FOURTH ENTRY

10 1 0
                                    

July 20, 20**


Second day ng Sport fest at ngayon maglalaro siya ng tennis. Nandito ako sa lobby ng classroom namin since nasa harap lang naman nito ang court kasama ang mga kaklase ko at katabi ko si Lucy. Kakatapos lang maglaro ng dalawa kong kaklase na sina Frechie at Andy ng tennis doubles at susunod na ang singles ni James. Natalo sila pero ang ganda ng laban. Ang lapit lang ng score.


Ang daming mga babaeng nanunuod. Probably his fangirls. Tch. May banner pa.


At nagsimula na. As expected, ang galing niya. At ang cool niya maglaro.


" Ang daming fangirls ni James ah. Pero may girlfriend na yan. " Sambit ni Lucy.


May girlfriend ka na pala? Ouch. 


May nakapagsabi sa akin na mas mahirap kapag nagkagirlfriend na ang crush ko kaysa nitwo-time ako ng boyfriend ko. Kasi daw, kapag sa boyfriend, akin na eh, may karapatan akong magalit, magreklamo, magsumbat. Pero kapag crush, wala akong magagawa, maghihintay na lang kung kailan sila maghihiwalay. At naniwala naman ako. Pero I think when it comes to 'anong mas masakit', pareho lang?


" T-talaga? "


" Oo! Palagi pa nga niyang tinatawagan eh. LDR kasi sila. Narinig ko pa ngang nag- i love you siya dun. "


Super ouch.


" Haha. Patay ka. Nag-eavesdrop ka. "

Haha masakit haha.


" Sus. Sapakin ko siya eh. Alam mo, kung magiging kaklase mo lang siya, matuturn-off ka talaga kahit gwapo pa siya. "


" Bakit naman? "


" Ang antipatiko niyan. Makasalanan pa ang bibig. At namimili ng friends. "


" Ah. Ganun pala siya. "


Ewan ko lang. Gusto kong maturn-off sa kanya, kasi hopeless na naman ako. Pero hindi ko magawa. Masakit, pero siya lang naman ang nakakapagpasaya sakin.


Only you can make me feel this way. You causes me pain and happiness at the same time, without your knowing.

The Way You Look At Me [ JaDine Fanfiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon