Chapter 43

124 5 0
                                    

"What do you think, Sierra?" Plastic na ngumiti si Mr. Ziloh. Akala mo naman hindi halata.

"I don't think that's a good idea, Mr. Ziloh." Deretso kong sagot sa kaniya.

"Hindi po kami nagmamahalan ng anak niyo. Hindi ko po siya kayang mahalin katulad ng kung paano niya ako mahalin. Pasensya..." Dugtong ko pa para mas maintindihan niya ang desisyon ko.

"Why? Kaya niya rin naman ibigay ang yaman na naibibigay sa'yo ni Kristoff."

"Pero hindi ko po maibibigay ang pagmamahal sa kaniya. Saka hindi po yaman ang habol ko o kung bakit ko ginusto si Kristoff. Ginusto ko siya dahil sa pagiging siya mismo." Mariin kong saad. "Ibang-iba po iyon."

Magkaibigan lang kami ng anak niya. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Sa totoo nga ay parang kapatid ko na siya. Hindi ko kayang isipin na maging kami o ang ikasal sa kaniya. Naiisip ko pa lang ay nakababaliw na.

"Oh Sierra! Don't deny it. I know how hard your life is. Binibigyan na nga kita ng chance na guminhawa ang buhay. And! You won't regret choosing my son, matagal mo na siyang kilala." Ayaw magpatalo ni Mr. Ziloh. Naiirita na talaga ako sa kaniya pero mabuti na lang marami pa akong natitirang respeto.

Respeto, respeto, respeto at patience, patience, patience. Iyan ang pinakakailangan ko ngayon.

"Magkaroon naman po sana kayo ng hiya. Don't let your son have the same fate as you have. Huwag niyo siyang ikulong sa isang kasal na siya lang naman ang nagmamahal. Huwag niyo siyang pagkaitan ng freedom na pumili ng kung sino ba talaga ang para sa kaniya." Seryosong saad ko. Malapit na akong maubusan ng respeto. Alam ko ang history nila ni mama. Alam kong mabilis din siyang pumayag sa nangyari dahil matagal na siyang may gusto sa bestfriend niya. Akala niya naman magiging rason iyon ng tuluyang paghihiwalay ni mama at papa. Doon siya nagkamali dahil hanggang ngayon, ipinaglalaban ng dalawa ang pagmamahalan nila.

"Habang buhay kang talo kung pinipilit mo lang ang mga bagay na hindi naman para talaga sa'yo. Ayaw niyo naman sigurong matulad sa inyo ang anak niyo, hindi po ba?" Nanginginig na si siya sa galit. Pakiramdam ko nga ay gusto niya na akong hambalusin ngayon. Pasalamat na lang ako dahil malakas ang guardian angel ko. "Unless... hindi mo talaga Mahal at tinuturing na anak si Eryion."

"Mag-ingat-ingat ka sa mga sinasabi mo... Sierra." Nagbabantang saad niya. Hindi ako kinakabahan pero alam kong kaya niyang gawin ang kung ano man na kasamaan na binabalak niya. "Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa anak ko." Gusto niya na ata akong sapakin. Hindi niya naman magagawa kahit gustong-gusto niya. Kung ayaw niyang magalit ang nag-iisa niyang anak.

"Edi huwag niyong ipagpilitan ang anak niyo sa akin. Ayokong nasasaktan si Eryion. Masasaktan lang siya kapag pinili ko siya. Intindihin niyo rin naman po sana." Tatayo na sana ako nang bigla siyang may sinabi na kahit kailan ay ayaw kong marinig.

"Bangkay ng pamilya mo ba ang kailangan, Sierra?" Nakangisi na si Mr. Ziloh ngayon animo'y nababaliw sa tuwang dulot ng masama niyang balak.

Nanghina ako sa sinabi niya. Pero dapat ay huwag kong ipakita sa kaniya iyon. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto ko siyang sakalin.

"N-nasisiraan ka na talaga." Gusto ko siyang saktan ngayon. Ang hirap pigilan pero kailangan kong mag-ingat. May oras din ang lahat.

"So choose. Be with Eryion, live a happy life and your family will be safe... or be with that fucking Kristoff and I'll make your life more miserable." Sa pagpipilian, wala namang kapili-pili. Lahat may risk. Lahat ang panget piliin kasing panget ng budhi ng lalakeng kaharap ko.

Dapat mag-offer muna siya ng ten million o kahit one billion na agad. Hindi 'yung pagbabanta ang ginagawa niya. Paano ko pipiliin ang anak niya kung ngayon pa lang nga kuripot na siya.

That Mr. Trillionaire is MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon