Mark's
Langya! Nawala badtrip ko! Hahaha! Ang sarap asarin ni Ella! Pikon masyado eh! Haha!
''Mark! H-Haha, uy! Sundan mo na y-yun baka kung ano-ano g-gagawin haha nun!'' Pininch ako ni Lindsay sa balikat. Napansin ko lang din.. ba't ang tahimik ng kambal niya? Sino nga ba 'to? Lin.. Linda? Lindle? Lincoln? Lin--
''MARK!!''
''Psh! Eto na, you don't need to shout.'' Nagpeace sign lang sa akin si Lindsay at bumalik sa pagkain.
San na ba 'yun? Anak ng! Kanina pa ako naghahanap dito sa hallway ah? San na ba yung babaeng yun?
Liliko na sana ako para pumunta sa room namin ng may narinig akong tawa.
Ella!
Dali dali kong sinundan kung saan galing yung tawa.. sa garden.
Nakita ko si Ella.. kasama ang isang lalaki. Sino to? Tss.. don't care.
Lumapit ako sa kanila at napastop sa pagsalita si Ella at tiningnan ako. Hindi ko mabasa yung expression niya pero.. parang.. uh nevermind.
''Ella, hinahanap ka pala ni Lindsay.. sino siya?''
''Ah.. si ano.. si Jerich..'' Nagnod ako sa sinabi niya at umalis na.
''Teka Mark!!''
''Bakit?'' Nilingon ko siya.
''Um.. okay ka lang ba?''
''Oo naman, bakit naman hindi?''
''Ah wala lang.. ano.. sige.'' Nagnod na naman ako sa sinabi niya.
Sino si Jerich?
''Halika, samahan mo 'ko.'' Hinila ko si Ella pagkatapos ng klase. Pero medyo bothered pa rin ako..
''San? Sa Arcade na naman ba?'' Binigyan niya ako ng bored expression. Hindi ba siya naenjoy sa arcade kahapon? Teka.. oo nga pala, ginalit ko siya. Eeh hindi ko naman kasalanan puno bulsa ko ah!
''Hindi.. sa park gusto mo?''
''Sige!!'' Siya na naman ang humihila sa akin.. excited masyado?
''Dun tayo Mark!!'' Natawa nalang ako. Ngayon ko lang nakita ang side niya na ganito.. pero oo nga naman, halos wala pa nga isang buwan ko siya nakilala eh!
''Mark!! Bilhan mo 'ko ng cotton candy!!'' Cotton candy?
''Nasan?''
''Yun oh!'' Tinuro niya yung cotton candy stand na malapit sa isang puno.
''Sige, teka.. dito ka lang.''
''Manong, pabili po ng dalawa.''
''Eto po sir.''
''Salamat po.'' Pagkatapos kong binigay yung pera bumalik na ako sa bench na inuupuan ni Ella.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi makangiti sa masayang mukha niya. Minememorize ko lahat ng details sa kanyang mukha nang tumunog cellphone ko.
''Hello?'' Sagot ko rito.
''Mark! S-Si Regin!! Naaksidente!!'' N-Naaksidente?
''Nasan kayo ngayon?!'' Nak ng!! Anong nangyari kay Regin!?
''S-Sa St. Lukes Hospital Mark.. Mark.. hinahanap ka niya!!'' H-Hinahanap niya ako?
''PAPUNTA NA AKO!!'' Di ko maiwasang hindi matense sa nangyayari.. anong nangyari kay Regin? Okay lang ba siya? Bakit siya naaksidente? Tinapon ko yung cotton candy na binili ko at dali daling pumunta sa kotse ko at pinaandar ito.
BINABASA MO ANG
Let's Pretend to Play a Game Called Love [Ongoing]
RomancePretend? Ano nga ba ang pretend? Ang salitang 'Pretend' hindi ko naman yan pinapansin kasi nga.. it's just an ordinary word/act.. pero hindi ko alam nang dahil sa word na 'yan, tuluyan nang nagbago ang buhay ko. Ang cliche ba? Bahala na. Yan ang nan...