07: Kung Ako Na

7 0 0
                                    

Kung Ako Na

Isang daang metro ang layo mula sa inyo
Kahit man ako'y nasa kabilang dako,
Dinig parin ang pagtatalo niyo

Mahal,
kailan ka pa ba mapapagod?
Kailan pa ba babagsak,
ang iyong mga tuhod
Kung hindi mo na kaya ang bigat,
Ibigay mo sa akin, at ako ang bubuhat

Narito naman ako,
Handang saluhin ang pagbagsak mo

Bumitaw ka,
Kung nabibigatan ka na
Pangako,
kung ako na
'Di ka na luluha pa

Kapit ka sa akin,
at tunay kitang iibigin
Dahil kung ako na
'Di mo na 'yan mararanasan pa

Nandito naman ako
Handang saluhin ang puso mo
Ako ang bubuo nang mga nawasak sa 'yo
Paliligayahin kita
Higit pa sa iyong inaakala

Dahil kung ako na,
'Di ka na masasaktan pa
Kumapit ka
Sasamahan kitang labanan ang sakit
Patatamisin natin ang pait

Kumapit ka lang
Ako ang pupuno nang kaniyang pagkukulang
Aalagan kita,
Hanggang sa maging ako na

PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon