Chapter 33

235 10 1
                                    

Blurry na ang paningin ko. Sobrang sakit din ng ulo ko. Akala ko kanina ay simpleng ice tea lang ang ininom ko sa loob. May halo palang alak iyon kaya naman pala iba ang lasa. Mas nadagdagan tuloy ang pagkalasing ko dahil uminom pa ako. Sabi ko ay kaunti lang pero mukhang na-prank ko ata ang sarili ko.

Hataw ang pagsayaw ko. Tila wala nang bukas pa.

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Pero napangiti ako nang makitang si sir pala.

"Shir! Ikaaaw pala 'yaann! Sayaw pa tayo!" Hinawakan ko ang kamay niya at inaya siyang sumayaw. Umiindak ako sa musika samantalang siya ay parang poste lang na inip na inip na.

"Let's go home." Hinawakan niya ako sa dalawang balikat. Agad ko naman iyong tinanggal. Blurry na talaga ang paningin ko pero mas hindi ko kasi napapansin iyon kung sumasayaw ako. Kapag kasi nakatayo lang ako, pakiramdam ko matutumba ako anytime.

"Shir!—opps!" Napatakip ako sa bibig nang ma-realized ang itinawag sa kaniya. "Loves pala!" Tumawa-tawa pa ako. "Huwag ka ngang KJ! Makishayaw ka rin! Shabayan mo 'ko!" Lumapit ako at dumikit sa kaniya. Inilagay ko ang mga kamay niya sa baywang ko saka inilagay ang kamay ko sa kaniyang batok. Iginiwang ko ang mga katawan namin kasabay ng malumanay na musika.

Mukhang sakto nga ang moment dahil nakisabay sa amin ang music dito. Ang mga tao sa paligid namin ay may mga partner na rin at ginaya ang ginagawa namin. 'Yung lights ay hindi na sobrang masakit sa mata. Ewan ko ba kung sa akin lang pero pakiramdam ko ay bumabagal ang paggalaw ng nasa paligid ko.

Nakatutok lang ako kay Sir. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. Halata kasi na parang na-b-bored na siya. Palinga-linga siya sa paligid. 'Yung tipo bang gusto niya nang kumaripas ng takbo at magsumbong sa mommy niya na ayaw na niya rito.

Maya-maya ay tumingin na siya sa akin. Patuloy lang kami sa pagsayaw. Mabuti nga at hindi niya pa ako tinutulak. Hindi na ako magtataka kung nakahalik na ako mamaya sa sahig.

Sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin. Pakiramdam ko ay naglilikot na ang mga paru-paru sa tiyan ko. Kinikilig ata ako. Wait! Kinikilig ba ako?!

Masama na bang mag-daydream na groom ko siya sa kasal at nagmamahalan kami? Alam kong malabo naman talagang mangyari 'yon pero imaginations lang naman. Wala naman sigurong bayad kung mag-i-imagine na lang ako ng MGA bagay-bagay.

Ngumiti ako sakaniya. Ewan ko ba kung bakit. Lasing na nga siguro ako.

"Ba't ba ang gwapo mo?" Tanong ko sakaniya. Hindi ko na ata kontrolado ang bibig ko. May sarili na rin ata itong utak. Bigla na lang bubuka, hindi naman kailangan.

Halatang naguluhan siya sa tinanong ko.

"Of course, genes." Seryoso at simpleng sagot niya. Umirap pa nga siya. Kalalakeng tao ang taray-taray niya. Sobra pa siya sa akin. Natawa tuloy ako.

"Palahi naman!" Joke kong saad. Maya-maya ay tila umandar ang utak ko at binalik ako sa wisyo. Gusto ko tuloy magpakain na lang sa lupa. Omg, anong katangahan na naman ito, Sierra? May another episode ka na naman.

Halos mapatili naman ako nang ilapit niya ang ulo sa akin saka itinapat ang bibig sa aking tenga. Ramdam ko ang paghinga niya. Omg self! Kalmahan mo lang muna ha!

That Mr. Trillionaire is MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon