Summer ngayon, kakatapos lng na 2nd year ko, at ang bilis ng panahon...akalain nyo 3rd year na ako this incoming school year, eh parang kahapon lang hindi pako makalakad..hindi dahil sa lumpo ako..at humihingi pa ko ng lollipop, kendi and kumakain pa ko ng cereal na pambata na may kasamang free na laruan...ang bilis naman magrevolve yung Earth sa sun..atat siya masyado...
Nasan ako ngayon? Siyempre nasa damit ko..joke lng...nandito ako ngayon sa starbucks..mag-isa lang ako ngayon kasi yung mga besties ko busy sa panghuhunting ng gwapong lalake....nandun sila ngaun sa MOA... eto ako ngayon, mag-isa, nagmumukmok dahil hindi nila ako sinama,aaaat umiinom ng paborito kong frappe! Masaya na ako ngayon dahil kasama ko tong frappe ko kaysa naman dun sa dalawang bruhang yun..joke..siyempre pinapahalagahan ko ang bestfriends ko noh...
Inubos ko na ang frappe ko..aalis na sana ako ng...
Frappe: Nimae...huwag mo akong iwan!!!! Umoorder ka pa para makasama mo pa ako..
Aba! san galing yun?..nagsasalita yung frappe...tinitigan ko kasi yung picture niya...haha
Ako: Ayoko na!! Baka magkatonsilitis pa ako dahil sayo..
Frappe: Sige na...masarap ako..matamis..creamie..at..
Lagot!..parang sineseduce ako ng frappe na to..yuck, masyadong malaswa...
Isip ko: Huwag kang mag-attempt na kumain pa niyan..sige ka baka magkadiabetis ka o tonsilitis..
Frappe: Last nalang talaga...
Ako: Ayoko na bahala ka!!
Lumabas na ako sa cafe...aning na talaga ako..kinakausap ba naman ang sarili ko at pinapasalita ang frappe...
Naglalakad ako ngayon papunta kung saan man ako dalhin ng paa ko...
Hindi pa nga pala ako nakapagpapakilala...Ako nga pala si Nimae Zephora Park..some call me as Zephie but I prefer na Nimae ang itawag nila sakin..ang cute kasi....one fourth Brazilian, one fourth Korean at half filipino...dami kong lahi noh?..I’m 15 years old and incoming 3rd year na..hindi pa ako sure kung saan ako mag-aaral..
Ididescribe ko nalang yung sarili ko, hindi naman ako busy...maputi ako, hindi naman masyadong matangkad mga 5’4 siguro at chubby lng ako ng konte..hihihi, My parents say na i’m beautiful daw, my friends say na i’m mabait and my teachers say na i’m intelligent.Sabi naman ng mga naiinggit sakin na I’m mataray daw, maarte, masungit, pangit.. Huwag kayong maniwala sakanila ha? Sabi lng naman nila yun..kayo nalang maghusga...
Wala akong hilig sa mga lalake...hilig ko ang mga panlalaki..like anime, manga books, online games, basketball, at DOTA....oo , nagdodota ako...bakit, angal kayo??! Okey lng naman sa mga maaarteng bestfriends ko kasi kng papano may alam din ako sa mga hilig nila at nakakarelate din sila...
Hilig ko rin kumanta, sumayaw,kumain, guitara, to be specific, electric guitar...may plano nga akong bumuo ng banda eh...hilig ko rin mag-...
BOOOUUUUGGGSSHH!!!hindi ko alam kng anong sound effect kung matutumba ka...hehe
“ AAAARROOOUUUCCHH!!!” aray ko ang sakit...
Bakit masakit?! natumba lng naman ako sa isang kapirasong, maliit na bato....describe kasi ako ng describe sa sarili ko...
Anonymous: so ngayon kami pa ang sinisisi mo kng ba’t ka nadapa.?
Ako: Hindi naman sa ganon...
Anonymous: sinabi ba namin na magdescribe ka?
Ako: hindi...gusto ko lng..eh ba’t ang eeepppaa-
Nainterupt ako nung may nag-abot ng kamay..naka-upo parin kasi ako...pagtingala ko....
Isang malaanghel na mukha ang naaninag ko...ang WAAAFFUU!!!!!!!
“ Miss, okey ka lang ba???”sabi niya..pero parang wala akong naririnig..Parang nag slomo ang lahat.
Kamukha lng naman nya ang aking asawa na si SASUKE....hep! huwag kayong kokontra...paningin ko to eh....
Paano ko ba siya idescribe....hmm....basta ang gwapo niya...he has his black eyes, as in black na black sya, na nagniningning na kapag tingnan mo ay matutunaw ka talaga(ano, ice cream) ...at ang puti niya, medyo chinito..may lahi siguro tong japanese.....at ka-age ko lng siya..WAAAAAAAAAHHH!!!!! Dream guy ko na siguro to na hinulog ng langit... ai, pinanganak nalang...baka namatay na to kapag yung term ko eh hinulog ng langit...
“Haahahahahahahaha!!!!yan..haha...kasi...haha..hindi...hahaha...tumi...
hahaha..tingin..hahah....sa...dinadaanan....huwahhaahahah!!!!!”
Sabi ng isang mukhang demonyong guy na parang mamamatay na sa kakatawa...bwisit to ho!!! Hoy! naudlot kaya ang pagpapantasya ko sa gwapong face ng lalaking nasa front ko...
“Mabulunan ka sana” bulong kong sabi...
Ubo.ubo.ubo.ubo
See, karma yan...nadinig ang panalangin ko....hahahaha...
“Oh tol, okey ka lang ba...yan kasi, tawa ka ng tawa, o anu..nabulunan ka...karma yan” sabi ng gwapong lalaki na may mala anghel na boses... inabot niya uli ang kamay niya sakin...
“ Okey ka lang ba?”
Concern si gwapo...makapag-acting nga...
“okey lang ako...” nagsmile ako ng sweetest smile ko....hehe..hindi naman ako masyadong nasaktan..Hindi ko muna inabot ang kamay niya instead nag-akma akong tumayo...at parang matumtumba ulit...( remember: acting lng to)
“ Ahhh!” sabi ko with my sweetest voice at nagpatumba na talaga...
Sinalo niya naman ako..then binuhat....bridal style pa.naka jeans naman ako so hindi makikita ang undi ko..papunta sa may bench..hindi naman ako makareklamo, gusto ko naman kasi..Ew! Landi...hihi
“Ma-pride ka kasi, di mo pa gustong tulungan ka..” tapos nagsmile siya....YAAAAAAHH!!!! Tunaw na ako..
“Oh eto, first aid kit na hiniram ko dun” sabi ng demonyo na inabot ang first aid kit kay gwapo na nakanguso ang bibig na nakatingin sa isang bahay.
“Buti nalang may ka kilala tayo dito..” sabi ni gwapo na sa unahan ko..
Ginamot na ni gwapo ang sugat ko...hala! may sugat pala ako..
“okey ka na ba?” sabi niya na parang makikita mo ang concern in his eyes....
“Okey na ako..thanks for your help ha...” tapos nagsmile ako...
“ Makakatayo ka pa ba? Kung gusto mo ihahatid ka nalang namin kung san destination mo?” oo gusto ko!...
“ Namin?! Anu siya, hilo! Hindi ako magwawaist ng time para lang ihatid siya, so tara na!” sabi naman ng epal na bwisit na demonyong mokong..I glared at him
Binaling ko ang tingin kay gwapo..
“ Ah hindi,Okey na ako..kaya ko pa namang tumayo...malapit na lang rin naman ang house ko..malakas naman ako!Thank You ulit” Tumayo na ako at naglakad na parang nabalian ng paa...tandaan acting parin ito....Lumingon ako sa kanila.
“ Bye! At thank you ulit!” nag wave na ako at tiningnan ulit ang gwapo and ningitian ulit siya....ngumiti rin siya sakin as a reply... inirapan ko naman ang demonyo...hehehe...
Nang sure na ako na nakaalis na sila...inayos ko na ang lakad ko...kakahiya na kasi...At nagsmile ng bonggang-bongga...
BEST ACTRESS!!!!
Mukang may nakalimutan yata ako....
“ F*CKED!!!!HINDI KO NAKUHA ANG NAME NIYA!!!!!!!!!!!!” tumingin ang mga taong nakapaligid sakin...SHET! nasabi ko ba yun out loud???!!!!....KAKAHIYA!!! PAKSHET!!! TAKBO!!!!!
Hi ya there! This is my first story..hehe ^_^. Hope you'll like it. Don't forget to vote, comment, like, and tweet..
- Krizza.xoxo
BINABASA MO ANG
Undefined Love
Teen FictionBestfriend. Bestfriend lang ba ang tingin niya sayo? Hindi na ba magbabago yun? One sided love lang ba to? Pero paano kung merong dumating na bagong magpapatibok ng puso mo? Mamahalin mo ba siya or hindi na dahil hindi mo na gustong masaktan? At paa...