Chapter 2

16 1 0
                                    

Isabelle's

''Simple lang.. ikaw yung tagabitbit ng mga tokens ko, gets?'' Tagabitbit?! Bakit? Isang daan ba ang bibilhin niya at kailangan pa niya talaga ng isang mala dyosang tao ang magbibitbit ng mga tokens niya?!

---

I spoke too soon. Totoo nga, pinabitbit niya ako ng 77 tokens! Oo, malapit nang nagkatotoo yung sinabi kong 100! Eh ang grabe naman nito kung maglaro eh! Ang adik masyado sa tekken? Ako nga, barbie lang yung nilalaro ko eh =________________=

''Bigyan mo 'ko ng dalawa.'' Argh! Ayan na naman siya! Kapag natatalo siya sa laro niya ganyan palagi ang sinasabi. Hmp! Kung hindi niya lang sana ako binlackmail kanina hindi ko 'to gagawin.

~Flashback~

''Simple lang.. ikaw yung tagabitbit ng mga tokens ko, gets?'' Tagabitbit?! Bakit? Isang daan ba ang bibilhin niya at kailangan pa niya talaga ng isang mala dyosang tao ang magbibitbit ng mga tokens niya?!

''Bakit ilan ba bibilhin mo?!''

''77 lang. Kaya maghanda ka na dyan!''

I laughed. As.in tumawa ako ng bonggang bongga!

''WAHAHAHAHAHAHA! And you expect me to believe in you? Ano ako uto-uto?!'' Ano kala niya sa'kin? Yung mga babae na nadadala lang sa ganyan?

''Kung hindi mo gagawin.. ipapagkakalat ko sa campus na may pinaexpel ka na lalaki dahil lang na stalker mo siya.'' Napanganga ako. PAANO NIYA NALAMAN YUN!?

''P-Paano mo--''

''Simple. I have connections. Oh ano? Bilhan mo na ako!'' Sabi niya at binigay yung pera.

Napaisip ako sa lalaking stalker na yun na pinaexpel ko papunta sa bibilhan ng tokens at pabalik sa kanya.

''Oh? Tulala ka?''

''Ah.. wala.''

~End of Flashback~

Kaya ayun. Wala na rin akong magawa, binlackmail na eh. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niya. Paano niya nalaman na pina-expel ko si Nick? Connections? Mayaman ba siya? Sa tingin ko oo.. ang daming binili eh! Eto siya, naglalaro na parang walang pakialam sa mundo, ako dito nakatayo at nag-iisip ng kung anong mga bagay bagay.

''Oh. Bakit tulala ka dyan?'' Nawala ako sa pag-iisip ko nung tinawag niya ako. Tumingin ako sa kanya at parang bigla nalang akong nagalit. Hindi ko rin alam eh.. baliw na ba ako? @_____@

''Sa tingin mo hindi ako matulala sa sinabi mo kanina? Na parang wala lang sa'yo na sinabi mo yung pinakatinatago kong sekreto? Ha? Ha? Sa tingin mo din hindi ako magagalit? Sino ka ba? Feeling close mo ah. Kung dahil 'to dun sa nangyari noon sa mall, sorry na! Hindi ko naman sinasadya eh! Akala ko kasi binabastos mo 'ko. Okay? Sorry na!'' Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dali daling umalis dun sa lugar na yun at sumakay ng taxi.

''Manong sa...''

---

~Bahay~

Napaisip ako sa mga sinabi ko kanina... masyado bang harsh? Okay okay, I admit.. hindi naman yun ang pinakakatagong sekreto ko eh, wala lang talaga akong masabi. At sincere naman talaga ako sa sorry ko. Sana nga lang hindi na niya ako kukulitin.

~Ring~

~Ring~

Tiningnan ko yung tumatawag. Unknown number? Reject. Di ko naman kilala eh, may nagsabi sa 'kin noon na hindi dapat ako sumagot sa mga unknown numbers. Hay.. naalala ko yung nagsabi sa 'kin noon. Kumusta na kaya siya? Galit pa ba siya? Sana naman hindi na..

Let's Pretend to Play a Game Called Love [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon