Chapter 1

68 4 0
                                    


Ang ganda talaga ni Regina.

"Huy, nakatitig ka na naman dyan. Baka matunaw 'yan." Hindi ko man gusto pero tinanggal ko ang tingin ko sa bebeloves ko para samaan ng tingin si Mara.

"Pwede ba, Mara. Gusto ko lang naman ienjoy ang view ?"

"Kung kinausap mo na sana si Regina, edi pwede mong titigan kahit kailan." Sumimangot ako sa sinabi ni Luna. Para namang sinabi niya na wala akong karapatan. Totoo naman, pero bawal ba mag-appreciate? Ito talagang mga kaibigan ko na 'to laging killjoy.

"Ang seryoso niyo naman? Happy crush lang!"

"Happy crush ba yung iniiyakan? Niloloko mo lang sarili mo beh."

"Oo nga, Narda. Saka antagal na 'yang happy crush. Hanggang kailan mo ba pa aabutin 'yan? Kung makaasar ka kay Ding na torpe, mas malala ka pa pala."

Hindi ko na kinakaya 'tong dalawang 'to. Parang gumising lang ata para saktan ako. Eh ano ngayon kung hanggang titig malayo lang? Ang ganda-ganda ni Regina, baka mamaya mapahiya ko lang sarili ko sa harap niya. Hindi ko kakayanin at baka forever ko nang dadalhin 'yon. At ano naman kung torpe ako? Ngayon lang 'yan.

"I'm just waiting for the right time." wika ko sa kanila. Sabay naman nilang inikot ang mga mata nila sakin.

"Dalawang taon na, Narda. Kailan pa ba 'yang right time mo? Maunahan ka pa diyan sige, 'wag kang iiyak samin." humalukipkip ako sa dalawa. Masyado na talaga silang mapanakit, ano bang kasalanan ko sa mga 'to?

"Kapag talaga 'yan nagkatotoo, sasabunutan ko kayong dalawa. Kayo sisisihin ko, sige." pananakot ko sa dalawa.

"Bessy, kung kumilos ka na kasi? Ni-hi or hello, wala man lang. Mas mabagal pa sa snail progress mo sa crush mo."

Sinulyapan ko si Regina na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Napaka-perfect niya talaga. Naalala ko pa nung una ko siyang makita, wala paring pagbabago. Napakaganda pa rin. Napakabait. Yung mga mata niya parang mga tala sa langit, lalo na kapag gabi. Kumikinang, napakalinaw. Kailan naman kaya ako yung tititigan niya? Kung saan-saan kasi siya nakatingin. At ano kayang pakiramdam na kausap siya? Tipong eye-to-eye? Baka mahimatay na ako on the spot. Nakakahiya. Mas mabuti na siguro 'to. Nasa malayo.

Ang alam ko kasi the closer you get to the star the hotter it will be.


Nakakamatay.


"Earth to Narda, hello? Wala na sila Regina, kanina pa umalis. Tsaka malapit na raw sila Ma'am." nabalik naman ako sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Luna. Wala na pala si crush hindi ko man lang napansin. As usual, siya na naman nasa utak ko. Kung pwede lang mag drop-out 'e. Sagabal pag-aaral sa kilig ni Narda Custodio. Hindi tuloy ako makapag muni-muni.

Mas maganda pa naman daydreams ko kesa sa realidad. Doon kasi mas may chance ako kay Regina.


Haaaay, ang sakit naman nito.



Ayan, happy crush pa nga.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Narda's Happy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon