CHAPTER TWO

71 4 1
                                    

NAPAKURAP si Hopeat sinundan ng tingin ang palabas na si Karl. Ano ba ang ginawa nito sa kanya? She couldn't take her eyes off him. Kusang bumabalik ang tingin niya sa lalaki kahit na pinipilit niyang ibaling sa ibang direksiyon ang paningin. At nang makita niya itong naglalakad palabas, bigla siyang nakaramdam ng panic sa dibdib.

Nilingon niya ang mga kaibigan sa dance floor. Nag-e-enjoy pang sumayaw ang mga ito. Nagpasya siyang tumayo at lumabas ng bar. Hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa niya. All she knew was she needed to see him again. And she couldn't explain the intensity of it.

Malamig na dapyo ng hangin ang sumalubong sa kanya paglabas niya ng Demi's. Maliban sa ilang teenager na nakasalubong, hindi na niya nakita si Karl. Wala sa loob na naglakad siya patungo sa mga nakaparadang sasakyan. Bigla rin siyang natigilan. Ano ba ang ginagawa niya?

Kinagat ni Hope ang ibabang labi at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Bakit ba naisip niyang sundan si Karl? Nababaliw na yata siya.

"'Going home?"

Natigilan siya. Nakapagtatakang nakilala na agad niya ang nagsalita bago pa man siya nagkaroon ng lakas ng loob na lingunin ito. Nakasandal si Karl sa pinto ng sasakyan at seryosong nakatingin sa kanya. Hindi lang niya agad ito napansin dahil natatakpan ng malaking van ang kinatatayuan nito.

Hope ignored the frenzied reaction of her heart, and tried to smile. "Hey, Karl," she said with clipped lips.

"I'm glad that you still recognize me," amused na sabi nito. Marahan itong naglakad palapit sa kanya. "Pauwi ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa. I was just..." Ano na nga ang dahilan niya? Nablangko na ang utak niya. Tumikhim siya. "It's been a long time, Karl," aniya na nagpilit ngumiti. Kung mag-usap sila ay para bang hindi sila magkaaway dati. Kung sabagay, they were grown-ups now. It's about time to forget those silly childhood acts.

"Yeah, it's been a long time, Isabella Hope," anitong hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Huminto si Karl sa harap niya. Her nose picked up his mind-boggling scent, na lalo lamang nagpadagdag sa tensiyong nararamdaman niya. Nakatalikod siya sa lamppost kaya ang lalaki ang naiilawan niyon. At dahil napakalapit nito, malaya niya itong napagmasdan.

May ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mga mata nito. His eyes were so dark. And he was beautiful, she thought. Beautiful than any hero in a book she had ever read.

And why did her heart smile when he said her name? Was it because it felt heavenly the way he said it gently?

"I'm surprise that you still recognize me," aniya sa mahinang tinig.

"Who wouldn't? You've grown beautiful and lovely, Hope," he said.

Wala siyang maapuhap sabihin. Hindi siya makapag-isip nang maayos sa klase ng tinging ibinibigay ni Karl sa kanya.

"How many guys had cried over you, Hope?" patuloy nito sa nangingislap na mga mata.

Muntik na siyang mapanganga sa tanong nito. "W-what?"

"Can you add me to the list? I'm willing."

Muntik nang makalimutan ni Hope na wala nga palang ginawa noon si Karl kundi asarin siya. At mukhang wala pa ring nagbago sa kabila ng pagdaan ng panahon. Nakaramdam ng panghihinayang ang puso niya.

"I have to get back inside," aniyang tumalikod na.

"Hey," pigil nito sa braso niya.

ISABELLA HOPE (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon