boses.

           Sa bandang kanan niya ay naroon at nakangising nakatunghay ang pinakakinaiinisan niyang tao sa balat ng lupa—si Karl Jonathan Montero o Karl, ang kapitbahay, kababata, at kaaway niya. Best friend ito ng Kuya Ismael niya at laging tumatambay sa bahay nila na siyang nakapagpapairita sa kanya.

          "What's the matter, Amazon princess?" pang-aasar pa nito. "Angry or hungry?"

          "Bugger off, doberman," asik niya. Ano ba ang ginagawa ng isang high school student sa elementary department? Sumugod siguro doon para lang mang-asar. Wala na itong ginawa kundi asarin siya. Iyon lang yata ang alamni Karl na gawin sa buhay—ang asarin at sirain ang buong araw, at pati ang buhay niya. Bigla namang pumreno ang utak niya nang mapansing exaggerated na ang huling linya.

          Nagtawanan ang mga kasamahan ni Hope sa Drum and Lyre Corps na nahinto na sa pag-practice at nakatanga na lang sa kanila. Kasalukuyan silang nagpa-practice sa malawak na school quadrangle nang mang-agaw ng eksena si Karl. Hindi pa rin bumabalik ang adviser nila sa Drum and Lyre Corps na si Miss Reyes mula nang magtungo ito sa washroom kaya silang mga miyembro lang ng band ang kasalukuyang nagpa-practice.

          "Ayaw mo ba'ng pinapanood kita?" hirit ni Karl.

          "Bugger off," asik uli niya. Kung puwede lang na tirahin niya ang lalaki ng tirador mawala lang ito sa kanyang paningin.

           Nagsimula ang iringan nina Hope at Karl noong grade two pa lang si Hope at grade six naman si Karl. Nagsimula iyon nang ibangga ni Karl ang pinakamamahal niyang bisikleta na regalo ng kanyang daddy noong 7th birthday niya. Idagdag pang parati nitong inaagaw ang atensiyon ng kuya niya mula sa kanya. Kapag nagba-bonding sila ng Kuya Ismael niya, biglang sumusulpot si Karl. Ang kuya naman niyang mahilig maglakwatsa ay nakakalimutan na siya kapag nagyaya na si Karl. At ang talagang nakakairita, nakaugalian na ni Karl na inisin siya. Na pinapatulan naman niya. Tuloy, para silang aso't pusa na laging nag-aaway.

          Katulad na lang ngayon. Sa halip na umalis na si Karl, nanatili lang ito sa kinatatayuan at muling nagpakawala ng mapang-asar na linya. Sa inis, humigpit ang pagkakahawak ni Hope sa baton. At bago pa man niya nagawang awatin ang sarili, lumipad na iyon sa ere.

          Natulala ang mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari. Wala namang pakialam na naghalukipkip siya at pinagmasdan si Karl na hawak ang nasaktang noo. Nagtataka nga siya at hindi ito hinimatay, lalo na at malakas ang pagkakahagis niya ng baton. May tunog pang tok nang tumama iyon sa ulo ng lalaki.

          Nakangiwing tumingin sa kanya si Karl. Nag-alala rin siya nang makita ang dugo sa noo nito, hindi lang siya nagpahalata. Bagkus ay umismid pa siya. Kapag ito ang kaharap niya, lumalabas ang kanyang pagkamaldita. "Masakit ba?" pang-aasar niya.

          Tiningnan siya ni Karl nang matalim. "Ikaw kaya ang batuhin ko ng baton sa ulo?" asik nito.

Alam naman ni Hope na pulos salita lang ang lalaki. Takot lang nitong saktan siya. Mananagot ito sa kuya niya.

"Ang galing mong mambato. Iyon ba ang pinapraktis mo?" angil nito.

          "Oo. At sa susunod, mukha mo na ang pagpapraktisan ko. Umalis ka na nga rito. Kanina ka pa nang-iistorbo. Pumunta ka sa clinic para matingnan iyang sugat mo."

          Sa panggilalas niya ay ngumisi si Karl kahit dumudugo pa rin ang noo. "You care about me. I know it. You care about me!" hiyaw nito para marinig ng lahat.

Napuno ng tawanan ang paligid. Nadismaya naman si Hope. Tanda ba ng pagki-care ang pambabato? Weird. Araw-arawin kaya niyang hobby iyon?

          "Give me back my baton at umalis ka na dito," utos niya.

Parang masunuring bata na inabot ni Karl ang baton.

Naawa naman siya. Dumukot siya ng panyo sa bulsa at ibinigay sa lalaki. "Wipe your bloody face," she scowled.

"KARL, dito na lang tayo," pamimilit kay Karl ni Lara.

          "Lara, magsisimula na," nauubusan na ng pasensiyang wika niya. Lahat ng estudyante ng Santa Veronica Academy—mula sa elementary at high school department—ay required sumama sa parade para sa opening ng intramurals. Bukod doon, may iba pang dahilan kung bakit nagmamadali na siyang makapunta sa parada.

          Silang dalawa na lang ni Lara ang naiwan sa classroom ng fourth year-A students. Nauna nang lumabas ang mga kaklase nila. Naiwan si Karl dahil na-corner siya ni Lara. May importanteng sasabihin daw ito sa kanya.

          Lara was his classmate at obvious na may crush sa kanya. Iyon mismo ang dahilan kaya hinarang siya nito. Umamin na si Lara. Kung dati ay panay lang ang pa-cute at parinig nito at ng mga kaibigan, ngayon ay umamin na ang kaklasenang harapan sa kanya. Lara was cute at mabait din. Dapat ay natuwa siya sa pagtatapat nito but instead, he felt annoyed. Hindi siya sang-ayon na babae ang unang nagtatapat ng nararamdaman sa isang lalaki.

But there was an exception, if fate agreed. Napailing-iling na lang si Karl sa naisip.

           "Puwede naman tayong hindi sumama sa parade. Sister Cara won't check the classrooms anyway," tukoy ni Lara sa principal ng SVA.

          "Kung gusto mong magpaiwan dito, suit yourself." Tumayo na siya at iniwan na ito.

Wala namang nagawa si Lara kundi ang sumunod sa kanya.

          Mula sa ikalawang palapag ng building, inilibot ni Karl ang tingin sa quadrangle. May hinahanap ang kanyang mga mata. Napangiti siya nang makita ito. Nagmamadali na siyang tumakbo pababa ng hagdan. Hindi na niya napansin si Lara na nakasunod pa rin sa kanya. Huminto siya malapit sa grupo ng Drum and Lyre Corps.

          "Sino ba ang tinitingnan mo, Karl?" untag ni Lara na nasa tabi na niya.

Hindi niya ito pinansin dahil nakatuon na ang buong atensiyon sa leader ng Drum and Lyre Corps.

           The band's uniform that Hope was wearing fitted perfectly on her. Her long hair was tied in a bun, with few tendrils dropped on each side. And she was wearing light makeup. The mere sight of her took his breath away.

           Kinuha ni Karl ang cell phone sa bulsa para kunan ng picture ang babae.

Narinig niyang tumawa si Lara."She's just a child, Karl," she said. "You turned me down because of a child. Honestly, I don't know how to react on this," iiling-iling pang dagdag nito. Hindi naman mukhang galit ang babae, natatawa pa nga. One thing about Lara; she was cool. Hindi nito dinibdib ang pambabasted niya.

Natawa na rin si Karl. "Lara, can I think about your proposal?" Ngumisi siya.

          Tumawa rin si Lara. "Why not? But what about her?" nanunudyo pang tinapunan nito ng tingin si Hope na nagkataon namang nakatingin na rin sa kanila.

          "I will let fate decides."

ISABELLA HOPE (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon