TWENTY-FOURTH ENTRY

7 0 0
                                    

January 29, 20**



Today is the day before the competition. Wala akong review kasi rest day namin ngayon. Kaya tumambay nalang ako sa classroom.


" Nadine, may sasabihin ako sa 'yo. " 

Sabi ng kaklase kong si Adrian, na barkada rin ni James.


" Hindi ko dapat sasabihin sayo to eh, pero kaibigan kita. Pinagpustaan ka ni Reid. So kapag nanligaw man siya sayo, alam mo na. " Sabi niya sa akin.


Biglang kumirot ng konti ang dibdib ko. Ako? Pinagpustaan? Ni James Reid?


" Totoo ba yan? Ano namang motibo niya? "


" Oo, nandun ako ng pinag-usapan ka nila. "


" Sinong 'nila'? Sinong kasabwat niya? "


" Silang tatlo nila Cyrus at Joule. Ganito kasi yan. Hindi na sumasama si Joule sa kanilang dalawang maglaro ng DOTA dahil sa review nyo sa MTAP. Kaya nagpustaan sila. Kapag napasagot ka either ni Cyrus o James, sasama ulit si Joule sa kanila. Otherwise, hindi. "


Hayop na Joule yon. Traydor! Manggagamit! Curse them, bun-ihin sana sila at magkaroon ng maraming pimples. Ako pa talaga ang pinili nilang pagpustahan! Anong akala nila? Easy to get ako? Ganun?


Kaya siguro chinat ako ni Cyrus at nagkunwaring gusto niya ako.


" Thank you sa pagsabi mo, Adrian. "


" Wala yun. "

The Way You Look At Me [ JaDine Fanfiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon