The Way You Look at Me

26 0 0
                                    

" Wahh, uuwi na talaga tayo!"

" Oo nga. Excited na ako! "

" Hmmm. Hwawg kayowng hmm-ingay ."

I moaned. Ang ingay ingay nila natutulog pa ako eh. Maganda pa naman ang panaginip ko.

" Ssshhh. Wag kasi daw maingay Mami. " Sambit ni Momo eh ang lakas naman ng boses. pwe!

" Sareh. Excited lang eh. " Sabi naman ni Mami na hininaan ang boses.

Oo nga pala, naalala ko. Ngayon na kami uuwi! Wah! Dapat na akong bumangon. Matagal kasi akong nakatulog kagabi sa sobrang excited.

Nagpray na ako at bumangon na.

" Anong oras na? " Tanong ko sa dalawa.

" Six na pasado kaya maligo na tayo. " -Mami

" Ako ang mauuna sa CR ha?!"-Momo

Sila nga pala ang mga roommates ko. Sa malayo kasi ako nag-aaral ng college kaya nagboboard lang ako. At ngayon, Semestral break kaya makakauwi kaming tatlo sa aming bukid. De joke. Pero seryoso nga, uuwi kami. Yey!

" Momo, alam mo ba, napaginipan ko si Reid. " Kay Momo ko sinabi kasi hindi kilala ni Mami si Reid. Magkaklase kasi kami ni Momo sa high school.

" You mean si James Reid? Owmygash! Anong nangyare sa panaginip mo? "

" Ayay! Cheka na yan! " Sigaw naman ni Mami. Chekadora ang feels eh.

" Hindi ko sasabihin, baka hindi magkakatotoo eh. "

Sabi kasi ng mga matatanda, magkakatotoo daw ang panaginip mo kapag wala kang sinabihan nito. Kaya malay mo, magkakatotoo yun.

" Tsk. No fun, no fun. "- Mami

" Akala ko ba ex-crush mo na yun? Bakit parang kinikilig ka ata?"- Momo

" Eeeeh, hihihi. Diyan na nga kayo! Ako unang maliligo! "

Ayun, tumakbo na ako sa CR dala ang towel ko. Mwahuahua!

-fast forward-

" Waah! Nandito na talaga tayo sa wakas! " Sigaw ni Mami nang bumaba kami galing sa barge.

" Yeah. I miss this place. "

" Nadine, nagtex si Mars. Sabi niya dumaan muna daw tayo sa school nila. Namimiss na daw niya tayo. Vacant naman daw niya ngayon kaya makakapasyal tayo. " -Momo

Si Mars, ang barkada ko sa high school. Miss ko na rin siya.

" Sige ba. Ikaw Mami, sama ka samin. "

"Hindi na, nagtex na rin kasi si Papa eh. Ingat kayong dalawa ah. Kitakits next week. "-Mami

" Ingat ka rin. Ba-bye Mami! XOXO "-Momo

" Sayonara Adios and Ba-bye. hahaha. Ingat! "- Ako

Umalis na si Mami. Iba kasi ang route na dadaanan niya pauwi sa kanila kaya hindi rin siya makakasama samin ni Momo. At hindi din kasi kami classmate sa high school kaya mao-OP lang siya.

Sumakay kami ng tricycle ni Momo papuntang school nila Mars, at ni Reid.

Pagdating namin sa tapat ng school nila ay nakita agad namin si Mars kumakaway sa amin. Mabuti nalang at mabait ang guard, pinapasok kami.

Pagpasok namin, nailang talaga ako. Pinagtitinginan kami ng mga studyante kasi hindi kami nakauniform. Tapos ang sinuot pa namin ay ang PE uniform sa school namin. Tch. Para kaming alien.

Naglakad-lakad kami sa paaralan nila Mars habang nagkwekwentohan. May nakita rin akong schoolmates namin noong high school, nadadaanan namin.

" Alam mo ba Mars, napaginipan ko si Reid. "

" Hindi niya alam. "-Momo

"Tangek. Oh anong nangyare? "-Mars

" Eh hindi ko sasabihin, para magkatotoo. "

" Aherm. Speaking of. "-Mars

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Mars. Nagkatotoo ang panaginip ko. Nakita ko nga siya, sa paaralan nila. Bakit ko na naman nararamdaman to? Matagal ko na siyang kinalimutan. Well, not exactly him. But my feelings for him.

I look at him. Wtf, our eyes met! I suddenly take it back. He's across the street with his friends. And hard to admit, but he looks so handsome in his nautical suit uniform. Sana hindi nalang ako tumingin. Because when he looked at me, I felt it again. That weird feeling.

' Coz there's something in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece~'

( Imaginin nyo nagslowmo ang mga pangyayare at iplay ang song na to sa taas. XD )
--------------

Waah! Nakauwi na ako sa bahay. Nakakapagod. Binuksan ko ang room ko. Ito lang talaga ang masasabi ko:

Myself = Mess

My room = Mess

My life = Mess

My life = Mess

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Haish. Bakit kasi hindi ko ito naisipang linisin bago ako umalis dito? Ipinatong ko ang bag ko sa kama ko at nagsimula na akong magligpit.

Nang malapit na akong matapos ay may nakita akong isang kwaderno. Ito ang naglalaman ng lahat ng alaala tungkol sa kanya. Pinulot ko ito at dinala sa kama ko at humiga ako.

Paghiga ko ay nakita ko naman sa ceiling ang pangalan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paghiga ko ay nakita ko naman sa ceiling ang pangalan niya. Gaaa! Hindi ko pala nabura, paano kung nakita to ni Mama? Mga kabaliwan ko talaga noon.

Binuksan ko ang diary ko at binasa ito.

Naglakbay ang utak ko at bumalik sa nakaraan. Ano ba talaga to, diary o time machine? Okay, corny.

Dear diary...  

The Way You Look At Me [ JaDine Fanfiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon