FIFTH ENTRY

10 0 0
                                    

July 31, 20**


Another tiring day. Nasa laboratory ako since morning para sa research namin.


Pagkatapos kong kumain ng lunch, bumalik agad ako sa laboratory para ituloy ang ginagawa ko.


" Nadine, pakibigay to kay Ms. Girlie nasa Science faculty room siya. " Utos ng head teacher namin sa Science.


" Yes ma'am. "


Nagpasama naman ako kay Gail, para ihatid tong mga papeles sa second floor kung saan ang Science faculty.


Pagkatapos naming ibigay kay Ms. Girlie ay lumabas na kami. Nakita kami ni Lucy since malapit lang ang room nila at tinawag niya ako sandali.


" Nadine, busy ka ba? "


" Oy Lulu, bakit? Oo eh. May experiment pa kasi kami. "


" Ay sige, sunod nalang. "


" Sige, bye. "


Hindi na ako nagtanong kung bakit at nagmamadali na kaming bumalik ni Gail sa lab at tinuloy ang ginagawa naming experiment. Hindi kasi pweding hindi namin to bantayan.


" Nadine, narinig mo yun? " Biglang tanong ni Gail.


" Hindi. Ano? "


May mumu ba dito? OMG! Kinikilabutan ako. Kami lang dalawa at sirado pa ang mga bintana for some purposes.


" May tumatawag sa pangalan mo. "


" May mumu ba? "


" Tungu. Nasa labas. Teka, titingnan ko lang. "


Ayy, akala ko mumu eh.


Sumilip si Gail sa pinto at parang nakikipag-usap siya sa isang taong nasa may malayo. Well, not really usap but senyas. Iba rin ang trip eh. Non-verbal communication.


Since may scientific attitude ako, nacurious ako kaya sumilip ako sa pinto. Pero, hindi ako pinasilip ni Gail. Senenyasan niya ako na 'diyan ka lang' at parang may something sa tingin niya.

  

" Nadine, sinabi mo ba kay Lucy na crush mo si Reid? "


" Di ah. Kayo lang ang sinabihan ko nina Lorie, Mars, Momo at Llee. "


" Sabi kasi ni Lucy, gusto raw makipag-usap si Reid sayo. "


Wait, WHAT?!


Bigla akong kinabahan ng todo sa sinabi ni Gail. Lintik na. Chismosa pa naman yan si Lucy.


Pero ano naman kung papayag ako? Makipag-usap lang naman diba?


' Sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan?
Kahit hanggang sa pagkakaibigan~'

[ Continuation sa Kahit Magkaibigan lang by Antoinette Taus. ]


" Tell her I'm so busy doing an experiment, please Gail. "


Dahil nangibabaw ang pagkatorpe at pagkacoward ko, ayun. I'm too innocent for that. I don't know what to do. I wanted to escape.

--


Yon na sana ang chance na makakausap kita e. Pero ang hina ko. Hindi kita kayang harapin. Baka maging bato ako sa harap mo. Ewan ko ba, matalino naman ako pagdating sa Science and Math, pero ang bobo ko pagdating dito. I don't know if I fear love or I just fear man.

The Way You Look At Me [ JaDine Fanfiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon