Chapter 2

55 4 0
                                        

Mara: Go bes! Kaya mo 'yan, support ka namin lagi.

Luna: Oo nga Narda, nandito lang kami kapag nabasted ka.

Mara: Ano ba, Luna! 'Wag mong sabihin 'yan. Be positive!

Luna: Baka naman umasa si Narda, edi nasunog atay natin kapag nagpainom 'yan

Mara: 😡😡😡

Napailing ako sa nabasa. Kanina pa sila nag-iingay sa group chat namin simula nung sinabi ko na ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. I'm finally gonna ask Regina out. Sumakto kasi sa kalagayan ko ang istorya kagabi sa radyo. May matagal na raw siyang gusto simula pa lang noong highschool pero lagi siyang natatakot lumapit at makipag-usap dito. Hanggang sa mag-gradweyt sila. Naitawid nga ang pag-aaral, pero ang feelings hindi. Kaya kahit ilang taon na ang nakalipas, pinagsisisihan pa rin niya ang hindi niya pag-akto sa nararamdaman niya.


Natauhan ako doon, naiyak pa nga ako 'e. Tinanong ni Ding kung anong problema pero sinabi ko na napuwing lang ako. Hindi ko na ibinahagi sa kanya ang narinig ko dahil deserve niya magsisi sa huli. Torpe din 'yon 'e. Hindi sa sinasabi kong torpe din ako, kasi ngayong araw patutunayan ko na hindi. Patutunayan ko na si Ding lang ang ligwak sa pamilyang Custodio. Aba, brave girl ata 'to. Pinalaki ako ni Nanay na handang lumaban sa kahit sino.


Muntikan ko pa nga masaksak ng ballpen kaklase ko nung elementary 'e. Muntikan lang ha, kasi pinalaki rin ako ni nanay na mabait. Yung mga tanong sa ESP exams noong high school? Yung tatanungin ka kung anong tamang gawin kapag may nakita kang matanda na tatawid sa kalsada? Ako lahat 'yon, gawain ko 'yon. Dapat nga 'e Narda Teresa Custodio name ko, kinabahan lang nanay ko na baka mag madre ako kasi gusto raw nila na magkapamilya ako.


Kaso nga lang hindi nila in-expect na maging bading anak nila.


Aba, 'di ko na kasalanan 'yan. Bahala na si Ding magpalaganap ng Custodio genes.


Back to our agenda today, it is time to ask Regina out on a date.

It isn't so hard, 'no?








Except it is hard.








"Umulan pa nga." mahinang wika ko at sandaling tumingala sa langit. Napakagaling talaga. Kung kailan wala akong dalang payong. Sinipat ko ang paligid ko, tinignan kung may pwedeng masilungan. Papunta na kasi sana ako sa building nila Regina, balak ko sanang tanungin siya 'pag labas niya kaso mukhang pinaglalaruan ata ako ng tadhana ngayong araw.


Halos mabasa na ang buong katawan ko nang sa wakas ay nakahanap na rin ng coffee shop sa malapit. Kaso mukhang hindi sila nagpapapasok ng basa, kaya nanatili akong nakatayo sa may silong sa harap nito. First thing on the plan, failed agad. Hindi ko na tuloy masasalubong si Regina at mukhang hindi rin titila agad ang ulan dahil palakas ito nang palakas. Nilalamig na rin ako at naisipang tawagan sila Mara nang makitang lowbatt na akong phone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Narda's Happy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon