CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Aria's pov

Nagising ako dahil sa ilaw na tumatama sa aking mukha.

Naririnig ko na rin ang mga huni ng ibon na animoy nag aawitan.

Ang medyo mainit na simo ng hangin hindi kagaya kagabi na parang magyeyelo ka sa lamig nito.

Dahan-dahan Kung iminulat ang aking mga Mata Hanggang sa nakita Kung pasikat na ang araw.

Kahit dito sa gubat ay kita parin ang araw, ito ang tanging nagbibigay ilaw sa gubat tuwing Umaga at buwan namn Kung gabi.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking maliit na higaan.

Ramdam ko ang pa mamaga ng aking mga Mata, dahil sa sobrang pag iyak ko kagabi Kaya Ganito.

Na akala ko ang mga pangyayari kagabi Kung paano ko naaalala ang mga masasakit na nangyari sa akin... At Kung paano ko sinabing babaguhin ko na ang aking sarili.

Papanindigan ko ang mga Yun, dahil wala naman tao ang nararapat Para sa aking respeto.

Matagal ko nang ginawang katawa-tawa ang aking sarili, ngunit nag bago na Yun simula kagabi.

Sa oras na ipinikit ko na ang aking mga Yoon narin nagsimulang namatay ang dating ako.

At ngayong binoksan ko ulit ito ay ang panahong na buhay ang bagong ako.

Hinding hindi na ako magtitiwala kanino man hindi ko na hahayaang masangkot kahit kanino.

Higit sa lahat isasarado kona ang aking puso sa lahat.

Bumaba ako sa aking higaan at sinuklay ang aking Hanggang biwang na buhok.

Tinignan ko ang aking mukha sa isang maliin na salamin, Maga ang Mata puro....

Maganda pa rin.

Nag ayos na ako naligo, nagsipilyo, nagbihis, pagka tapos ay pumunta sa maliit na bahagi ng munti Kung kubo Kung saan ako nagluluto saka Tinignan Kung may natitira pa ba akong pwede kainin.

Wala... Wala nanglaman ang tapper wear ko!!

Mangiyak ngiyak ko itong tinitigan, hindi nagtagal ay nag alburo ang halimaw sa Tyan ko.

Gutom na gutom na, naisipan ko na lamang na pumunta sa bayan upang Doon mag hanap ng makakain.

Isinoot ko ang aking lumang jacket Para kahit papanoy maitago nito ang aking mukha.

Pagkalabas ko ng kubo ay nag simula na akong maglakat papuntang bayan, habang naglalakad ay inilibot ko ang aking paningin.

Simple lang ang kagubatan, tanging mga huni ng ibon ang maririnig mo, walang pang huhusga, tanging siya ang nasa mga huni nila.

Kaya gusto ko dito kumpara sa bayan, hindi tulad doon, mapayapa ako dito.

Naka labas ako sa gubat matapos ang mahabang palalakad, inayos ko ang jacket ko saka naglakad-lakad sa gilid ng kalsada habang nakayuko ang aking ulo.

Paminsan-minsan ay sumusulyap sa paligid, dahil baka may ma kakilala sa akin.

Dahil sa hindi nakatoon ang aking atensyon sa Daan ay mayroon akong nakabangga, isang lalaki na siguro ay nasa med 30s nya.

Nagulat at kinabahan ako dahil nagtama ang among mga Mata.

Tatakbo na Sana ako ng mahawakan nya ang aking braso, hakmang sasapakin ko na sya nang bigla syang magsalita na ikinahinto ko.

"ikaw, walang tatanggap sayo rito.... Hindi nila Alam ang magagawa mo. Nais mong nakakita ng lugar Kung saan ka nabibilang at hindi rito iyon. Hindi ka nabibilang sa lugar na ito."

The Shadow Academy: Heart And Prophecy Where stories live. Discover now