Chapter 8

818 66 6
                                    


Huminto si Sir sa isang lugar na parang bangin na yung sa ibaba. Pinark niya na ang sasakyan niya at lumabas. Ang ganda ng view ha. Kitang kita mo dito yung bulkang taal. Mahangin pa. Kaya pala fave place ito ni Sir. Refreshing kasi rito bukod sa malinis na yung lugar ang lakas pa ng hangin.


Bumababa na ako at tumabi kay Sir sa harap ng kotse niya. Doon kasi siya nakasandal.



"Ganda dito Sir ah. Lagi po kayo dito?" tanong ko habang tinitingnan yung view.



"Yeah, if i have problems." Nakatingin lang siya doon sa view.



"Ahh. So araw-araw ka pala Sir nandirito?" Napatingin naman siya sakin na may halong pagtataka.



"Why?" Tanong niya habang naka-frown.



"Kasi Sir... Para kasing pasan mo ang problema ng buong mundo. You know... Always ka nakafrown tapos ang sungit mo... tapos suplado... PMS palagi......" Nahalata kong nakatingin na si Sir sakin kaya dahan-dahan kong tiningnan si Sir na nasa gilid ko. Nakakunot-noong nakatingin sa'kin.



Hala? May nasabi ba akong mali?



Shooccckkss... Nasabi ko bang masungit siya, suplado, laging problemado? HALA KA!




"What did you say?" Masama na ang tingin sa'kin ni Sir. Ang honest naman kasi ng bibig ko eh.



"W-wala po Sir... S-sabi ko po ang ganda ng view. HE HE HE..."



"No, did I hear you right? Sabi mo mukhang pasan ko ang problema ng buong mundo... Always akong nakafrown tapos ang sungit ko....
tapos suplado... PMS palagi......" tiningnan na'ko ni Sir na parang pinagbabantaan.



"Ah hehehe... Sa totoo naman Sir eh."




"Babawiin mo ang sinabi mo or I'LL FIRED YOU?" Nakasmirk niyang sabi.


Waaaahhhh! Hindi naman ma-joke si Sir oh!


"Sabi ko nga joke ko lang yun Sir. HE HE HE." Namamawis na dito yung kili-kili ko dahil kay Sir. Fired agad?Hindi pwedeng bigyan ng punishment  muna?



Masyado namang seryoso 'tong si Sir! Sabagay lagi nga naman.


"Mabuti naman." Binalik na ni Sir ang tingin niya sa view.


"Ah Sir, so may problema po kayo  ngayon." Tumingin ako sa view. Tumingin siya sakin pero ibinalik niya rin agad sa view.


"Kasi gaya nga ng sabi mo Sir... pinupuntahan mo 'tong lugar na 'to kapag may problema ka." Pagpapatuloy ko sa sinabi ko.



"And so? Para namang may maitutulong ka kapag sinabi ko." Seryoso niyang sabi.


Siya na! Siya na ang dakilang suplado! Parang nagtatanong lang eh. Buti nalang talaga crush ko si Sir eh kundi nasapok ko na'to. Joke!


Pero crush ko talaga si Sir. Ayiiiieeeeee. Quiet lang kayo ha? Kundi kayo ang masasapok ko. Hehehe! Joke lang. 


"Harsh mo naman Sir."


"Tsss"


"May nakapagsabi lang po kasi sakin na kapag sinasabi mo ang problema mo sa iba nakakagaan ito ng pakiramdam. Kasi kahit papaano nabawasan ang bigat na nararamdaman mo." Share ko lang naman. Wala naman masama sa magbigay ng impormasyon. Basta tama.



"Tsss. That's stupid. They didn't need to know your problem because it's YOUR OWN problem. You are the only one who can find solution. As if people can help you if you share your problems." Pailing-iling niya pang sabi.



"Malay mo may matulong sila pero hindi naman talaga yun ang point dito eh. Ang point ko lang po Sir nakakagaan sa loob kapag hindi mo sinosolo ang problema mo."



"It's none of their business, OF YOUR BUSINESS." Sabay tingin sa'kin.



"May nakapagsabi sa'kin niyan at totoo talaga na nakakagaan sa pakiramdam kapag hindi mo sinosolo yung problems mo."



"Tss. Sino ba nakapagsabi sayo niyan?" Nakakunot nanaman ang noo niya.


"Lola ko."



"Sabi-sabi lang pala ng matatanda. Hindi yan totoo."



"Ha! Sumbong kita kay lola. Mumultuhin ka niya mamayang gabi. Sige ka." Pananakot ko sakanya habang natatawa.



"If it happens I'll fired you." Nakasmirk niyang sabi sabay kindat pa. Sumakay na siya ng kotse.



"Ito naman si Sir fired agad." Sumakay na rin ako sa kotse.


Baka iwan pa'ko ni Sir mahirap na.

That Mr. Trillionaire is MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon