TWENTIETH ENTRY

5 0 0
                                    

January 07, 20**



Nandito ako ngayon sa classroom kasama ng mga groupmates ko. Tinatapos namin ang project namin na pedigree chart, ngayon kasi ang deadline. Kanina pala ang 3rd grading exam namin kaya ang exhausted ko na ngayon. Plus kami pa ang sweepers this week. Nagmamadali kami dahil magfaflag retreat na.


" Guys, hindi ba tayo sasali sa flag retreat? " Tanong ko sa kanila.


" Huwag na. Kailangan na nating taposin to. " Sagot naman ni Lorie.


" Mamaya nalang natin ituloy to, kinakabahan ako eh. Baka may makakita sa atin, maprincipal's office pa tayo. " Sabi naman ni Lara, at sumang-ayon naman si Lorie kaya tumakbo na kami patungong covered court.


Nang nakarating na kami ay nagform na pala ng line ang mga estudyante according sa section nila. Naku! Nasa gitna pa ang line namin.


Nadaanan ko naman si Lucy, nasa dulo kasi ang line nila.


" Nadine! Ilan ang score mo sa Physics? " Natanong ni Lucy, nacheckan na kasi ang exam kaya may results na.


Ano ba yan. Nahihiya ako. Magpapakipot pa sana ako eh kaso nagmamadali ako.


" Hehe. " Napahehe nalang ako. Nakita ko ang nasa tabi ni Lucy, siya pala. At parang lumukso ang heartbeat ko nang ngumiti ka pagkangiti ko.


" Eight-two " Nasabi ko nalang. Parang naubusan kasi ako ng salita sa ngiti mo.


" Wow! 3 mistakes lang. Akin nga eh two-eight hahahaha! " Sabi pa ni Lucy.


" Haha. Sige Lulu. " Tumakbo na ako patungo sa line namin. Ano ba yan, ang haggard ng mukha ko. Nakakahiya sa kanya. Hindi naman ako palaayos eh, pero pagdating sa kanya, nacoconcious ako sa itsura ko.

 Pero teka, totoo ba 'yon kanina? Na ngumiti ka dahil sa 'kin?


Hay nako Nadine, 'wag ka nang mag-assume. Kitang may girlfriend na nga yong tao e.

The Way You Look At Me [ JaDine Fanfiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon